Paikot-ikot ako sa kama. Kanina ko pa gustong makatulog pero masyadong gising ang isip ko kakaisip kay Jem. Inisip ko kung ano bang pwedeng gawin para maniwala na siya at hindi niya isiping biro lang ang pag-amin ko. Lahat naman na ginawa ko para maiparamdam sa kanya na special siya sa buhay ko. Ah basta hindi pa rin ako susuko. Hindi ako titigil na iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa 'kin hanggang sa maisip niyang seryoso talaga ako. Pero ano pa kaya ang pwedeng gawin? Napangiti ako nang maisip ang mga tropa kong may girlfriend na. Tanongin ko kaya sila? Tss! Panigurado aasarin lang ako ng lokong 'yon, pero alam naman na kasi nila na gusto ko si Jem noon pa. Tama! Ayain ko na lang silang uminom. Una kong tinawagan si Alexis; video call para makita nila 'yong kagwapuhan ko. "Hi Rim

