MAAGANG gumising si Jules, kahit inaantok pa kailangan niyang bumagon. Sa totoo lang hindi siya masyadong nakatulog dahil sa babaeng kanyang dinala na hangganng ngayon ngayon hindi pa niya alam ang tunay na katauhan at nagyari rito. ‘Hay, Jules. Ang tahimik nang buhay mo pero ang hilig mong makialaman sa problema nang iba!’ Hindi kasi mawala sa kanyang isipan kung ano ba talaga nag tunay na nangyari rito. Kung hindi siya nagkakamali sa kanyang pagkakaalam asawa ito ng lalaki na pangalan Kyko. Minsan na rin kasi niyang narinig sa mga Marites nilang kapitbahay ang usap-usapan doon. Pero ang pinagtataka niya may ibang babae itong kasama at buntis pa! “ Sino na man ang babaeng ‘yon? Siya ba ang asawa o itong kasama ko?’’ Napahilamos siya sa isiping ‘yon. Dati wala naman siyang ibang problema

