Alas nuwebe imidya na ng umaga at dagsa ng mga estudyante ang hallway, paalis man sa klase o papasok. Mayroong nakatambay lang sa gilid ng hallway, may ibang nakaupo sa umbok na sementong haligi ng hallway habang nakipagdaldalan sa mga kaibigan, habang abala ang iilan sa paghahap ng kanilang classroom. Si Red naman patungo na sa una at huling subject niya sa araw na ito. Ang "shifting" na subject.
Hindi niya pinapansin ang mga tingin nakakatanggap niya mula sa kanila, kahit ang mga titig na nakakabutas ng ulo ay ipinagsawalang bahala. Ang iba ay natutula sa taglay niyang ganda, ang iba ay gustong maging siya, may iilang gustong maging kaibigan, habang halos sa kanila ay pinapangarap na maging kabiyak.
"Red!" Isang tili ang umalingawngaw sa buong hallway. Tumigil ang hakbang ni Red at agad na nilingon ang pinanggalingan ng boses. Tumigil sa harap niya ang isang babae, magkasingtangkad lang sila kaya kita agad ang kabuuan niya. Hanggang balikat ang kulay kayumangging buhok niya. Maputi ang makinis niyang balat na nagpatinggkad lalo sa kanyang buhok. Medyo singkit ang mga mata at matangos ang ilong, habang ang labi niya'y pula., at may kakapalan ang kilay.
"Oh?" Sagot ni Red. Inangkla naman ng babae ang mga kamay niya sa may siko ng dalaga, na siya namang hindi pinansin at hinayaan nalang.
"I'll go with you" Masigla ang boses niya ngunit pansin din ang lambot ng kanyang accent sa wikang Ingles. "Same naman tayo ng class" Patuloy niya habang binabaybay nila pareho ang hallway.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Red ang usap-usapan at bulungan.
"Ang swerte naman niya kay Red" Saad ng isang matangkad na babae sa malayo habang tinignan sila Red at ang kasama niya.
"Balita ko magkababata sila" Tugod ng kausap. Napatitig naman ang babae sa kanya at bumuka ang bibig niya at napatango. Hindi niya inaasahan 'yon.
"Edi mag best friend sila?" Tanong niya sa hindi siguradong tono. Lumapit siya sa kausap, kunting distansya nalang ang kanilang pagitan.
"Yup, siya rin ang anak ng guro ni Red" Tumigil muna siya at ngumiti sa matangkad na babae, itinaas niya ang kanyang hintuturo sa pagitan ng kanilang mukha at nagpatuloy. "...at ang tatay niya rin ang isa sa mga pinakamalakas na lalaking alpha".
Baka sa mukha ng babae ang pagkamangha. "Pareho pala silang swerte sa isa't isa" may bahid ng tuwa ang boses ng babae, hinawakan niya ang bewang ng kausap at humalik sa pisngi.
"Oh my gosh! Ayan ka na naman" Gulat na bulaslas ng kausap at mahinang tinulak ang balikat ng babae. Nakita niya ang panlulumo ng babae kaya mabilis niya itong hinalikan sa labi. Napalitan ng pamumula ng mukha ang kaninang nanlulumo, kumagat pa siya sa labi upang labanan ang ngiti.
"You better be grateful for being my mate" saad ng kanyang kausap at hinalikan ulit ang pisngi niya.
Ngumiti nang malawak ang kaibigan ni Red dahil sa narinig. Hindi niya pinansin na sila ang pinag-uusapan, interesado siya katotohanang magkabiyak sila. Hindi niya maipalinawag ang tuwa niya kapag may nakakasalubong siyang ganito. Lingid sa kanyang kaalaman, ginamit ni Red ang kanyang second sight at naaaliw sa nakikitang emosyon ng kaibigan.
"Shane" Tawag ni Red sa kaibigan. Napatingin siya at nahuli ang aliw sa mata niya.
"Yeah?" Sagot ni Shane.
Sa halip na sumagot ay ngumuso lang si Red sa training room sa may hindi kalayuan. Tinuturo niya ang direksyon sa kanilang klase. Saka lang sumagi sa isip niya na huminto sila sa paglalakad. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa mukha. Hindi dahil sa kaibigan niya o sa naririnig na bulungan. Kundi dahil istrikto ang prospesor at ayaw sa mga patamad-tamad na pumasok. "We're running late! Damn it"
☆
Nakaupo si Red habang nakakrus ang mga binti. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa mga balikat ng kaklase na nasa pareho niyang posisyon. Nasa harapan siya ni Red at ang mga kamay ay nasa magkabilaang hita. Tinuturuan siya ni Red sa bagong step ng daloy sa enerhiya sa katawan o ang tinatawag na channeling. Kinakailangang ibahagi ni Red ang channel sa kaklase upang makopya ang daloy nito at gawing kanya. Itinuro muna ito ng kanilang propesor kay Red bago ipamahagi sa kaklase. Masasabing naging assistant nalang sila Red dahil advance na ang kanilang alam.
Hinuhusay muna sila sa pagpapadaloy ng enerhiya bago nila magawang mag-shift sa anyong lobo. Mayroong maagang nakakagawa na nito ngunit hindi ang buong anyo nito. Ang ilan ay ang talim lang ng kanilang kuko o ang mabagsik na mga mata, habang ang iba'y halos kompleto na at tanging mukha lamang ang hindi.
Mahigit benteng estudyante ang nakaupo sa ipinamahaging yoga mat. Tatlo ang nakatutok sa mga estudyante at isa na si Red na bagong estudyante ang tinuturuan. Nasa gilid lang ni Red ang propeso na ipinapaliwanag ang gagawin, habang si Shane ay kalmadong pinapasa ang daloy ng enerhiya sa kaklase, kalmado ang kanyang mukha at paghinga ngunit halata ang pawis sa gilid ng ulo.
Malawak ang training room at may sariling silid lagayan ang mga gamit pang-combat at iilang pangangailangan sa insayo. Kulay puti ang buong kwarto at kaya nitong kopyahin ang lugar na gugustuhin, dahil AI ang buong kumokontrol sa kwarto. Imbento at disenyo ng isa sa mga nagtapos sa Pamantasan na may kakayahan at talino sa teknolohiya.
Bawat isa ay may regalo mula sa kanilang ninuno na ibinahagi sa kanilang supling at sa susunod pang henerasyon. Sa pagdaan ng panahon ay nagbago ito at nagkaroon ng iba't ibang klase. Ang regalong iyon ay ang paggawa o mas tinatawag nilang 'gift of creation'.
Hindi matunaw ang ngiti ng propesor dahil nakuha lahat ng estudyante ang itinuro. Lumakad siya sa gitna, inayos niya ang lukot na niyang black pants at may siko ng kulay asul na long sleeves. Pumalakpak siya ng isang beses upang kunin ang atensyon ng mga estudyanteng nag-uusap. Tumahimik naman ang lahat. "Dahil maaga tayong natapos sa klase natin ngayong lingo" simula niya sa pormal na boses. Kinabahan ang ilang estudyante dahil naging pormal na boses ng propesor nila, maaring mapaaga ang kanilang pagsusulit dulot nang mabilis na pagtapos ng leksyon. Namataan agad ng propesor ang mabilis na pagbago ng kalooban nila. Magkatabi ang magkaibigan habang nakikinig, nanatili ang magaan na awra ni Shane habang si Red ay kalmado lang.
Ngumiti ang propesor at binitawan ang bombang kanina pa gustong ibalita. "Walang pasok sa klase ko sa buong linggo. Magkita-kita ulit tayo next week" Halos magkabingihan ang lahat sa lakas ng sigaw, nginiting umiling lang si Shane sa nasaksihan. Hindi na pinansin ni Red ang ingay at may kinakalikot sa bag, napansin naman siya ng kaibigan at sinisilip pa ang laman ng bag.
"Oh" Puro itim ang nakita niya nang sinubsub ni Red ang towel sa kanyang pagmumukha. "Chismosa ka" natatawang hirit ng kaibigan habang tinutuyo ang sariling pawis sa leeg. Hindi naman maguhit ang lukot ng mukha ni Shane na tinutuyo ang pawis sa gilid ng ulo.