Chapter 2: First Day

1262 Words
Jenny "Hoy! K*ng*na! Baka naman gusto mo akong papasukin?!" inis na sigaw ko habang kinakalabog ang pinto ng bahay. Nakakabw*sit! Kanina pa ako katok nang katok parang walang nakaririnig ng sigaw ko. "What's your problem? I'm watching a movie, okay?" kunot-noong sabi niya nang mabuksan niya ang pinto na para bang isa akong napakalaking disturbo sa buhay niya. G*go! Ano ba kasing nagustuhan ko sa lalaking 'to? Good manners and right conduct pa lang bagsak na bagsak na eh. "Wala akong pakialam sa movie na sinasabi mong 'yan! Ang paki ko ay kung bakit ayaw mong buksan?!" inis na sabi ko at tinulak siya ng bahagya para makapasok ako. Opo, sinadya ko pong itulak siya, chansing na rin po 'yon. "Okay! Chill, alright?!" natatawang sabi niya, at naglakad papunta sa sofa at umupo doon at bumalik sa panonood. "Inaasar ka lang eh." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit? Mukha ba akong nagjo-joke do'n sa labas?!" "Ang init ng ulo!" reklamo niya. "Nasaan ang kwarto ko?" pasinghal na tanong ko sa kaniya at inirapan pa siya. "Nandito sa loob, alangan sa labas di ba?" pamimilosopo niya habang di inaalis ang tingin sa TV, umupo siya doon na parang señorito. "Tinanong kita?" sarkastiko kong tanong. "Sabat nang sabat, di naman tinatanong. Epal!" Naglakad ako papunta na left side na pinto, mukhang dalawa lang yata ang kwarto sa bahay na 'to, hindi rin naman kasi kalakihan. "Hey! hey! hey!" biglang pigil niya sa 'kin kaya napalingon ako sa kaniya at pinagtaasan agd ng kilay. "Problema mo?!" "Sa right ka, akin ang left mas malaki ang bath tub do'n, baka malunod ka kung ikaw gagamit!" Mabilis kong dinampot ang may kalahating laman na water bottle at ibinato sa kaniya pero nakailag siya. Nakakapanggigil sa inis! Tumawa lang ang g*go, tuwang-tuwa na nainis ako, siguro 'yan ang happy pill niya. Mabilis ko na inayos ang mga gamit ko sa cabinet. May mga bagong gamit rin dito na alam kong binili na nina Lolo. Gaya ng sabi nila Lolo, they'll provide everything for us. Tss. Gano'n nga sila kadesperadong matuloy ang gusto nila, halatang pinagkagastosan. Hapon na noong lumabas ako galing sa kwarto ko dahil doon ko lang din natapos ayusin ang mga gamit ko, sa dami ng damit ba naman na binalot ni Mommy. Naabutan ko si Sky na abala pa rin sa panonood ng TV. "Sky, anong gusto mong hapunan?" I asked him in a sweet voice. Bilang soon-to-be Mrs. Takagi, kailangan marunong akong magluto, yes! Ika-career ko na 'to mga, pre! In-off niya ang TV at tumayo tyaka lumapit sa 'kin at hinila ako papuntang kusina. "Ako na lang magluluto, mamaya gayumahin mo pa ako," sabi niya at dumiretso sa paghalungkat ng mga ingredients. "Asa ka!" paasik kong sabi. Pinagpag niya ang bar counter na para bang may alikabok doon at isininyas na doon ako umupo. Nginiwian ko lang siya dahil di ko trip umupo sa bar counter pero natigil siya at napakamot. "Ay, sorry. Di mo nga pala abot," nagpipil ng tawa niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kaunti na lang talaga! Sasamain na sa 'kin 'tong ugok na 'to. Bigla akong napatili nang walang sereseremonya siyang lumapit sa 'kin at bigla niya akong binuhat at iniupo sa bar counter. "Wait there and watch me while cooking para madagdagan 'yang reasons mo kung bakit mo ako minahal," nakangiting sabi niya sabay kindat. "Kapal!" nasambit ko na lang para di halatang kinilig ako sa kindat niya. Bakit kasi ang gwapo niya? Iyong feeling na mapapakagat-labi ka nang wala sa oras. Pinanood ko siyang magluto na tanging boxer shorts lang ang suot. Komportable na kasi siyang gano'n, hello?! Noong mga bata nga kami halos sabay na kaming maligo eh. Ang ganda ng katawan niya. Sa edad niya ngayon batak na batak