PAGKALIPAS ng halos isang oras na biyahe ay huminto ang minamaneho ni Tyrone sa parking lot ng isang condominium sa Taguig. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan at bumaba na. Bumaba na rin ako. Pinindot ni Tyrone ang remote lock key ng sasakyan tapos ay lumapit sa akin at hinila ang kamay ko. Sa bilis ng lakad niya ay halos makaladkad na niya ako. "Dahan-dahan naman!" reklamo ko ngunit tila wala siyang narinig. Nang makasakay kami sa elevator ay pinindot niya ang 30th floor. "May unit ka ba rito? Ano bang gagawin natin dito?" Hindi pa rin siya kumibo. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 30th floor ay muli na naman niya akong kinaladkad. Huminto kami sa tapat ng pintuan ng isang unit na nasa bandang dulo ng corridor. Pinindot na ni Tyrone ang passcod

