Isang linggo na ang lumipas matapos sabihin sa akin ni Jem ang dahilan ng pag-alis niya noon; isang linggo na rin akong mas lalo pang nag-eeffort na puntahan at ligawan siya. Gusto kong iparamdam sa kanya na sa kabila ng pinagdaanan niya, hindi ko siya aayawan kagaya ng inisip niya noon. Hindi ako titigil dahil hindi basta-basta nahihinto ang pagmamahal. Noong mga nakaraang araw, palagi ko siyang dinadalhan ng pagkain kaya naisip kong ayain naman siyang kumain sa labas. Nabanggit niya sa 'kin na nami-miss niya na raw kumain ng pizza kaya naman dinala ko siya sa yellow cab. "Rimuel thank you talaga ha. You always make my day." Abot tainga ang ngiti ko dahil sa makinang niyang mga mata. Kaya naman gustong-gusto ko siyang pinapangiti dahil kakaibang saya ang dumadaloy sa 'kin kapag nakiki

