Rimuel's POV Abot langit ang kabang naramdaman ko habang kasama ko si Jem sa kotse. Inaasar-asar ko lang siya pero hindi niya alam na halos malaglag na ang puso ko sa nerbyos dahil ito ang araw na aamin ako sa kanya. Natatakot ako dahil hindi naman ito ang unang beses na susubukan kong umamin sa kanya. Sinubukan ko ng umamin noong highschool at college kami pero wala siyang ibang inisip kundi biro lang ang mga sinabi ko. Gusto ko na ngang mainis sa tuwing tinatawanan niya lang ang pag-amin ko pero puta nadadala ako sa mala-anghel niyang pagtawa kaya hinahayaan ko na lang siya. "Naalala mo dati nung unang beses akong regaluhan ni mama ng sasakyan?" Mabuti at nakaisip ako ng usapan na pwedeng makapagtago sa nerbyos na nararamdaman ko. "Oo naman! Tapos nag-stroll tayo diba?" She laughed.