na ang katawan niya. My God! Tinikom ko agad ang bibig ko, baka bigla na lang akong kumuha ng kape at isawsaw ang abs niya mapagkamalang pandesal. "I'm melting already, dwarf!" he said on his very low voice. Sh*t! Pogi ng boses! Parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi. "K-kapal mo," utal kong sabi at yumuko. I heard him chuckle.. Bw*sit na lalaki! "Why are you blushing?" Ano raw?! "Excuse me, natural na 'to 'no." sabi ko sabay irap pero hinaplos ko ang pisngi ko ng bahagya. "Mestiza kaya ako!" "So hindi ka nagba-blush?" tanong niya "Hindi ka kinikilig?" "Hindi!" mabilis at masungit kong sagot. He chuckled. "Really?" Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin habang titig na titig sa mga mata ko at no'ng mag-isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin bigla siyang nagsalita sa paos na boses na ikinatayo ng mga balahibo ko. "My future wife is very denial." Rumagasa ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko na halos marinig ko na. Sh*t! Yung puso ko po pakitali! Baka biglang lumabas sa aking rib cage at lumipat doon sa tabi ng puso niya para makisabay sa pagtatalon-talon! "A-Anong gagawin mo?" kinakaban kong tanong, hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. "Hahalik lang ako sa magiging asawa ko." Magiging asawa niya daw! My Gosh! Ako 'yon! Napapikit ako nang mariin at hinintay ang tsup na tunog gaya ng mga napapanood ko sa mga romantic movies pero... Bulalas ng tawa, 'yan ang narinig ko. "Your reaction is so priceless! May papikit-pikit ka pang nalalaman? Feel na feel?!" Halos mamatay na siya katatawa. Napairap nalang ako ng ilang beses. Dios ko Lord! Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking 'to?! Maging ang pagtawa niya ay sobrang gwapo. "Ewan ko sa 'yo!" sabi ko at bumaba ako ng bar counter at padabog na pumunta sa sala para manood ng Tom and Jerry. Favorite ko 'yon kasi nakakatawa at the same time may paluang nagaganap, malay niyo, ma-inspired ako dito at mahampas ko na si Sky balang araw. Matapos ko na maisalang ang CD ay nahiga na ako sa sofa at niyakap ang tatlong unan. "Dwarf!" tawag ng abnormal sa 'kin. "Shut up! Giant sa COC!" "What the—" Sinamaan niya ako ng tingin. Kaya agad akong nag-peace sign. Peace be with you, Babe! Ano ba kasing itsura ng giant sa COC? Panot lang naman. Bruskong-brusko at nakatatakot! "Let's eat," sabi nya in a calm voice. Gwapo din ang kalmadong boses niya, mas gwapo nga eh, sana ganiyan na lang din siya lagi. "Baka nilagyan mo 'yan ng lason ah?" "Tss. Matagal ka nang nalason." "A-Anong sabi mo?!" "Matagal ka nang nalason ng kagwapuhan ko!" sabi niya sabay kindat. Umakto akong parang biglang nasuka sa sinabi niya na tinawanan niya lang din. "Ewan ko sa 'yo!" i-p-in-ause ko muna ang pinapanood ko at pumunta na sa dining area. "Hmm! Ang bango!" puri niya sa niluto niya at akmang magsasalin na sa plato nang biglang may kumatok sa main door. "Hindi ba uso doorbell sa inyo?" inis na sabi ni Sky, malakas kasi ang kalabog ng pinto. Para bang martilyo ang ginamit pangkatok. Sabay kaming tumayo at pumunta sa pinto, ako na ang bumukas no'n. "Kuya Zkat!" tuwang-tuwa na sabi ko at niyakap ko agad siya. Na-miss ko siya! Kahit hindi pa man dumadaan ang isang araw na narito ako. Pinapasok ko siya sa bahay pero napasinghap ako nung nilampasan niya ako. "Hi po—oh e-easy, easy!" Mabilis na kinwelyuhan ni kuya si Sky kaya di na natuloy ni Sky ang sasabihin niya. "Kuya!" awat ko pero hindi natinag. "Kuya!" "You f*ckin' womanizer, don't you ever hurt my sister or else alam mo na ang mangyayari. Don't touch her hanggang di pa kayo kasal. Understand, Takagi?" "Y-Yes, Boss!" "Good!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD