PAGKATAPOS mag-dinner ay nagpahinga lang kami saglit ni Tyrone tapos ay nag-inuman kami. Hindi na kami umalis sa dining table. Niligpit ko lang ang mga pinagkainan namin tapos ay pinalitan ko ng alak at pulutan ang nasa lamesa. “Paano ka natutong mag-bartending?” tanong niya sa akin habang pinapanood akong nagtitimpla ng alak. “Noong college kasi ako mahilig uminom ‘yong mga barkada ko. Madalas kaming mag-bar noon tapos kapag may nagustuhan kaming cocktail drinks, nire-research namin sa internet ‘yong recipe tapos gagayahin namin the next time na magkita-kita kami.” “I see.” tumatango-tangong wika niya. Matapos kong matimplahan ang isang shot glass ay bumaling ako kay Tyrone. "Gusto mong subukang mag-mix?" Umiling siya. "Ayoko. Parang mahirap ‘yan. Wala akong tiyaga sa ganiyan."

