"You will always be my favorite dance Rimuel." Hindi ko naintindihan ang kakaibang t***k ng puso ko, maging ang paggalaw ng kung anoman sa tiyan ko. Wala nanaman akong masabi kaya ngumiti na muna ako. Para akong nalunod sa mga titig niya; tumingala ako nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko. Tangina, hindi naman ako iyakin pero bakit naluluha ako. I took a deep breath and hugged her. Ayokong makita niya ang mga mata kong naiiyak sa tuwa dahil sa narinig. Grabe, ganito ba talaga kiligin? Si Jem naman kasi, bigla-biglang nagpapakilig, at least ngayon alam ko na, na may parte sa 'kin na paborito niya. "Hey... okay ka lang? Ano... nagbibi--" "Ako rin." I cut her off. "You are my favorite dance Jem and you will always be." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at palihim na pinunasan

