CHAPTER 7

2034 Words
Precious POV Pag-uwi ko ng bahay ay agad kong inihiga ang likod ko sa kama. Wala ng kain-kain busit alas-dose na. Tapos bukas kailangan ko pa pumasok ng 5:00 ng umaga. Tsk May pa not 4 not 6, exactly 5:00am pa siyang nalalaman akala mo naman siya ang mahihirapan bumyahe at gigising ng ganon kaaga tsk. Alam niya ba kung gaano kahirap mag komyut?! (Commute raw.) "Ate nag luto ako ng hotdog mo oh." "I hotdog mong malaki!" napabalikwas ako ng bangon sa gulat ng bigla nalang bumukas ang pinto at lumabas mula ro'n si Loveniel na may dalang plato na may laman na hotdog. Kaloka 'tong batang 'to bigla bigla nalang sumusulpot. "Ano ba naman ‘yan, Loveniel, nakakagulat ka naman. Ano pa ba kasi ginagawa mo rito?? Akala ko ba isang gabi ka lang makikitulog? e bakit hindi kapa umuuwi sa inyo?" tanong ko saka tumayo at inabot ang hawak niyang plato ng hotdog. Hehehe Diko matiis eh. Peyburit ko kaya 'to. "Eh kasi ate hindi pa po umuuwi sina mama. Nag extend daw po sila ng another one week doon. Bale One week po silang hindi uuwi at mananatili roon." nabulunan ako sa kinakain kong hotdog sa sinabi niya. Oh God. "Oh e ano ngayon kung one week sila do'n? ano naman kinalaman ko riyan?" kunwari pa ay tanong ko. Whuaaaa huhuhu don't tell me dito siya mamamalagi ng isang linggo??? huhuu I kennaaatttt! "Edi dito rin po ako ng one week. Wala akong kasama e." "No way." agad na sagot ko. Grh! hindi pwede! lagi akong puyat pag nandito 'tong batang 'to. grhhhh "Okay. Kayo po bahala pag may nangyari sa‘kin masama kapag natulog akong mag-isa sa bahay." dagdag pa niya. 'Wow. Lakas din mangunsensya nitong batang 'to ah, wala pa nga nangyayari may naisip na agad siyang posibleng mangyari kapag mag-isa siyang natulog sa bahay nila. E kung sunugin ko kaya bahay nila para talagang masabi niyang may nangyari takaga. Tsk sutil na bata.' "Aba naman teka. teka.. Ano naman kinalaman ko riyan pag may nangyari sayong masama e hindi naman kita kasama ah. Saka hindi naman ako ang nag pabaya sayo--- mga magulang mo. Kaya sila ang dapat sisihin, hindi ako. " prangkang sabi ko habang nakangiwing nakatingin sa kanya. Aba! konsensyahin daw ba ako? "Kaya nga po. E ikaw po kasama ko bago ako umuwi ng bahay e, saka sayo po ako nakitulog ng isang beses. Kaya damay kana rin po. Kinupkop n‘yo ko without hesitation so you have to be with me the whole week without no choice po. " sagot niya saka naupo sa tabi ko which is her place nang makitulog siya rito kagabi. 'Aba mautak din 'tong batang 'to binigyan ako ng responsibilidad.' "Oh sya, Nandyan na rin naman na e, ano pa bang magagawa ko?? Oh kumain ka rin para may laman yang tiyan mo bago matulog." inabot ko sa kanya yung hotdog. Minsan diko maiwasan mapaisip, Wala naman akong isip? Charr. Minsan naiisip ko na bakit kaya may mga taong sinasayang ang kung anong meron sila sa buhay? gaya nalang nitong batang ito. Mayaman, halos nasa kanya na ang lahat maliban lang sa isa. Bagay na ipinagkait sa akin ng panginoon mula pa no'ng sinilang ako. PAMILYA. Mayaman nga siya pero hindi naman masaya.. Bakit?? dahil palaging wala ang mga parents niya. Halos sa‘kin na nga ito lumaki. Madalas ganyan ang ginagawa ng mga magulang niya, iiwan siya at sakin pupunta. Noong unang beses na nakitulog sakin itong si Love ay basang-basa siya ng ulan, kaya naawa ako at pina tuloy siya. She was only 8-year-old at that time. Sabi niya sakin umalis daw ang parents niya. Pumayag ako na maki tulog siya sakin then after n'on akala ko uuwi na sa kanila pero hindi pa pala. Her parents came back after a month. Yes! ONE MONTH silang hindi umuwi. Pagbalik nila binibigyan nila ako ng 50 thousand for taking care of their daughter kuno?? Hindi ko tinanggap. What they think of me? gold digger?? inalagaan ko si Love because I care for her. Hindi para humakot ng pera sa pamilya niya grhhh At the end of the month umalis ulit sila, hanggang sa nagpaulit-ulit na yung gawa nilang ganon. Naiintindihan ko naman na kailangan nila mag work, pero sana ibalanse nila. Mag tira sila ng oras para sa anak nila. 