Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puro mga poster ng mga lalaki na ewan ko kung Pinoy ba o Koreano ang nakikita ko na nakasabit at nakadikit sa dingding. Hindi ko rin gusto ang amoy dito. Mainit din at matigas ang hinihigaan ko. Doon ko na lang napagtantong hindi ko ito kuwarto.
Napabangon ako bigla. Teka? Where am I? Napapikit na lang ako bigla nang sumakit ang ulo ko at natigilan nang mapagtantong iba na ang suot kong damit. What the?! Nakasuot ako ng puting T-shirt at jogging pants. Inamoy ko ito at kaagad na napaiwas dahil hindi ko nagustuhan ang amoy.
Kadiri! Teka... nasaan ba ako?
"Gising ka na pala."
Napatingin ako sa pinto nang may pumasok na lalaki.
"W-Who are you?" gulat kong tanong.
Napatawa ito at lumapit sa akin.
"Nalasing ka lang kagabi, ume-English ka na?"
Napaaray pa ako nang batukan niya ako.
What the hell?!
Sino ba 'to?
"How dare you! Sino ka ba? At nasaan ako? Did you just... kidnap me?"
Nasapo ko ang sariling bibig.
Oh my God.
No!
"Nagda-drugs ka ba? Pinagsasabi mong kinidnap? Maligo ka na nga, at huwag na huwag mo nang uuliting maglasing ulit, ha? Kung hindi, malalagot ka talaga sa akin."
Naguguluhan ako sa nangyayari.
"Oh? Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? May pasok ka, 'di ba? Bilisan mo na nga!"
Utos niya.
Teka, naguguluhan talaga ako.
Ano ba talagang nangyayari?
Please tell me nananaginip lang ako. Right?
"Ano bang nangyayari sa'yo?"
Lumapit ito at akmang hahawakan ang noo ko nang unahan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at inikot iyon para hindi siya makagalaw. Tapos ay hinila ko siya para matumba saka ko siya dinaganan at sinakal gamit ang braso ko.
"Who are you ba?! Nasaan ako?!"
Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakasakal sa kanya.
"B-B-Bitawan... mo nga... a-ako!" reklamo niya.
"Just tell me who you are! And what the hell is happening? Sino ka? Sagot!"
Napatigil ako nang magbukas ang pinto.
May batang babae ang pumasok na nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa mo, Ate, kay Kuya?" inosente nitong tanong.
"Naglalaro ba kayo ng away-awayan? Sali ako!"
Excited itong lumapit at sinakal din ang lalaking hawak ko.
Napabitaw ako at napaatras hanggang sa makarating ako sa dulo nang may makitang payong sa gilid. Mabilis ko itong kinuha at itinutok sa kanilang dalawa.
"Ispadahan na naman? Sige, sali ako, Ate!"
Kumuha rin ng payong ang bata at itinutok din sa akin.
Okay.
This is so weird.
"Anong nangyayari dito?"
May matandang babae na pumasok bigla. Tumingin ito sa akin na naguguluhan.
"Ano pa bang ginagawa mong bata ka? 'Di ba may pasok ka pa? Maligo ka na."
Sabi lang nito saka umalis.
What the hell?
"Ate? Ayos ka lang?"
Akmang lalapit sa akin ang batang babae nang tutukan ko ulit ito ng payong.
"Fe, tama na 'yan. Kailangan mo nang maligo... aalis na rin ako."
Napatingin ako sa lalaking bumangon na ngayon habang hawak-hawak ang leeg niya.
"Aray naman. Ang sakit ng leeg ko."
Reklamo niya pa sabay bigay ng masamang tingin sa akin.
"Ikaw rin, maligo ka na," ani niya sa bata.
Nagpaalam na ang lalaki at lumabas.
Umusog ako sa pinto at sumilip kung may tao ba sa labas.
Anong lugar 'to?
Paano ako nakapunta dito?
Nang makita kong walang tao ay dahan-dahan akong lumabas.
Kailangan kong makaalis dito.
Nang makaabot na ako sa pintuan palabas, saka ako tumakbo palayo.
"Ate Fe! Saan ka pupunta?!"
Sigaw ng bata pero hindi ko na siya nilingon pa.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ako at napatigil sa isang poste.
May lalaking pulubi na nakatingin sa akin habang kagat-kagat niya ang maliit na tinapay.
"Hi, Miss. Nasa langit na ba ako? O nasa langit ka na ba? O nasa langit na ba tayo?"
Napaatras ako sa takot.
Baliw!
Napatakbo na lang ulit ako hanggang sa tumigil sa isang tindahan nang makaramdam ng pagod.
Nasaan na ba ako?
Bigla-bigla na lang may kumalabit sa aking batang babae na malansa ang amoy at sobrang dumi ng damit. Inilahad nito ang palad niya sa harapan ko.
"Kaunting barya lang po..."
Lumapit pa ito kaya napaatras ako sa pandidiri.
"Yuck! Huwag ka ngang lumapit!" ani ko at lalo pang napaatras.
"Maawa na po kayo..."
"Huwag mo nga akong hawakan, eh!"
Hindi sinasadyang naitulak ko ito nang malakas dahilan upang mapaupo ito sa semento.
"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya."
Napaatras pa ulit ako hanggang sa nakasandal na ako sa glass window ng store.
Napaharap ako roon at naagaw ng atensyon ko ang balita sa malaking TV na kita sa labas.
Wait?!
Is that... me?
Dali-dali akong pumasok sa tindahan ng mga damit at lumapit sa TV kung saan ako ang ibinabalita.
"Nandito tayo ngayon sa Salvador Hospital upang alamin ang kalagayan ng bunsong anak ni Governor Joselino Salvador. Natatandaang dinala sa hospital kahapon si Miss Neumie Salvador matapos umanong matagpuang walang malay at nakahandusay sa lupa matapos umanong pagkaisahan ng hindi pa nakikilalang mga suspek."
Ani ng reporter.
W-What the hell?
Napatakip ako sa bibig sa nakita ko.
Kitang-kita sa video na duguan ang katawan ko at dali-dali nila akong isinakay sa ambulansya.
What the hell is happening?!
"Nandito ang isa sa mga kaibigan ng biktima para ating makausap. Ms. Elijah, kamusta na ngayon ang kalagayan ng matalik ninyong kaibigan?"
"I'm sorry... wait..."
Hindi nakasagot nang maayos si Elijah dahil naiiyak ito at nagpupunas pa ng luha.
"Umm... she's safe now. But please pray for her recovery. Please..."
"Pwede n'yo po bang sabihin ang dahilan kung bakit nangyari ito sa kaibigan n'yo?"
"I'm sorry, but I have no right to disclose such personal information. I have to go."
"Sandali lang, Ms. Elijah! Ma'am!"
Hinabol pa siya ng mga reporter bago ito tuluyang nakapasok sa kotse niya.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan sa napanood ko ngayon.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Anong ibig sabihin nito?
Bakit ako nasa balita?
Duguan?
What happened?
Okay lang naman ako, ah.
I'm here!
Nandito ako.
Bakit sinasabi nilang nasa coma ako sa hospital?
Hindi kaya multo na ako?
No!
I'm not.
Nakikita pa ako ng mga tao.
But... what is happening?
Dahan-dahan akong lumingon sa glass window at ganoon na lang ang gulat ko sa nakita ko.
Bakit ibang tao ang nasa repleksyon ko?
Bakit ang nakikita ko ngayon ay isang babaeng may makapal na salamin at mahabang buhok?
Who is she?
Anong... anong nangyari?!