[S]hane Kahit antok na antok na ako ay inimulat ko pa rin ang mga mata ko sa bagay na mabigat na nakapatong sa akin. Sobrang lapit sa akin ni sir Gust. Napansin ko din na nakahubad ito ng pang-itaas. "Sir G---" di ko na natapos ang pagsasalita ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko ng kamay niya. Hindi ko magawang makapagsalita nang ngumisi siya sa akin. "Shhh..." napapitlag na lang ako nang tuluyan na ngang dumikit ang buo niyang katawan sa akin. Hindi ako makagalaw. Ramdam na ramdam ko ang bawat parte ng katawan niya dahil sa pagkakadagan niya sa akin. Oo! Mabigat siya at hirap ako makahinga. Sunod na lang ng pagbagsak niya sa ibabaw ko ay ang isang mahabang hilik na ikinatingin ko sa kanya. Doon ko lang naamoy na amoy alak ang hininga niya. Nakainom ba siya? Saan ba siya gali

