Abot tainga ang ngiti ko habang nagpapahinga lang ako sa sand chair at pinapanuod sina Jem at tita na masayang naliligo sa beach. Wala akong pake sa init ng araw na dumadampi sa balat ko, dahil mas angat ang kaligayahan sa puso ko. Nakakatuwa silang pagmasdan. Parang bumalik sa pagkabata si tita at mukhang barkada niya lang si Jem. Naghahampasan sila ng tubig at walang tigil sa pagtawa. Ang ganda nilang pagmasdan; mas maganda pa sa ulap na nagbigay ng bahaghari pagkatapos ng ambon. "Good morning man." Nakita ko nanaman ang pagmumukha ni Gerald. Aba naka-topless pa at beach short. Mukhang maliligo rin sa dagat. "Hindi ba nangangawit ang labi mo sa pagngiti?" He chuckled while shaking his head. "Hindi." Nakangiti pa rin ako at saka binalik ang tingin kina Jem. Lumundag ang puso ko nang

