KAAGAD NA IPINARADA NI Olive ang kanyang sasakyan nang matanaw niya ang patrol car sa loob ng gate sa bahay nina Kyko at Nanilyn. Bahay kung saan pilit na isiniksik ni Olive ang kanyang sarili. Mabilis na umibis siya nang sasakayn at dahil sa kanyang mahabang biyas matuling ang mga hakbang nitong naglalakad papasok sa loob. Dumadagundong ang tinig sa kanyang mahabang suot na heels na tila ba nagbabadya ito ng gulo. Ang kanyang bawat hakbang na ginawa ay may halong panggigil. ‘What the hell! Ano ang ginagawa ng mga pulis dito?’ tanong ni Olive sa kanyang utak. Ngunit biglang napatigil si Olive sa kanyang paglalakad at nagsimulang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib nang biglang naisip ni Olive na baka nagsumbong na si Nanilyn sa mga pulis. At na pa rito ang mga pulis para damputin sila. “

