Kabanata 19

2129 Words

SUMABAY nang maghapunan si Marie. Sa parihabang lamesa ay katabi niya si Reign, at katapat naman nila ang kambal. Samantalang sa dulo nito nakaupo si Daxon. Tahimik lang silang kumain; tila naninibago pa dahil sa bagong kasama sa bahay. Parang hindi naman alintana ni Marie ang pagkailang sa kanya ng mga tao sa paligid niya. Magana siyang kumain na para bang parte siya ng pamilyang ito. Inalok pa niya ‘yong kambal ng juice pero umiling ang dalawa. “Kayo po? Gusto niyo ng juice?” tanong niya sa mag-asawa. Si Reign naman na ang sumagot para sa kanila. “Ah hindi na. Tubig lang kami,” sagot niya. Tumayo si Marie at nagtimpla pa rin ng isang basong juice para sa sarili. Ilang minuto lang ang tinagal ng kanilang pagkain. Unang naubos ni Daxon ang laman ng kanyang plato. Tumingin siya sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD