"HANDA ka na bang lumabas ng hospital, Maxene?" tanong ni Rani nang makabalik siya sa aking silid. May dala siya noong ilang pirasong papel at isang paper bag. "Oo naman." Lumapit siya sa kamang kinauupuan ko at chineck ang dextrose. "Nakuha ko na ang discharge papers mo. Sakto, ubos na laman ng dextrose mo. Sure ka ba, girl? Kaya mo na ang sarili mo?" "Oo. Kaya ko na. "Okay. Sabi mo 'yan. Nga pala, binilhan kita ng damit para may masuot ka mamaya paglabas mo rito. Nakuha ko na rin sa laundry shop ang wedding gown mo. Buti natanggal nila 'yong mga putik. Mukhang bago na ulit ang gown mo." Napatingin ako sa plastic bag na dala niya. Agad na nag-init ang mga mata ko dahil naalala ko na naman ang mga masasakit na pinagdaanan ko habang suot ang wedding gown na 'yon. "P'wede bang pakitap