'Mag-aanak-anak di naman kayang alagaan.' Tapos after several years na gawa nila ay napag desisyunan nilang bilhin na sa totoong may-ari ng apartment itong unit na tinitirhan ko at ibigay na saakin ng tuluyan, which I really thank for. Dahil malaking tulong talaga 'yon. kaya normal na samin ni Love ang ganitong scenario araw-araw. That's why ganito kami ka close nitong bulinggit na ‘to. For now ‘yan muna i chichika ko, sleep time na! Kaloka may pasok nga pala ako bukas ng 5 huhuh badtrip! hindi kona nasusunod yung time sleep na binilin sakin ni lola. *pout* Lola told me na dapat 9 palang tulog na‘ko. Para di ako kulangin sa tulog. Whuaaaa wala na! wala na! kulang na ko sa tulog! whueee... ZzzZzzzzzZzzzZzzzZzzz ~~~~~ KINABUKASAN A, B, C, D, TAE NG MANOK! GISING-GISING BATANG MAY TULOK, ANG ARAW AY SUMISIKAT,---- "5 Minutes pa.." papatayin ko sana yung alarm clock ko nang makitang nakatutok na sa 4:50 ang galamay ng orasan!! gizzz!!!! Mabilis na napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling tumakbo papasok ng cr! Whuaaa! 5 nga pala pasok ko ngayon! gizzz! bopols ka talaga Precious! Mabilis lang ginawa kong pag-ligo at pag-bihis, saka na ako umalis agad ng bahay whuaaa 5minutes nalang mag fi-five na huhuhu. Bibyahe pa ‘ko, sana hindi traffic. 'Kung pwede lang pahintuin ang oras, ginawa kona.' After 10 minutes Whhoo!! salamat buti namana at walang traffic hyst! Agad akong tumakbo papuntang elevator at tinap ang 60th floor. Whuaaa! late na late na talaga ako huhuhu. 'Ano ba kasing nakain ng boss ko at ginawa pang 60th floor ang office n‘ya. Nakakapagod. Pa‘no nalang kung walang elevator? edi natanggalan na kami ng isang binti bago narating yung destinasyon namin? grhhh!' Pagdating sa office gaya ng nakagawian ay hindi na ako kumatok. Pumasok nalang ako ng kusa. "You're 15minutes late." napatalon pa ako sa gulat nang pag bukas konay si Sir agad nabungaran ko. Naka tingin siya sa relo n‘ya habang may kunot sa noo. Huhu nakakatakot talaga sya. "Ahm.. T-tinanghali po ako ng gising Ser. Sorry po." naka yukong sagot ko. Naka tayo parin ako sa may pinto. Whuaaa natatakot ako baka bigla nalang niya akong batuhin ng kung anong maabot niya. " I told you to come at 5 am sharp not 4 not 6--- I said exactly 5:00 am pero 5:15 ka dumating. Pinag-loloko mo ba ako??" napa yuko ako dahil sa takot. Huhuhu.. Grabe naman pala kausap 'to. Pag sinabi niyang 5--- dapat 5 nandon kana. Grhh! aagahan kona talaga sa susunod hmp! "Sorry po Ser. Hindi na po mauulit." "Tsk. May pupuntahan tayo, 3 days iyon kaya mag handa ka ng damit na gagamitin mo. Yung maayos, hindi pang basahan." pagkasabi niya non ay bumalik na siya sa ginagawa niya. 'Me sayad talaga. Pinapunta ako ng ganito kaaga tapos pauuwiin ako ulit para lang kumuha ng susuotin ko?? grhhh! alam niya ba kung gaano kamahal ang pamasahe. Saka wala na ako pera huhu. Nag-iipon nga ako para sa pang matrikula ko eh. ' "Babalik ako Ser?" pangungumpirma ko. "Bakit may pambili ka ng damit na gagamitin mo sa loob ng tatlong araw?" tanong niya pabalik saka muling nag-angat ng tingin. Ako naman nag baba ng tingin. E ayoko ngang salubungin yung mala unggoy niyang mukha pag nagagalit hmp! takot ko nalang. "Kung bibigyan n‘yo po ako Ser meron. Kung hindi naman edi wala hehehe" pabiro kong sabi. Ngumisi naman siya kaya nakaramdam ako bigla ng hiya. Whuaaa!! ano ba pinagsasabi mo Precious huhu. Nakakahiya. "Bibigyan kita ng pambili pero mawawalan ka ng sahod sa buong taon bilang kabayaran." napa nganga ako sa sinabi niya. Like what the fudge? anak ng kagang. Anong klase ng damit ba ang bibilhin niya at parang mas mahal pa sa buhay ko ang