Naya’s POV
Naghahanda na ako para sa ikaliwamang scene namin ni Stefano sa dagat. Yung una, pangalawa at pangatlo at pang-apat ay maganda pa rin ang kinalabasan. Hindi pa ako nagkakamali, kung magkamali lang ay very light lang naman.
Yung pangalawa sa beach sand ang shooting namin, nagkita kaming muli roon habang nagbabasa ako ng libro. Lumapit siya sa akin para tanungin ang pangalan ko pero bilang seryoso at parang nonchalant ang character ko sa music video, hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako at saka siya nilayasan. Sa pangatlong scene naman, nagkabungguan kami isang bilihan ng souvenir ginawa pa talaga nila dito sa resort. Ang effort nga ng mga staff niya, talagang pinaggagastusan ni Stefano ang lahat. ‘Yung pang-apat ng scene namin, sa swimming pool ulit. Nalulunod ako kunyari nang makita niya ako. Sinagip niya ako, kinilig akong mabuti kasi magkadikit na magkadikit ang katawan namin nung buhatin niya ako. Damang-dama ko ang matipuno niyang katawan. Sayang nga lang at wala sa scene ‘yung dapat na ma-cpr niya ako kasi nalunod nga ako. Sa part na ‘yon, doon ko na siya kinausap. Doon ko na sinabi sa kaniya ang pangalan ko. Na para bang habang tumatagal ay nakukuha na ni Stefano ang loob ko. Paganda na nang paganda ang bawat scene na ginagawa namin kaya excited na ako dito sa ikalimang scene.
“Alam mo, ang galing mo. Halatang nag-aral ka kung paano gumalaw at um-acting bilang leading lady,” sabi ni Ate Ayah sa akin habang pinaghahanda niya ako ng pagkain ko na kinuha niya sa labas. May pa-buffet din kasi doon para sa lahat.
Kaming dalawa lang ni Ate Ayah ang nandito sa loob ng villa. Ang glam team ko ay abala rin sa pagkain sa labas. Karamihan sa kanila ay naroon sa tabing-dagat, doon daw kumakain sabi ni Ate Ayah. Gusto ko rin sanang magliwaliw, kaya lang ayaw akong payagan ni Ate Ayah. Hindi raw ako dapat magliwaliw sa labas. Dapat daw akong magpaka-professional kasi star ako sa project na ito. Sa totoo lang, OA si Ate ayah sa part na iyon. Pero, sumunod na lang ako kasi iyon ang sa tingin niya ay tama.
“Hello!”
Sabay kaming napatingin ni Ate Ayah sa kumatok sa pinto ng kuwarto ko na si Stefano. Nakadungaw siya sa pinto kaya nagulat kami.
“Oh, ikaw pala, Stefano. Pasok ka,” aya ko naman sa kaniya. Parang tumaas ang pressure ng dugo ko nang makita siya. Kahit ilang beses ko na siyang nakikita, ganito pa rin ako. Kinikilig at hindi mapakali kapag nasa harap ko siya.
“Maiwan ko muna kayo. May kukunin lang ako sa labas,” bigla namang paalam ni Ate Ayah kaya napakunot ang noo ko. Pero, okay lang. Mainam nga ‘yon para masolo ko si Stefano.
“Kumakain ka na rin pala. Baka may ibang food kang gusto. Sabihin mo para maipagawa ko,” sabi niya kaya umiling agad ako.
“Uy, hindi naman ako maarte sa pagkain. Kahit ano naman ang nariyan ay ayos lang. Actually, ang sasarap nga ng mga pagkain na nasa buffet.”
Napangiti lang siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit nakatitig at nakangiti lang siya habang nakatingin sa mukha ko. Nagugutom talaga ako, kaya lang bigla akong nabusog ngayon.
“B-bakit, may dumi ba ako sa mukha ko?” tanong ko tuloy sa kaniya kasi napatitig talaga siya ng matagal sa akin.
