PAGKATAPOS ng trabaho sa hotel ay nagpunta ako sa bar na pag-aari ng isa sa mga kaibigan ko para magpakalasing. Simula nang makipaghiwalay sa akin si Maxene ay lagi na akong dumederecho sa bar na ito. Gabi-gabi ay nilulunod ko ang sarili ko sa alak para pag-uwi ko ng bahay ay matutulog na lang ako. Sa ngayon ay ito lang ang naiisip kong paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko at para na rin makalimutan ang babae na hanggang ngayon ay patuloy na tinitibok ng puso ko. Sunod-sunod ang ginawa kong paglagok sa alak. Gusto ko nang matapos agad ang gabing ito. Maraming babaeng nagtangkang lumapit sa akin para makipag-flirt, ang iba ay inaya akong makipag-one night stand pero lahat sila ay pinagtabuyan ko. Isang babae lang ang gusto kong makasama at si Maxene Perrera lang 'yon. Han

