"Nahanda mo na ba lahat ng gamit mo Jem?" Nilibot ko ang paningin sa kwarto at mayroon akong nakitang dalawang maleta sa gilid ng kama niya. "Oo naman. Ikaw ba?" Napangiti ako. Bakas na bakas sa mukha niya ang saya at nakakataba talaga ito ng puso. "Syempre." Umupo ako sa kama niya at tinabihan niya naman agad ako. "Salamat talaga Rimuel ha. Sobrang tagal ko na talagang gustong makapag-beach ulit. Grabe ka na talaga." Hinampas niya 'ko pero tinawanan ko lang siya. Bukas na ang alis namin at pati ako ramdam na ang excitement. Nakaka-miss din pala ang Lust Paradise kahit papaano. Lalo na nung mga panahong inaasar ko sina Alexis at Karmina. Mas exciting lang ngayon kasi si Jem naman ang kasama ko. "Siguradong magugustuhan mo ang lugar na iyon." Nakangiti pa rin ako kay Jem. "Sy