“Naisip ko. May dahilan kaya kung bakit nakita kita sa kalsada na umiiyak at sinakay kita sa kotse ko, tapos biglang nag-viral ang picture natin. May dahilan kaya kung bakit nakilala kita?”
Nagulat ako lalo sa mga tinanong niya. Parang ako naguluhan doon. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko na rin.
“W-wala. Na-confuse lang ako. Pasensya ka na kung natanong ko ‘yon. Anyway, single ka ba, Miss Naya?” tanong niya bigla. “Nakita ko kasi, naka-post ang picture ninyong dalawa nung thiago na iyon sa page niya. Viral ka ulit. Hindi mo pa ba alam?”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Ako, viral ulit?”
“Oo, nag-post si Thiago ng picture ninyong dalawa. Sinabi niya sa caption na ang babaeng kasama niya sa litrato ay ang pinakamahalagang tao sa kaniya. Boyfriend mo ba ‘yon?” tanong tuloy niya kaya napangiwi ako. Baliw talaga ang isang ‘yon. Para siyang tanga.
“Hindi, bestfriend lang kami. Bestfriend ko ‘yon,” paliwanag ko sa kaniya na para bang nagtaksil tuloy ako sa Bebe Stefano ko.
“Talaga? Parang sa pagkakabasa ko kasi sa caption niya, hindi lang bestfriend ang turing niya sa iyo. Anyway, ikaw, ha. May kakilala ka pa palang sikat ng model. Kung tutuusin, mas bigatin sa akin ‘yan kaibigan mo kasi international model siya, ako dito lang sa Pinas sikat kaya bakit tila hindi mo sinusuportahan si Thiago. Sorry, nag-stalk kasi ako sa mga social media mo kanina. Inalam ko kasi kung ano ba talaga kayo. Baka kasi hindi puwede ang mga kissing scene natin mamaya.”
“Puwede, piwedeng-puwede, hindi puwedeng hindi,” mabilis kong sagot kaya nagulat siya. Nahiya tuloy ako. “I mean, bestfriend lang talaga kami. A-ayokong masira ang mga plano para sa music video na ito. Kaya okay lang talaga, Stefano. O-okay lang na may ano. May kissing scene,” nahihiya ko pang sabi kaya ngumiti na lang siya.
“Good, iyon lang naman ang pinunta ko rito. Akala ko kasi may boyfriend ka na.”
Matapos niyang makipag-usap sa akin, umalis na siya kasi kailangan na rin daw niyang mag-ready.
Pag-alis niya, kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag ni Ate Ayah. Kinuha niya kasi ang cellphone ko kanina. Bawal muna raw akong mag-phone habang nasa work. Pero dahil gusto kong makita ang sinasabi ni Stefano na viral na naman ako, kinuha ko ang cellphone ko para tignan iyon.
Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng cellphone ko, ayon, sabog na naman ang notification ko. Talaga palang naka-tag pa ako sa post ni Thiago. Pinagpi-fiesta-han na naman sa mga social media ang mukha at pangalamn ko dahil sa Thiago na ‘yon.
Bumukas ang pinto ng room na kinaroroonan ko at saka nito niluwa ang makeup artist, hairstylist at stylist ko.
“B-boyfriend mo pala si Thiago?” sabay-sabay nilang sabi.
“Na-topic pa naman namin siya kanina sa usapan natin. Sorry, Miss Naya,” sabi pa niya kaya natameme ako lalo.
Lintek na Thiago ‘to. Iniinis niya talaga ako lalo. Hindi ko alam na ganito pala siya kalakas pagdating sa social media. I mean, talaga palang sikat na siya bago ko pa siya hamunin na talunin sa pagkasikat si Stefano. Ako ang parang natalo. Nakipagkasunduan pa naman ako sa kaniya. Lagot na ako nito. Hindi na ako makakatanggi pa sa bundol na ‘yon.
Anong gagawin ko?