halaga?? e yung mga damit na sinusuot ko nga nagkaka-halaga lang ng singkwenta (50) pesos eh. Take note! tatlo (3) ng pares 'yon hmp! tapos siya tatatlong piraso lang ng damit ko ang bibilhin--- tapos ang halaga, sahod ko buong taon??? sino niloko n‘ya, bibili nalang ako sa ukay-ukay.. "Grabe ka naman po Ser. Ito nga’ng suot ko ngayon at yung kahapon--- pipti (50.) pesos ko lang nabili, tapos sayo tatlong piraso one year nasahod ko ang halaga?? luh! wag na uy!" sabi ko saka naglakad papunta sa table ko. Hehehe way ko yun para makatakas sa pagiging late ko. Saka nangangalay na yung paa ko! "Whatever. Mura nga basura naman." pabulong niyang sabi pero narinig ko parin. Aba! maka husga kala mo naman mayaman! e mayaman naman talaga, pero mali parin yun hindi niya kailangan laitin ang kasuotan ko dahil lang sa may pera siya at kaya niyang bumili ng mamahalin na damit na hindi ko kayang bilhin. Yabang. "Hindi naman siya mukhang basahan para saakin, Ser. Kasi hindi naman po tinayo ang ukay-ukay store para sa mga mayayaman na gaya nyo--- tinayo po kasi ‘yon para sa mga mahihirap na gaya ko na hindi afford bumili ng mga mahahalin na damit gaya ng iba. Saka MAAYOS naman po siya, walang sira. Nasa mag sosoot nalang po iyon kung paano nila dalhin ng maayos." pagkasabi non ay hindi kona siya inintay na sumagot at lumabas naako. Babalik kasi ako ng bahay kukuha ako ng masosoot ko. Bwisit kasi yung amo ko, masyadong maarte hmp! After an hour.. Hindi ko alam kung nasaan kami ni Ser Aljon. First time ko maka punta rito. Pero isa lang masasabi ko.. ANG GANDA! PROMISE! Para kaming nasa b***h! (beach, daw.) may malawak na karagatan sa paligid. Mabuhangin at napakasarap ng simoy ng hangin. "Hey stupid. What are you still doing there? pumunta ka rito para magtrabaho hindi para mag bakasyon." napa ayos ako ng tayo nang mag salita si Ser Aljon. Whuaa! oo nga pala. Secretary niya nga pala ako kaya ako nandito. Bopols mo talaga, Precious. "Yes, Ser." naka yukong sabi ko. "May haharapin akong business partner. ‘Wag kang tatanga-tanga. Kung ano lang ang inutos ko-- ‘yon lang ang gagawin mo. Saka wala kang ibang gagalawin do'n kundi tumayo at isulat lahat ng dinidikta ko. Nagkakaliwanagan ba tayo." Ramdam ko ang authority niya sa laki ng boses niya. Gizz pero wag kang papatalo Precious, fighting! "Opo Ser! Nagkakalabuan tayo! " nakangiting sagot ko, hehehe. Wala lang trip ko lang sya asarin. "Ugh! bakit ba ang tigas ng ulo mong stupid ka. Dapat pinangalan sayo stupid e. Hali ka na nga." inis niyang sabi. Hehe o diba? short temper ang lola nyo. "Dito ser?? dito mismo?? eiii nakakahiya. Masyadong maraming tao. saka hindi porque boss kita--- makukuha mo na lahat ng gusto mo. hmp!" pasiring ko pang sabi. Nangunot naman ang noo niya saka nawiwirduhan na tumingin sa‘kin. 'Sus! denial epek kapa hmp! kahit na boss kita hindi ko ibibigay sayo ang first kiss ko no.' "What?" "luh eme 'tong si Ser. Kaka-sabi mo nga lang po na 'Halikan nga.' duh.. Hindi kita hahalikan kahit na mag makaawa kapa." matapang kunwari kong sabi. "Yah! ano bang pinagsasabi mo? ang sabi ko halika na. Anong halikan ang sinasabi mo tsk. Pwede ba, Hindi ako nakikipag biro sayo. Sinasayang mo ang oras ko may meeting pa akong pupuntahan. Saka pwede ba-- gawin mo ng maayos ‘yang trabaho mo. Hindi yung kung ano-ano ang iniisip mo. Kadiri ka, kababae mong tao ang dumi mo mag-isip." salubong ang kilay na aniya saka nangunang maglakad. Napa pout nalang ako at sumunod sa kanya. 'Ano ba yan, Precious pumalpak ka na naman. Ano-ano na naman kasi nasa isip mo. Pasalamat ka at hindi kapa tinatanggal niyan sa trabaho dahil diyan sa kapalpakan mo. Naku Kung nagkataon?? sa kangkungan ka talaga pupulutin.' 'bakit hindi nalang muna kasi ang trabaho ang isipin bago ang kalokohan.' ~~~***TO BE CONTINUED***~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD