HINDI napansin ni Jules na nasa tabi na pala siya ni Nanilyn. Mahigpit itong nakayakap sa kanya habang nanatiling humuhikbi sa kanyang balikat. Marahan naman niyang hinaplos ang likod ng babae para pakalmahin na tila ba nagsasabing nandito lang siya handang damayan ito. Daig pa nila ang matagal na magkakilala sa kanilang posisyon ngayon. Kung iba ang makakakita marahil iba ang iisipin nito. His like and old friend that willing his shoulder to lean on. “Shh . . . iiyak mo lang ‘yan. Until the pain was gone. And you’re heart become dumb to those people who hurt you,’’ hindi alam saan galing ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya mag-comfort. Hindi rin siya ang tipo ng lalaking nagpapa-iyak sa balikat. Pero ngayong yakap siya ni Nanilyn, parang natural na lang ang lahat. Para

