Kabanata I

1142 Words
"Ayaw mo parin bang hanapin ang kabiyak mo?" kaswal na tanong ng tito ni Red. Suminghal siya sa narinig na paghihimutok ng kanyang tito. Kakagaling lang niya sa insayo at ito agad ang bungad ng tito niya matapos siyang ipinatawag sa kanyang opisina "Tito" buntong hininga niyang tawag. "Wala pa akong gana para diyan" pagpapatuloy na saan ni Red bago tinignan ang kanyang tito ng makahulugang tingin. Sukad sa narinig at tinging ipinupukol ng kanyang pamangkin ay walang nagawa ang kanyang tito kundi ikaway ang kanyang kamay bilang pagsasawalang-bahala sa tinging natatanggap sa kanyang pamangkin. "Bente-tres anyos kana, iha" may diing tugon ng kanyang tito. Ipinapaalala niya ang kahalagan nito kay Red. Pareho silang nagtitigan, bumuntong-hininga si Red at lumihis ang titig sa kanyang tito bago sumagot. "Alam ko po" paunang sabi niya bago itinuloy. "... at kung bakit importanteng mahanap ang kabiyak ko" Umayos ng pagkakaupo ang tito ni Red at ayusin ang nalukot niyang damit pagkatapos marinig ang turan ng kanyang pamangkin. Nalulungkot siya na hindi niya magawang mapilit ang dalaga. "Okay" Sawi man, ito lang ang kayang sambitin sa kanyang pamangkin. Sabay silang tumuyo sa kinauupuan. Alam na ni Red na makakauwi na siya. Humakbang ang tito niya hanggang nasa gilid na siya ni Red at nilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat, bago siya nagpalabas ng kanyang enerhiya na agad pumapalibot sa dalaga. Naramdaman ito ni Red ngunit wala siyang sinabi, mas maalam siya kung bakit niya ito ginagawa. Sa katunayan ay napangiti pa siya. Inihatid siya sa pintuan ng kanyang opisina, tumigil muna sila sa paglakad at hinarap ang isa't isa. Tinignan siya ng kanyang tito at nginitian nang banayad. Si Robert, ang kanyang tito, mukha man itong siga at nakakatakot dahil na rin sa pagiging alpha, ngunit lubos itong kabaliktaran sa mga taong malalapit sakanya. "Mag-ingat ka, Red" binigyan niya ng halik sa noo ang pamangkin at siyang nagpangiti sa dalaga. "Ikaw rin, tito" Tuluyan nang umalis ang dalaga. Hinatid siya ng tingin ni Robert at nagpakawala ng mabibigat na buntong-hininga na kanina niya pa pala pinipigilan. Madilim na nang makalabas si Red. Iilang araw nalang at kabilugan na ng buwan, hindi pangkaraniwan ang hatid na liwanag ng buwan na nagsisilbing poste ng ilaw sa daanan. Mula sa nilalakaran ni Red ay matataw ang iilang mga estudyante habang binabaybay ang malawak na damuhan ng paaralan. Ang entrance at exit points nito ay nasa iisang dako lang, parehong nasa front gate ngunit magkahiwalay sa distansya. Kaya naman kailangang dumaan pa sa malawak na parte ng paaralan upang marating ng gusali ng kanilang kolehiyo, at gano'n na rin kapag lalabas. May iilang estudyante ang nakapansin kay Red ngunit mas piniling huwag nang disturbuhin matapos malanghap ang ibiniling amoy ng tsanselor. "Mabuting huwag na natin siya lapitan" saad ng lalaki habang nilagay sa kanyang tuhod ang dalawang kamay at hinahabol ang kanyang hininga. Tagaktak siya ng pawis at nararamdaman ang kasalukuyang pag-ikot ng kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay masusuka siya. Lalapitan na sana niya at kanyang mga kaibigan si Red nang naramdaman niya ang malakas na enerhiya ng kanilang tsanselor. Malaki ang agwat ng lalaki sa kanyang mga kaibigan nang patungo sila sa dalaga, at nagkataong nauna siya sa mga ito, kaya ganito na lamang ang epekto sakanya. Sadya ang paglagay ng kanilang tsanselor kay Red upang hindi ito disturbuhin sa oras ng kanyang pagpapahinga. "Tara na" saad ng isa sa mga kaibigan ng lalaki habang ang isa naman ay tinutulungan siyang tumayo at maingat na inilalayang umupo sa isa sa mga bench doon. "Mamamatay ata ako do'n" nanghihinang saad ng lalaki. "Bakit hindi pa?" biro ng isa niyang kaibigan habang tumatawang umupo sa katapat na bench. "Hoy!" agad na tugon ng lalaki. Halatang kinilabutan sa narinig. Nakapamulsa si Red sa kanyang puting sweater, nakapusod ang kanyang buhok na medyo nagulo dulot nang insayo. Pinili niyang huwag na dalhin papasok ang kotse niya at maglakad na lamang, gano'n na rin pauwi. Mas madilim ang kalsadang nilalakad niya dahil sunod-sunod ang away ng ibang kalahi, humantong ito sa pagkasira ng iilang pinatayo ng gobyerno. Isa na rito ang mga poste ng ilaw at poste ng kuryente. Tanaw sa binabaybay na daan ni Red ang anino ng mga naglalakihang mga puno. Humugot siya ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili, sa isang kisapmata, natanggal ang control sa kanyang pandama. Hinayaan niyang gabayan siya nito mula sa kanyang paligid. Masangsang sa ilong ang amoy ng ihi mula sa iba't ibang shifters na nagmamarka sa kanilang teritoryo, ang amoy ng mga pheromones, at ang amoy mula sa pagtatalik. Napakamot si Red sa ilalim ng ilong niya at ngumiwi sa magkahalong amoy. Gamit ang kanyang 'second sight' na para sana makita ang awra at emosyon, sa halip, gamit ito ni Red para sa pagkilos. Ilang miilya mula sa kanyang nilalakaran, alam na niyang may mga nangangaso dahil sa gutom, mayroong puno ng galit at nagmamasid sa kanyang kinasusuklaman. Maririnig naman sa kabilang bundok ang palitan ng ugong kanyang kapwa, may dala itong mensahe at pagkasabik. Kung hindi lang naging matagumpay ang resulta ng insayo ni Red, matagal na siyang nilamon ng kanyang pandama at namamalagi na sa isang pasilidad na magsisilbi sa sitwasyon niya. Mabuti na lamang at mula pagkabata ay sinasanay na siya at naperpekto sa lahat sa edad na katorse. Hindi niya makakamit lahat ng 'to kung wala ang kanyang guro na siya ring malapit na kaibigan ng kanyang pamilya. Gamit ang kanyang bilis ay narating niya kanyang tinutuluyang bahay. Magkaibang bahay ang inuuwian nina Robert at Red, upang magkaroon ng pribadong pamumuhay ang dalaga. Isa na rin sa dahilan na ayaw niya umasa lagi sa kanyang tito. Itinuring niya itong pagkakataon, ayaw niyang mag kasama lagi, nasasakal siya sa presensya. Hindi dahil kasama nila si Red, ito ay dahil nalulunod si Red na may kasa-kasama. Taliwas sa mga inaakala ng iba. Isang simpleng puting kontemporaryong bungalow ang bahay ni Red. Wala itong masyadong ekstrang anik-anik at abubot dahil masakit ito sa kanyang mata at naalibudburan siya. Bubungad sa'yo pagpasok ang receiving area, maaliwalas ito dala ng chandelier na umilaw sa buong paligid. Sa kanang bahagi, anging TV lang na nakakabit sa pader, isang mababang kabinet sa ilalim nito na naglalaman ng gadgets, at isang kompletong sala set sa harapan nito. Ang bahaging front at left wall naman ng receiving area niya ay puro na salamin, ang tumatakip nito ay automated na kurtina mula sa high-ceiling nito. Iilang halaman ang bumubuhay sa buong bahay niya. Habang tinitignan niya ang kanyang mga halaman, napabuntong hininga siya nang maisip ang pag-aalala ni Robert. Bente-tres anyos na siya at wala pang kabiyak. Halos sa kanilang lahi ay may kabiyak na sa edad labing-walo, at kung humantong man sa edad bente-singko at wala parin. Iyan ang kinakatakot ng tito niya. Magreresulta ito sa panghihina ng puso ... at magiging sanhi sa kanilang pagkamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD