TWO hours bago mag-start ang party ni Eliza ay nasa Imperial Hotel na ako. Kasama kong dumating ang apat na assistant coordinators, dalawang make-up artists at apat na lalaking bumubuo ng photo/video team. Hinatid ko sila VIP suite na kinaroroonan ni Eliza. Hindi na ako pumasok sa loob sa takot na makaharap doon si Anton. Hangga't maari ay iiwas ako sa kaniya para walang gulo. Sumama sa akin ang tatlong coordinators papunta sa event hall kung saan gaganapin ang party. Nang makararing kami roon ay abalang-abala na ang mga event stylists sa pag-aayos ng backdrop sa maliit na stage. Ang ibang staff naman ng hotel ay nagse-set up na ng tables and chairs. Sinimulan na naming apat ang trabaho. Ang isa ay nag-ayos ng souvenirs and give aways, ang isa ay nag-check ng lights and sound system at a

