CHAPTER 32

1485 Words

SA PAGLIPAS ng mga araw ay naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin ni Tyrone at ng pamilya niya. Naging matalik kaming magkaibigan ni Erica at naging ka-close ko ang mommy nila habang pinaplano ko ang birthday party nito na gaganapin dalawang linggo mula ngayon. Masyado akong naging kampante sa closeness namin ni Erica at Mommy Eliza. Buong akala ko ay magiging maayos ang lahat sa pagitan namin ng pamilya ng nobyo ko subalit nagkamali ako. Abala kami noon ni Melai sa pag-aassist ng mga guests sa front desk nang lumapit sa amin si Ma'am Jenny. "Maxene, pinapatawag ka ni Sir Anton Imperial. Hinihintay ka niya ngayon sa opisina ni Sir Tyrone." Natigilan ako sa ginagawa dahil sa sinabi ng supervisor ko. Bigla akong kinabahan. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang dadd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD