1

1358 Words
"Neumie Salvador! What is the meaning of this?!" Napakamot ako sa ulo nang galit na ilapag ni Daddy ang newspaper sa harapan ko. "Um..." Naghanap ako ng isasagot pero naubusan ako ng sasabihin. Dapat pag-isipan ko muna ang mga sasabihin ko bago ilabas sa bibig para hindi ko lalo mapainit ang ulo niya. Knowing him, nakakatakot siyang magalit. "Hon, 'wag mo namang takutin ang bata," pagsasalba sa akin ng stepmom ko. As if. Kahit mag-inarte pa siyang anghel sa harapan ko, hindi niya ako mabibilog katulad ng ginawa niya kay Daddy. Gold digger. Two-faced woman. Tsk. "Tumigil ka, Gracia. Hayaan mo akong kumausap sa anak ko." Bumaling siya sa akin. "And talking to you—what are you thinking para gumawa ng ganito kalaking eskandalo?! Ha, Neumie? Nag-iisip ka pa ba? Isa kang Salvador, hindi basta basag-ulong babae lang. Anong nasa isip mo para sumali sa isang gang fight?!" Madiin ang bawat salitang binibitawan niya kaya mas lalo siyang nakakatakot. "And this!" Turo niya sa isa pang article tungkol sa akin. "Bullying other students? What are you thinking, lady?!" "Look, Dad. Wala namang masama doon. Besides, I'm just having fun—" "Fun?! Sisirain ng fun na 'yan ang reputasyon ng pamilya natin! Nag-iisip ka ba?!" "Yeah. Right. Your reputation. Wala namang mas importante sa'yo kundi 'yan, eh!" ani ko. "Neumie..." nagbabanta na ang boses niya kaya napilitan akong tumigil at maupo na lang. "From now on, hindi ka na pwedeng lumabas ng gabi with or without your friends. Lahat ng lakad mo ay dapat alam ko. Do you understand, lady?" "What?! No! Hindi pwede!" Napatayo ako dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "You're grounded." Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay inalalayan na siya ng asawa niyang maglakad. May sakit sa tuhod si Daddy kaya nahihirapan na itong maglakad at tanging tungkod na lang ang alalay niya. "Daddy!" Tawag ko pero hindi na niya ako nilingon. Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis. Pinilit kong pakalmahin ang sarili bago padabog na umupo ulit sa sofa. Maya-maya pa ay lumapit ang yaya kong si Fatima, dala ang telepono. "Miss Yumi..." "What?!" Inis kong tanong. "May gusto pong kumausap sa inyo." Ibinigay niya sa akin ang telepono na inis ko namang tinanggap. "Hello?!" Pero walang sumagot sa kabilang linya. Puputulin ko na sana ang tawag nang may marinig akong tumawa kaya ibinalik ko ulit ang telepono sa tenga ko. Bumaling ang tingin ko kay Fatima na tahimik na nakayuko sa gilid ko. "Sino 'to?" tanong ko. "Hulaan mo, Miss Yumi." Napatayo ako nang mapamilyar ang boses nito. "F*ck you, Loyd! Malaki ang atraso mo sa akin. Kapag nakita kita ulit, gigilitan kita. Naiintindihan mo?" Galit kong ani rito habang halos mapiga na ang telepono sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. At mas lalo pang dumagdag ang inis ko nang tinawanan niya lang ako. "Okay. Sabi mo, eh." "F*ck you! Hindi pa ako tapos sa'yo. Marumi ka maglaro." "Bakit na naman? Kasalanan ko bang sa maling tao ka tumaya ng pera mo? Sinabi ko naman sa'yong walang laban 'yang mga pambato n'yo, eh." "We'll see. Magkita tayo mamaya sa dating lugar." "Yun! Sige, payag ako. Same time? Siguraduhin mo lang na matatalo mo na ako." Tumawa pa siya. Pinatay ko na ang tawag at pabatong ibinigay iyon kay Fatima. "Fatima." Tawag ko nang hindi siya nililingon. "Yes, Miss?" Lumapit ito sa akin. "Ihanda mo ako ng damit. Isama mo na rin ang baseball bat na nasa cabinet ng kuwarto ko. May lulumpuhin akong hayop." Tumayo na ako bago pa man magbago ang mood ko. Habang naglalakad palabas, tinawagan ko si Faye, ang kasamahan ko sa underground kung saan ako palaging pumupunta. Tumataya ako roon ng malaking halaga sa mga taong nagpapatayan. At kung hindi dahil sa gag*ng Loyd na 'yon, hindi sana lumabas sa media ang mga pinaggagawa ko. Nang sagutin niya ang tawag ay sinabi kong magkikita kami sa tambayan. Pagkatapos ay dumiretso ako sa garden kung saan naabutan ko si Daddy at si Gracia. Nagtatawanan sila na parang ang saya-saya nilang dalawa. Tsk. Hindi ko talaga alam kung anong nakita ni Daddy sa plastik na babaeng 'to. Pagkalapit ko ay nagbeso ako kay Daddy at humalik sa pisngi niya. "Dad, lalabas lang ako saglit. Magkikita kami ng friends ko. Mabilis lang ako. I promise." Pagsisinungaling ko. Pero tiningnan niya lang ako at umiling. "No." Mabilis niyang sagot. "Dad, please. Kahit one hour lang o kahit may kasamang bodyguard. Please?" "I said no, Neumie. Grounded ka, remember? Hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi ko sinasabi." "But, Dad—" "Back to your room." "Daddy!" "Back to your room, Neumie!" Tumaas na ang boses niya kaya natahimik ako. Wala akong nagawa kundi ang sapilitang bumalik sa kuwarto ko. Naabutan ko si Fatima na inaayos ang inutos ko sa kanya kanina. Napaupo na lang ako sa kama at nag-isip kung ano ang gagawin ko para makatakas. Alam kong bantay-sarado ang lahat ng gate at pintuan ng bahay. I need to do something. Napatingin ako sa bintana. Kung diyan ako dadaan, imposibleng walang makakakita sa akin dahil malapit lang ang guard house. Isa pa, masyadong mataas ang babagsakan ko kapag tumalon ako. Pero maya-maya ay nakaisip ako ng paraan. Kinuha ko ang cellphone ko at pumasok sa banyo. Pinindot ko ang record button at nagsimulang magsalita. Matapos noon ay lumabas na ako para sabihan si Fatima sa plano ko. Naligo na rin ako pagkatapos. Tinulungan ako ni Fatima na makahanap ng mannequin at sinuotan ko ito ng kaparehong dress na suot ko kanina. Pinahiga namin ang mannequin sa kama at kinumutan ito habang nakatalikod sa pintuan. "I-play mo ito kapag kumatok si Daddy sa kuwarto ko. Then, kunwari papasok ka para dalhan ako ng dinner. Sabihin mong ikaw na ang bahala sa akin. 'Yon ang gagawin mo. And please, act normal, okay?" Tumango naman ito. "Opo." "Good. And how about the guards?" "Sinabihan ko na po silang mag-dinner muna. Wala na pong nakabantay sa back door." "Right. I have to go." Sinuot ko na ang jacket ko at itinago ang dala kong baseball bat sa likuran ko. Tahimik at maingat akong naglakad papunta sa likod ng bahay namin hanggang sa makalabas ako. Tinawagan ko ulit si Faye pero hindi ito sumasagot. Naglakad na lang ako hanggang sa makarating sa kabilang kalsada. Habang naglalakad ay napatigil ako nang makarinig ng kaluskos sa likuran ko. Doon ko napansing may sumusunod na pala sa akin. Hindi lang isa o dalawa. Nararamdaman kong marami sila. Dahan-dahan kong kinuha ang baseball bat ko at mahigpit itong hinawakan. Nararamdaman kong may papalapit kaya mabilis akong umiwas sa pagtatangka nitong butasin ang tagiliran ko. Mabuti na lang at kaagad ko itong naunahan. Mabilis kong nahawakan ang kamay niya at binali ito dahilan upang mabitawan niya ang hawak na kutsilyo. Umatras ako nang maramdamang nagsilabasan na ang mga kasamahan niya. F*ck! Ang dami nila at mag-isa lang ako. Maya-maya ay bigla na lang silang sumugod nang sabay kaya nahirapan akong patumbahin sila. Dala ang baseball bat at lakas ng loob, napatumba ko ang tatlo sa kanila. Puro pa sila lalaki. This is so unfair! Sinugod ako ng dalawang lalaki pero nasipa ko sila sa puson sabay palo sa ulo gamit ang baseball bat. Kahit napatumba ko na ang kalahati sa kanila, alam kong wala akong laban. They looked skilled. Aatras na sana ako pero huli na nang marinig ko ang busina ng motor na mabilis na bumangga sa akin. Tumilapon ako sa gilid na ikinatawa nila. Ang sakit no'n. Sinubukan kong tumayo pero may pumalo sa likod at ulo ko. Bakal iyon. At sobrang sakit kaya napasigaw ako. "F*ck you!" sigaw ko. May mga lumapit pa at dumating ang iba. Nanlabo na ang paningin ko sa mga sandaling iyon. Dahil na rin siguro sa matinding pagkahilo. Biglang may humila sa buhok ko at nagpumiglas ako pero malakas ang may hawak sa akin. Sinubukan kong kilalanin sila pero malabo na ang paningin ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang isa pang malakas na palo sa ulo ko. Naging dahilan iyon upang tumahimik ang paligid. At ang huli kong naramdaman ay ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na semento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD