Precious POV
HINDI ako nakapagsalita at napako nalang ang paningin ko kay Ma'am Judith dahil sa mga narinig ko.
Whuaaaa oh meh gesh
''Tsk. " rinig kong singhal ni Sir Aljon bago nag lakad patungo sa table ni Sir Andrew.
" I don't want to see your face here in my office from now on. " para akong binuhusan ng mainit na kape sa tinuran niya.
Oh meh gesh talaga tinatanggal na ba niya ako sa trabaho ko??
"Aljon." nagbabanta ang tinig ni Sir. Andrew kaya napalingon ako kay Sir. Aljon.
Huhuhu ang sama ng tingin niya sakin :<
"I don't need a pervert secretary ." nakaramdam ako ng matinding hiya dahil sa binitawan niya.
Ako na nakakahiya, happy?
'Hindi ko naman ginusto na masabihan siya ng jung ano ano. Kung hindi niya ako ginulat edi sana everybody okay hysst.'
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ni Sir Andrew. Mas lalo naman akong napa yuko.
Gizzz
"Nevermind. " sagot ni tukmol saka na bumalik sa pagkaka yuko sa mga paper na nasa harap niya.
"Precious, una na kami ha. Marami pa kaming aasikasuhin sa kabilang kompanya. Goodluck." naka ngiting ani Ms. Judith. Nginitian ko rin naman siya, pilit ngalang hehe. Tumango lang din si Sir Andrew saka na sila lumabas ng office.
"Ano? tatayo ka nalang ba riyan at mag de-day dream?" nabaling ang paningin ko kay Sir nang magsalita siya sa table.
Malungkot akong bumalik sa table ko at inayos ang mga gamit ko. Sinilid ko lahat sa isang karton na lagayan ko ng folder at tinali. Pinagkasya ko nalang lahat doon kahit na maliit lang yung box. Iiwan ko naman kasi yung ibang folder dahil hindi naman saakin 'yon, pag-mamay-ari iyon ng company.
'Baka pag dinala ko ang mga iyon ay pagbintangan pa ako nitong tukmol na 'to na hinahakot ko ang mga gamit ng office n‘ya, duhh.'
palabas na sana ako ng office bitbit ang mga gamit ko nang magsalita na naman si Sir.
Ghrr! ang bigat kaya ng dala ko.
"Where do you think you are going?" napa hinto ako sa tangkang pag bukas ng pinto at naka taas ang isang kilay na hinarap ko siya.
'May saltik nga atang talaga itong bago kong boss, no?? pinapalayas niya ako tapos magtatanong kung saan ako pupunta?? ang sarap lang ihampas sa pagmumukha niya itong mga gamit na dala ko hmp."
" Siguro aalis na po? Ayaw mo na kamo makita mukha ko magmula ngayon, diba Ser? " may diin na sabi ko.
"E bakit ang dami mong dala? " tanong niya saka tumingin sa table ko. "Saka nasaan ang mga gamit mo?" kunot noo pa niyang tanong.
"Aba'y isa't kalahati ka rin po palang Monggo Sir e. Kasasabi n‘yo nga lang po kanina na ayaw n‘yo na ako makita--- ngayon na aalis ako ay pinipigilan niyo ako. Saka hindi niyo po ba nakikita itong bitbit ko Ser?? mga gamit ko po ito kung hindi pa ba obvious sa inyo. " medyo naiinis ko na talagang sabi. Aba e kung hindi ba naman isa't kalahating sira ulo, Sinisante ako tapos mag tatanong kung saan ako pupunta?? malamang ay aalis na sa kompanya nila. Ano pa bang gagawin ko rito? tatambay?? tsk.
'Pag ako nabwisit naku talagaaa.. Ipiprito ko hotdog nya!'
"So you mean, you're leaving?" Baling niya sakin.
Ewan ko pero parang double meaning yung tanong niya pagdating saakin.
'Jowk lang. Wag assumera, self. kaya ka napapagalitan eh, kung ano-ano iniimagine mo.'
"Didn't you say kanina Ser na I'm fired na?" parang hirap na hirap pa sa pag-e-english na tanong ko.
Ewan ko ba at parang required ako mag english kapag si tukmol na kausap ko. Para akong nabobobo pag siya ang kausap ko. Tapos pakiramdam ko sa bawat linyang bibitawan ko e kailangan kong mag-ingat. Iyon bang parang kailangan pag siya ang kausap mo e dapat matalino ka?
Dimo gets?
Ako rin eh. Hehe
"So now, you're telling me na umaalis kana sa trabaho mo as my secretary?" pagkaklaro pa niya. Tumango-tango pa ako na parang bata. "Kasi sabi mo Ser eh." Segunda ko
"Okay. gusto mong sisantehin ang sarili mo, then go." sabi nya sabay balik sa ginagawa niya.
Whuaaaa halaaa hindi pa ba niya ako sinisisante??
Oh meh gesh! precious delicious! ang shunga mo talaga bakit ka nag resign!
"Whuaaa hindi mo ako sinisisante Ser??? gizzz" mabilis pa sa alaskwatro na lumapit ako sa kanya at nilapit ang mukha ko sa kanya habang iniintay ang magiging sagot niya. Pero nanatili lang siyang naka yuko.
"Serrr... Whuaaa Serr totoo po??? hindi pa po ako suspendido? " malakas na sigaw ko habang nasa harap parin niya. Nakadungaw ang ulo sa pagitan ng table.
Halos amoy na amoy ko nga yung pabango niya at yung mabango niyang buhok. gizzz nakakaadik.
Napaka masculine naman ng scent ni Ser.
Dahil Sa sinto-sinto nga ako ay mas lalo ko pang nilapit ang ulo ko sa kanya para mas maamoy ko yung bango ng buhok niya. hummmm, ang bango!
"Will you please minimise your voice? you're too loud---" nagulat ako sa biglaan pag-angat ng tingin ni Sir Aljon kayaaa..... Kaya..... Kaya...
Kyahhh!!!
OH MEH GESH!
Stupid!! stupid!! stupid!!
Whuaaaaa!!
Wag kang OA Precious, nagdikit lang yung ilong n‘yo.
Pero... Whuaaa!!! huhuhu nakakahiyaa!!
Walang naka imik saamin dalawa. Nanatili kaming ganon ang posisyon. Hanggang sa lumipas ang walong sengundo, ako na mismo ang lumayo. Napa atras ako ng ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko kanina.
Whuaaaa! ano ba naman ito hindi na nga natanggal sa trabaho, tapos eto ako at gumagawa ng dahilan para tuluyan akong matanggal.
Whuaaa! ano bang klaseng katangahan ang sumapi saakin at bakit parang sumobra naman ata sa tanga???
'Jesus, okay naman po saakin kung sapian ako ng katangahan kahit paminsan-minsan, wag naman po yung maya't maya ang dating. Huhuhu. ako yung nadedehado eh Wuhuaaahhh! '
"A-ah.. Ano.. Ahm.. Ehem... Ah, sabi ko nga Ser Babalik na po ako sa work ko eh. Heheheh peaceee." parang tanga kong sabi saka nagmamadaling dinampot yung mga gamit ko sa table nya at bumalik sa sarili kong table.
Whuahhh! Malas! malas! malass!
Huhuu isa lang naman po akong hamak na sexytary na may pangarap sa buhay. Nag-aaral naman po ako ng mabuti though, sa online nga lang. Pero at least po matataas ang mga grado ko. Whueee saka ginagawa ko naman po ng maayos yung trabaho ko bilang isang sexytary na makapal ang mukha.
Ang nag-iisang sexytary dito sa Scyneth Company.
Mabait naman po ako at magalang.
Hindi palamura at lagi po akong may pananalig sa diyos. Yun ngalang ay kinulang po ata sa matinong pag-iisip dahil puro lumot na hehehe.
Natapos ang buong maghapon na hindi ko nililingon si Ser Aljon kahit na inuutusan niya ako.
Kung hindi sa taas naka tingin ay sa baba naman.
Eiii sa ayoko siyang tignan sa mukha dahil nahihiya ako.
'Sino ba naman hindi mahihiya sa kapalpakan na ginawa ko tsk. Saka talaga naman mahihiya ka dahil yung taong kinabangga mo ay hindi basta-basta. Isipin mo? Boss mo siya-- empleyado ka lang, tapos mangungulit ka sa kanya at makikipag banggaan ng ilong?? Hindi makatao yun bes. Lalo na sa part ko. Ang gwapo niya kumpara sa saakin na pwede ng ipanlampaso sa buong floor ng Scyneth building.'
10:30 pm.
Gabi na nang matapos kong isulat iyong inutos saakin ni Ser. Aljon.
Basic!
'Whuaaaa ang sakit ng kamay ko huhuhu. Sinusumpa ko lahat ng may pangalan na Aljon. Whuaa huhuh.. Ang bad niya. Pinag sulat ba naman ako ng 20 pages na copy nung documents na binigay sa kanya kanina nung Secretary sa kabilang kompanya. '
Pag ako talaga umangat sa buhay--- mag tatayo ako ng malaking malaking malaking malaking building! yung mas mataas pa dito sa building na 'to! hmp! tapos gagawin kong carwash boy yang Aljon na yan! hmp.
Pramisss masakit talaga yung kamay ko. Nangalay ata sa walang hintong pagsusulat huhu.. Kapag kasi ako nagsulat wala ng hinto-hinto. Deretso lang ako hanggang matapos ko ‘yong sinusulat ko. Once kasi na ininto ko yung pagsusulat ko, tatamarin na ako ituloy iyon. Kaya hanggat maaari ay inaagapan ko na huwag maistorbo dahil talaga naman pag ako tinopak, Bahala kana riyan tapusin yan hahaha.
I remember when I was in high school, Buhay pa si lola non. Whuee naalala ko si lola. Nakakalungkot naman. Anyway, nung nasa secondarya palang ako ng SHS ko sa MHA Secretary ako non sa classroom namin. Edi Ako yung taga sulat, Isang beses nag pasulat yung teacher ko sakin sa blackboard, limang page ata iyon ng libro. Basta yun. Nasa third page na ko non ng sinusulat ko nang biglang dumating yung bakla namin na kaklase at kinulit akong samahan siya papuntang clinic. E sa nagsusulat nga ako kaya todo tanggi ako ganern. E makulit rin ang mokong kaya sa huli napa-payag din ako. Edi iniwan ko yung sinusulat ko saglit tapos sinamahan siya sa clinic then pag balik, Wala na yung teacher, wala na rin yung sinusulat ko.
Oh diba, napagod kalang magbasa? bandang huli wala rin naman palang kwenta yung end ng story ko way back in High School life ko. Hahaha. Sabi sayo at wag kang nakikinig sakin dahil wala kang matututunan hehehe..
'Keep mo lang pagiging abnormal mo, self. Diyan mo lang napapasaya yung sarili mo.'
Lumipas pa yung oras. 11 na at tapos na ako yey!!
Agad na tumayo ako sa pagkakaupo ko sa silya at inayos ang mga gamit ko. Uuwi nako ehehee. Nilagay ko sa kanya-kanyang folder yung mga sinulat ko at umalis na sa table ko. Dumeretso ako sa table ni Sir. Aljon.
"Sir, ito na po yung mga pinasulat n‘yo." hindi parin ako nakatingin sa kanya ng inabot ko yung folder. Naka yuko lang ako hehehe.
Nang abutin niya na yung folder ay agad na akong tumalikod at handa nang umalis pero nahinto ako nang tawagin niya ako.
"Altamara." agad akong lumingon at hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Ser?" tanong ko habang nakayuko. Nilalaro ang mga kuko gaya ng nakasanayan.
'Kinakabahan ako ng matinde Shetttt malagkettt. Ganito ako kapag kinakabahan ako.
"Be early tomorrow. As much as possible 5:00 sharp in the morning you are already here." naka yuko lang ako habang sinasabi niya 'yon.
'Wala na bang mas aaga riyan ser?? Tsk. Sana di mo nalang ako pinauwe.'
Gusto kong isatinig yung laman ng isip ko pero naisip ko, 'wag nalang. Baka mawalan pa ako ng trabaho e.
"Yes po Ser. 6:00 sharp ng umaga." sagot ko pero pinagsisihan ko lang din.
" 5:00 am in the morning. Not 4:00, not 6:00, not any time you want to come. I said 5:00 sharp in the morning so be here in the said time. Understood? if not, then sign a resignation letter. " Deretsong sabi niya. This time nag-angat na ako ng paningin at doon nakita ko ang seryosong mukha niya.
'Whuaaaa!! grabe naman pala 'to ka strikto huhuhu.. Bat ganon? ang layo ng ugali niya kay Sir Andrew, Masyado siyang masungit kumpara sa kapatid niya. Kumbaga, isa siyang lion habang si Sir. Andrew naman ay isang maamong tuta. Whuaaaa baka di ako mag tagal sa work ko na 'to.'
"A-ah heehe.. Sabi ko nga po. 5:00 am Ikaw talaga Ser ang kulit mo Hehehe. Sige po Ser, una na po ako. Bye Ingat po Ser." Napapahiyang sabi ko saka kumaripas ng takbo palabas ng office.
'Whuaaa mukhang alam kona magiging kapalaran ko 'pag pinag patuloy ko pa itong trabaho ko bilang secretary kasama yung tukmol na ‘yon huhuhu. Mapapaaga ata ang pagbili ko ng kabaong ko. Mukhang hindi sa edad o sa mga kasu-kasuhan ang magiging caused of death ko, Malamang sa alamang ay dahil sa stress, pagod, at kunsumisyon sa napaka bait kong boss grhhh'
Makauwi na nga at baka marape ko pa 'yang gwapong dragon na boss ko Lels.
~~ * To be continued * ~~