ISANG mahabang sigh of relief ang kumawala sa aking bibig nang sa wakas ay matapos ang party. Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Pasado alas-dose na ng madaling araw. Ramdam ko na ang matinding antok at pagod dahil sa magkasunod na trabahong pinasukan ko ng araw na 'yon.
Sinimulan ko nang magligpit ng mga gamit. Isa-isa ko nang tinakpan at pinunasan ang mga bote ng alak na ginamit ko kanina bago inilagay ang mga iyon sa isang box.
"Max, ako na bahala riyan. Magpahinga ka na. Mukha ka ng zombie." biro ni Randy. Sapilitan niyang inagaw sa akin ang hawak kong bote at basahan.
"Kaya ko pa. Tulungan ko na kayo para mapabilis tayo."
"Huwag na. Hintayin mo na lang kami sa sasakyan. Magpahinga ka muna ro'n."
Dahil sa sobrang antok ay pumayag na rin ako sa kagustuhan niya. Kinuha ko na ang shoulder bag na nakalagay sa ilalim ng cart at nagpaalam na sa kaniya.
"Salamat, tsong. Iidlip lang ako saglit. Pakisabi na lang kay ma'am Jhossa nasa labas ako." Hindi ko napigilang mapahikab.
Tumango lamang si Randy.
Naglakad na ako papuntang parking lot kung saan nakaparada ang mga sasakyang dala ng amo namin. Inabutan ko roon ang ilan sa mga waiter na nagkakarga na ng ibang gamit sa maliit na truck.
Nang makarating sa parking lot ay kinuha ko ang isang box ng sigarilyo at lighter sa loob aking shoulder bag. Sinubo ko ang isang stick. Sisindihan ko na sana iyon nang bigla na lang may humintong isang lalaki sa tapat ko at inagaw sa bibig ko ang sigarilyo.
"What the f**k?" naiiritang tanong ko sa pakialamerong lalaki. Familiar sa akin ang suot niyang suit. Mas matangkad siya sa akin kaya naman tumingala pa ako para makita ang kaniyang mukha.
Lalo akong nairita matapos makita ang mukha niya, ang bastos na lalaking paulit-ulit nanghihingi sa akin ng blow job shot kanina. Namumula pa rin ang mukha niya at namumungay pa rin ang mga mata. Halatang hindi pa rin humuhupa ang kalasingan niya.
"Don't you know that smoking is bad for your health?" seryosong wika ng lalaki sabay tapon sa sigarilyo ko. Salubong ang mga kilay niya at parang naiinis sa akin. "Kung ako ang boyfriend mo, hindi kita papayagang manigarilyo."
Marahas akong napabuntong hininga. Hindi ba talaga ako titigilan ng lalaking ito?
"Sorry ka na lang. Hindi kita boyfriend kaya wala kang karapatang pakialaman ako." naiinis kong wika sabay pukol sa kaniya ng isang matalim na tingin.
Narininig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Bakit ba napaka-suplada mo? Sayang ang ganda-ganda mo pa naman."
"Bastos ka kasi. Epal ka pa masyado." walang preno ang bibig kong sabi sa kaniya. Tapos na ang event, hindi na namin siya guest kaya hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko na supladahan at tarayan siya.
Nagkibit balikat ang lalaki. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang blow job mo." nakangising wika niya habang nakatingin sa akin. Tulad kanina ay bakas na naman ang pagnanasa sa kaniyang mga mata.
Napasimangot ako. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya dahil feeling ko ay binabastos na naman niya ako.
Tumalikod ako sa kaniya at nagsindi ng sigarilyo. Subalit muli niya iyong inagaw sa bibig ko at muling tinapon kung saan.
Tuluyan na akong napikon at sinigawan siya. "Ano bang problema mo? Kanina pa ako napipikon sa 'yo. P'wede ba next time 'wag kang maglalasing kung hindi mo naman kayang kontrolin ang sarili mo?"
"Relax ka lang, miss blow job."
Lalong uminit ang ulo ko dahil sa tinawag niya sa akin. Lumingon ako sa paligid. Mabuti na lang at walang ibang tao na malapit sa amin kaya walang nakarinig sa sinabi niya. Sa sobrang inis ay hindi ko napigilan ang isa kong kamay na dumapo sa kaniyang pisngi.
"Sa susunod na tawagin mo ako ulit ng ganiyan, hindi lang sampal ang aabutin mo sa ‘kin."
Lalong namula ang mukha niya dahil napalakas ang sampal ko. Hinimas niya ang pisngi at nakangising bumaling sa akin.
"Don't you know who I am?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong pakialam kung sino ka. You're a f*****g pervert. Tama lang sa 'yo 'yan."
"Ganyan ang gusto ko sa babae, 'yong palaban. Sa susunod na sampalin mo ako, I'll make sure na mamamaga 'yang mga labi mo sa halik ko."
Inirapan ko na lamang siya tapos ay tumalikod na.
Bumalik na lang ako sa loob ng venue. Nawala na ang antok ko dahil sa bastos na lalaking 'yon. Tumambay na lang muna ako sa loob habang hinintay ang sahod ko.
Hindi maipinta ang mukha ko habang naglalakad. Pagod na pagod na kasi ako dahil sa maghapong kakatrabaho kaya ang bilis uminit ang ulo ko. Mabuti na lamang at hindi niya ako sinundan pa sa loob ng venue.
"Hey! What happened to you? Bakit ang asim ng mukha mo, Max?" natatawang tanong sa akin ni Ma'am Jhossa nang magkita kami sa loob.
"Nakaka-inis kasi 'yong lalaki sa mobile bar kanina. Masyadong bastos."
"Nilasing mo ata, eh."
"That's the point. Ang lakas ng loob maglasing, hindi naman pala kaya ang sarili niya."
"Hayaan mo na lang.”
"Madam, baka naman p'wedeng tanggalin mo na ang Blow Job Shot sa menu ng mobile bar natin? Ilang beses na kasi akong nababastos dahil d'yan."
Natawa si Jhossa. "Sorry, Max. Lagi kasi 'yong nire-request ng clients. Saka wala akong magagawa, mabenta talaga ang blow job mo."
"Boss naman isa ka pa eh." nagmamaktol kong anas. Ilang beses ko nang ni-request na tanggalin ang cocktail na iyon sa menu ng mobile bar ngunit ayaw niya talaga akong pagbigyan.
"Walang sisihan kapag may nasampal akong customer."
"Basta valid ang reason at binastos ka talaga. Go ahead! May tiwala naman ako sa 'yo."
Napangiti ako sa sinabi niya. Mahigit dalawang taon na kasi akong nagtatrabaho sa company nila kaya gano'n na lang ang tiwala niya sa akin.
Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Tama lang pala ang desisyon ko na sampalin ang bastos na lalaking iyon kanina.
Sana lang talaga ay hindi muli pang mag-krus ang aming mga landas.