CHAPTER 1
MABIGAT ang aking mga paa habang naglalakad papunta sa locker area ng hotel na pinagtatrabahuhan ko. Ngayon ang huling araw ko sa trabaho bilang front desk receptionist dahil tapos na ang 6 months contract ko.
Binuksan ko ang locker at kinuha ang aking shoulder bag. Isa-isa ko na ring nilagay sa paper bag ang lahat ng personal na gamit na naroroon. Mabigat ang aking mga kilos. Nakakalungkot isipin na malalayo na ako sa mga taong napalapit na sa akin sa loob ng anim na buwan na pagtatrabaho sa hotel na ito.
Mayamaya ay lumapit sa akin si Joanne. Tulad ko ay naka-assign din siya sa front desk at isa siya sa mga naging matalik kong kaibigan.
"Max, hindi ka ba talaga sasama sa amin sa bar?" malungkot na tanong niya habang nakamasid sa ginagawa ko.
Umiling-iling ako.
"Nakaka-inis ka. Sumama ka na kasi. Ililibre ka namin."
Matapos makuha lahat ng gamit ko ay sinara ko na ang locker at bumaling sa kaniya.
"Gusto ko sana kaya lang hindi talaga p'wede, freni. May event ako ngayon. Alam mo naman, busy ako lagi 'pag weekends." tanggi ko sa alok niya. Mamaya kasi ay pupunta sila sa bar para mag-unwind kasama ang ilang katrabaho namin. Habang ako naman ay pupunta sa isang debut party sa Pasay para mag-bartender. Bukod kasi sa pagtatrabaho sa hotel ay may mga side jobs din ako tulad ng assistant event coordinator, event stylist at bartender.
"Ang corny mo talaga. Puro ka na lang trabaho. Mag-enjoy ka naman sa buhay mo."
"Grabe ka lang sa akin! Enjoy naman ako sa buhay ko. May pinag-iipunan lang talaga ako kaya kailangang rumaket nang husto." paliwanag ko sa kaniya. Nag-iipon kasi ako ngayon dahil plano kong magtayo ng sarili kong events management company balang araw.
"Whatever!" ang tangi na lang nasabi niya.
Naglakad na kami palabas ng hotel para mag-abang ng taxi.
"I'll go ahead. babawi na lang ako some other time."
Napabuntong hininga na lang si Joanne dahil halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Sa amin kasing magkakaibigan ay ako ang laging absent sa gimikan dahil lagi akong suma-sideline sa mga parties. Nakakapagod man ang aking ginigawa ngunit nag-eenjoy naman ako nang husto dahil naging passion ko na ang pag-eevents.
Nang huminto ang taxi sa aming harapan ay agad akong bumeso sa pisngi ni Joanne at yumakap sa kaniya.
"Mag-ingat ka. Text mo ako 'pag nakarating ka na sa venue." habilin niya sa akin.
"Sure. Ingat ka rin and enjoy the night."
"I will."
Kumalas na ako ng yakap sa kaniya tapos ay sumakay na sa loob ng taxi.
"Kuya, sa Pasay po tayo."
"Okay, miss beautiful."
Nginitian ko ang driver tapos ay kinuha ko ang cellphone sa loob ng aking shoulder bag. Tinawagan ko si ma'am Jhossa, ang may-ari ng event management company na pinagtatrabahuhan ko para ipaalam sa kaniya na papunta na ako sa venue.
NANG makararing ako sa venue ay abalang-abala na ang lahat sa preparation para sa party. Agad na hinanap ng aking mga mata si ma'am Jhossa. Nakita ko siyang nakapuwesto sa bakanteng lamesa at kausap ang ibang coordinators. Naglakad ako palapit sa kanila.
"Good evening, guys."
Napangiti si ma'am Jhossa nang makita ako.
"Maxene!" Tumayo siya sa kinauupuan at bumeso sa akin. Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa kaniya kaya naman naging matalik na rin kaming magkaibigan.
Inabot niya sa akin ang kopya ng party program. Binasa ko muna iyon at pinag-aralan. Namangha ako dahil mukhang galing sa prominenteng pamilya ang celebrant base sa mga pangalang nakita ko na magiging part ng program. Mayroon kasing mga politiko at sikat na artista roon.
"Magse-serve agad kami ng drinks?"
"Yes, dear. Unlimited ang kinuha nilang package so hayaan n'yo silang magsawa sa alak."
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
"Maximum tolerance tayo tonight. Big time ang client natin, pati na rin ang mga guests kaya pagsilbihan natin sila nang maayos."
"Okay."
Nakipagk'wentuhan muna ako sandali sa kanila bago ako lumapit sa cart ng mobile bar. Katabi iyon ng buffet table.
"Good evening." bati ko kay Randy, ang magiging assistant ko sa gabing iyon. Abala siya noon sa pag-aayos ng mga shot glasses na gagamitin namin mamaya.
Gumanti siya ng bati sa akin habang patuloy sa ginagawa.
Tumulong na rin ako sa preparation. Hinila ko ang isang box kung saan nakalagay ang mga bote ng alak. Isa-isa kong tinanggal ang takip ng mga iyon at pinalitan ng liquor pourer.
Habang nagse-set up kami ay nagsimula nang magdatingan ang mga guests.
Mayamaya ay may lumapit sa cart na isang lalaki.
"Excuse me, miss. May I have a bottle of beer, please?"
Napahinto ako sa paghihiwa ng lemon nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Nag-angat ako ng ulo. Sandali akong natigilan nang makita ang isang guwapong lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. Matangkad siya at malapad ang pangangatawan. Alon-alon ang buhok niyang hanggang balikat ang haba. Balbas sarado rin siya, matangos ang ilong, bahagyang namumula ang mga labi at ang almond-shaped niyang mga mata ay nakaka-intimidate kung makatingin.
"Done eye raping me?" kibit balikat niyang tanong.
Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Napahiya ako sa sinabi niya dahil obvious masyado na humanga ako sa kaguwapuhan at kakisigan niya. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Sorry, sir. But we're not open yet."
"I don't care. Just give me a bottle of beer."
Pogi sana kaya lang suplado. naiinis na sabi ko sa sarili.
Wala na akong nagawa pa kundi ang pagbigyan siya. Ang sabi nga ni ma'am Jhossa kanina, maximum tolerance dapat ang pairalin namin ngayong gabi.
Kumuha ako ng isang bote ng beer at tinanggalan iyon ng tansan. Kumuha rin ako ng nakatuping tissue at nilagay sa ibabaw ng bote bago iyon inabot sa masungit na guest.
Pinunasan niya muna ang bote ng tissue bago iyon tinungga.
Muli ko nang pinagpatuloy ang aking ginagawa. Akala ko ay aalis na ang lalaki subalit nanatili lang siyang nakatayo at tahimik na umiinom sa tapat ng cart.
Nang maubos niya ang laman ng bote ay pinatong niya iyon sa ibabaw ng cart.
Mayamaya ay kinuha niya ang acrylic frame na nakapatong sa cart kung saan nakalagay ang menu ng mobile bar.
Pasimple ko siyang pinagmamasdan. Kahit kasi mayabang ay ang lakas ng hatak ng appeal niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang gustong-gusto kong pagmasdan ang mukha niya.
"Interesting." Nilapag na niya ang menu at tumingin sa akin. "Blow job shot, please."
"Yes, sir." Agad akong kumuha ng isang shot glass at tinimpla ang request niya.
"Honestly, ngayon lang ako nakakita ng babaeng bartender sa mga parties. You're so impresive." Biglang nagbago ang boses niya. Malumanay na siyang magsalita ngayon.
Lihim akong natuwa sa sinabi niya. Matapos magtimpla ng alak ay nilapag ko ang shot glass sa ibabaw ng cart.
Nginitian ko siya. "Thank you, sir."
Tila nag-magneto ako sa kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.
Inangat na niya ang shot glass. Napalunok ako nang makitang dinilaan niya ang whip cream na nasa ibabaw ng cocktail. Magkahinang pa rin ang aming mga mata at tila ba inaakit niya ako sa ginagawa niya.
Nang maubos ang whip cream ay saka niya lang nilagok ang lamang alak.
"Ang sarap pala ng blow job mo." sumilay ang isang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi.
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isa kong kilay. Kung kanina ay natutuwa akong pagmasdan ang guwapo niyang mukha, ngayon ay unti-unti na akong naiinis sa presensya niya. Nababastusan na kasi ako sa mga sinasabi at kinikilos niya.
Nilapag niya ang shot glass sa ibabaw ng cart. "Isa pa."
Naka-ilang beses siyang nagpatimpla ng Blow Job Shot. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at inabala na lang ang sarili ko sa ibang bagay. Ilang sandali pa ay namumula na ang kaniyang mukha at namumungay na rin ang mga mata tanda ng kalasingan.
"Blow job, please." muli niyang wika mayamaya.
Muli akong nagtimpla ng request niya. Subalit nang nilapag ko ang shot glass sa harap niya ay umiling-iling siya.
"Ayoko niyan."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba talaga gusto mo, sir." bakas na sa tinig ko ang pagkayamot.
"Ang sabi ko blow job. You know, the real one." nakangising wika niya na lalo kong kinairita.
Pinamulahan ang mukha ko matapos marining ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay hindi lang magkabilang pisngi ko ang nag-init kundi pati na rin ang dugo ko.
"Sir, nagtatrabaho po ako nang maayos dito. Wala naman po sanang bastusan." mariin kong wika. Naiinis man ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Oh, I'm sorry. I just got carried away. Ang cute-cute mo kasi." nakangiti niyang wika sabay kurot sa kaliwang pisngi ko.
"Ano ba?" Naiinis na tinabig ko ang kamay niya. Isang matalim na tingin ang pinukol ko sa kaniya. "Kung lasing ka na mabuti pang bumalik ka na sa table mo. Iinom-inom 'di naman pala kaya ang sarili." sa sobrang inis ko ay hindi ko namalayan na napataas na pala ang boses ko, dahilan para mapatingin sa amin ang ibang guests.
"Dito lang ako sa tabi mo. Ang ganda kaya ng view dito. Ang sarap pagmasdan."
Inirapan ko na lamang siya.
Ilang sandali pa ay lumapit sa amin si ma'am Jhossa. Marahil ay napansin nito ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Tumabi ito sa akin at binulungan ako. "Relax ka lang, Max. Mag-break ka muna. Si Randy na muna ang bahala rito."
Agad akong sumang-ayon ni ma'am Jhossa para pansamantalang makalayo sa bastos na lalaking nasa harapan ko. Kinuha ko ang cigarette case at lighter sa loob ng aking bag tapos ay dali-daling lumabas ng venue.