"Jem liligawan pa rin kita," bungad ko sa kanya pagkatapos kong kumuha ng tubig sa kusina. Kakatapos niya lang umiyak kaya naman nagpresinta akong kumuha ng tubig. Paraan ko na rin para makapag-isip nang mag-isa at hindi naman ako nagdalawang isip na ligawan pa rin siya. May sakit man siya o wala, hindi naman magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. I want her and I will make her mine. Tinanggap niya 'yong tubig na inabot ko at ininom bago niya ako muling tinignan. "Sigurado ka ba riyan Rimuel? Alanganin kasi--" "Anong alanganin? Hindi naman alanganin Jem. Magaling ka na, wala ka ng sakit so we can live happily together." Puro positibo na ang sinaksak ko sa utak ko para lang hindi ako mabahala. Bumagsak ang balikat niya. "Hindi pa nga sure kung hindi na talaga babalik--" "Hindi n

