Chapter 1: Explain

1391 Words
Jenny "MAUPO kayong dalawa." may awtoridad na utos ni lolo. "Lolo naman! Wala man lang bang medyo mas match naman sa 'kin?" tanong ko. Sabihin mong wala na, Lolo! Go! "No more buts, Ahbi." "Well, I didn't say but." Kung gusto niyo pa, Lolo, bukas na bukas na ang kasal. Charot! "Let us explain first so can you two, calm down?" sabi ng isang matandang kasama ni Lolo. Napakamot ako sa ulo ko. "Teka nga muna, magpakilala ka nga muna po." "I'm Henry Takagi, Sky's grandfather on father's side," pakilala niya. Ay! Future Lolo ko rin pala 'to! In fairness. "Hi po, Lolo," masayang sabi ko pa. ''Alejandro and I are very close friends since highschool. When we both settled down, we planned to marry off our kids," lumungkot ang boses nito bigla, "Unfortunately, we both have wives who have a difficulty in bearing a child ang giving birth and we two ended up having only one child and both are boys." "Of course, di namin pwede ipakasal ang aming mga anak dahil parehong lalaki at pareho naming gusto ni Henry na magkaapo." "So, that's the reason why you are now arranging us for marriage?" Sky asked in a blank expression. "Very good! Tamang-tama ka d'yan! My apo is really brilliant." "So, what will happen to my girls?" Sky asked like it's his top priority. Eh kung ibitin kitang hay*p ka sa harapan ng mga sinasabi mong babae? Ang mga 'yon pa ang naisip niya? Kapal ng apog! "What about them?" walang pakialam na tanong ng lolo ni Sky. Parang magkakasundo kami ni Tatang ah. Sige, Tatang, ituwid mo ang apo mo! Kailangan ako lang babae sa buhay niya! "Both of you will live together, of course in a purpose na masanay kayong kasama ang isa't isa. So, you need to live under the same roof—" "But different rooms!" giit ko.. Aba! Kahit crush na crush ko si Sky, di ako easy to get 'no. Over my dead body. "Anong makukuha ko ba dito, Lolo?" Puso niya ba, ha? "Ikaw..." Tinulak pa ni Lolo ang noo ko bahagya gamit ang hintuturo niya. "Magma-mature ka at magiging babae kang ganap. Ano ba naman 'yang, ke-babae mong tao pero kung makaasta ka ay parang sinaunang siga." Narinig ko naman na bumulalas ng tawa si Sky kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin pero di siya natinag. "H'wag kang tatawa-tawa d'yan, Skyler Takagi!" narinig kong saway ng Lolo ni Sky. "Kung hindi ko rin to gagawin ay baka mauna ka pang mamaalam sa 'kin dahil sa sakit na nakukuha mo sa paiba-ibang babae." "Sakit? Paano 'yon? May protection naman tyaka, magaling ako." Bumungisngis siya dahil sa pagkausap niya sa sarili niya. Parang timang. "Your dirty mouth, Skyler Takagi!" diin na saway ng lolo niya. "What? I'm telling the truth. I'm really good in bed because kung hindi, di sana ako babalik-balikan ng mga babae, di da?" "Kita mo na, Tanda? Pagkakatiwala niyo ako sa m******s na 'yan?" Kunwari angal ko. Kunwari lang naman para di tayo mahalata. "Anong m******s?! As if mamanyakin kita? You wish! Unano!" "Hoy hindi ako unano!" nanlilisik ang matang singhal ko sabay duro pa sa kaniya. "Eh ano? Nuno sa punso? Tabi-tabi po!" "Tss. Ayaw ko rin mahawaan ng sakit n'yan pag nagkataon." Tinapunan ko siya ng nandidiring tingin at nginiwian pa. "As if naman gagalawin kita, di tayo magpapantay, assuming!" nang-aasar na sabi niya, o ako lang naasar talaga? Hinablot ko ang damit niya at inambang susuntukin na. Buti na lang, room itong pina-reserve nila Lolo na VIP area. Malamang kanina pa kami nakaistorbo ng costumers, buti na lang nandito kami. "Lolo, look, she acts like a mad beast now." Biglang hinampas ni Lolo ang mesa kaya nabitawan ko bigla ang damit ni Skyler. "Can you both settle down and act according to your age?! You're no longer kids, let me remind you that!" nauubusan na ng pasensya na sabi ni Lolo. ''Our decision is final, we already talked to your parents and they all said yes. So, you will marry each other wether you like it or not." Yes! Magiging Mrs. Takagi na ako, soon! Yes! Gusto ko na magdiwang agad-agad sa tuwa... Like, sinong di matutuwa kapag naging asawa mo ang crush mo di ba?! Hindi lang crush... Ultimate crush! "Tss. No choice,"abay naming sabi. Syempre kunwari lang ang akin. Tamlay-tamlayan para di halatang nagdidiwang. MAKALIPAS ang tatlong araw, pinaghanda na ako upang makalipat na sa bahay na tutuluyan namin ni Sky. Medyo nakakawindang, pero sabi naman ni Lolo, isipin ko na lang daw na nasa boarding house ako. "Anak ito pa oh, ilagay mo pa itong mga gamit mo d'yan," excited na sabi ni Mommy habang tinutulungan niya akong mag-impake ng mga gamit ko. "Ma, stop pushing Ahbi to live under the same roof with that guy! I don't trust that f*ckin' womanizer," inis na saway ni kuya habang nakahiga sa kama ko, sa lahat ng may alam sa setup na 'to, si Kuya lang ang kontra, sure ako na mami-miss niya lang ako kaya siya ganito. "I'm just happy, Anak. Magsi-settle down na ang baby ko after a year, kasi I'm sure the wedding will happen once mag-eighteen na si Ahbi. Eh ikaw kailan ka pa magsi-settle down?" ani Mommy. "I don't have plans yet, I'm too busy," bored na bored na sabi ni Kuya kay Mommy bilang sagot. "Sus! Basted ka lang ng nililigawan mo kaya ka ganiyan eh!" datong ko na agad ikinasama ng tingin ng Kuya ko sa 'kin. "Basted? Ako? Basted?" Tumawa siya at dumapa sa kama ko. "Kita mo 'yan? Kita mo 'yang mukhang 'yan?! Sinong mamba-basted d'yan?" "Lahat ng babaeng matinong mag-isip, Kuya!" Open naman kami sa family namin, hinahayaan lang kami para maging aware daw kami sa mga bagay-bagay. Sabi nga nila, too much innocence can lead to danger, oh ha! English 'yon! Nagpatuloy lang kami ni Mommy sa pag-arrange ng gamit ko habang ang kuya ko naman pilit hinahalungkat, sinasabotahe nito ang lovelife ko! Napakaepal kahit kailan, ibebenta ko na talaga 'to online nang di niya na ako masabotahe! Char! "Kuya, magpakasal ka na rin kasi para hindi ka bitter, para na rin hindi ka tumandang virgin," pang-aasar ko sa kaniya. "Tyaka para na rin di ka mainggit." Nginitian ko siya nang matamis, 'yong tipong sigurado akong maaasar talaga siya nang todo. "Bakit naman ako maiinggit sa 'yo? May kainggit-inggit ba sa 'yo? Pangit mo!" "Uy!" Tinuro ko siya at tumawa ako tyaka ko tinuro ang sarili ko. "Ikakasal sa crush, Kuya... ikaw? B-in-asted ng crush!" "Whatever!" napipikon niyang sabi tyaka nag-walk-out na ikinatawa ko lalo. Oh yes, I always win kapag asaran na ang usapan! Talo talaga ang pikon. "Tara na, Anak! Hayaan mo na ang Kuya mo dahil may buwanang dalaw 'yon ngayon." Inayos-ayos niya ang buhok ko, "Mag-iingat ka do'n, ha? Alagaan mo si Sky, pagluto mo lagi, make him fall in love. Bagay na bagay kayo, 'Nak," halatang excited niyang sabi, pero halata naman sa mga mata niyang nalulungkot siya. Napasimangot ako. Oo nga, masaya akong makakasama ko na si Sky, pero nakakamiss rin ang bahay na 'to. Si Mommy, si Daddy, ang mga maids, nakaka-miss ihatid-sundo ni Kuya Zkat sa school kahit sa tanda kong 'to. "Oh? Anong nangyari d'yan sa mukha mo?" nag-aalalang tanong ni mommy. "Ma, mami-miss ko po kayo," drama ko sa kaniya. Bigla niyang itinulak ang mukha ko. "Aray!" reklamo ko sa kaniya. "Tigil-tigilan mo ako, Abhigael, sa drama mo, alam kong no'ng martes mo pa gustong liparin ang bahay ng nobyo mo," natatawang sabi ni mommy. "Eh, Mommy di ko naman 'yon nobyo," reklamo ko tyaka niyakap ko siya sa bewang. "Mami-miss ko po kayo, Mommy. I love you, you're still the best mom kahit napakakulit niyo." "Drama nito. Wag mong kakalimutang tawagan kami dito pag may kailangan ka," sabi niya, bigla pang nabasag ang boses, kunwari pang di madrama, pero heto, umiiyak na. "Tyaka, Anak, please bawas-bawasan mo na pagkapasaway mo ha?" Ngumiti ako sa kaniya para sumang-ayon. "Oh, sige na. Kailangan mo nang umalis at baka naghihintay na si Skyler doon sa bahay niyo. Mag-iingat ka do'n." "Oo na," sabi ko at inihanda ang mga maleta ko. Hays! This is it, pansit! Laban Jenny! Siguro kailangan kong magdala ng holy water, dahil paniguradong isang malupitang tukso ang madadatnan ko doon. Lord, help me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD