Kabanata 26

1266 Words
Naya’s POV Para akong artista ngayon. Habang inaayusan na kasi ako ng mga glam team ko, kausap na rin ako ng director sa music video na ito. Siya ang nagpaliwanag na mga scene na gagawin namin ni Stefano. May mga papel din akong hawak. Naka-list dito ‘yung mga scene na mangyayari ngayong umaga. Nagbasa at nakinig akong mabuti para hindi ako mahirapan sa gagawin ko. Ang unang-unang pinaalala sa akin ng director, huwag mahiya. Kapalan ko raw ang mukha ko. Saka, wala raw akong dapat na ikahiya kasi maganda ako. Kaya naman lumakas tuloy lalo ang loob ko. Bakit nga naman ako mahihiya kung maganda naman ako. Naging smooth ang umagang iyon. Mababait ang mga taong nasa paligid. Pati ang glam team ko, okay rin. Nakaayos na ako nang dumating dito sa location si Stefano. Pagdating niya, ako raw ang kauna-unahan niyang hinarap. Pagpasok niya rito, napangiti agad ako sa wet look niya. Halatang kakaligo lang at kagigising pero guwapo na agad para sa akin. “Good morning, Miss Naya, Good luck sa atin, ha,” mabait niyang sabi habang malumanay ang boses. Binati niya lang ako kinilig na agad ako. “Nakita ko na naman ang guwapong si Stefano,” malanding sabi ng makeup artist. “True, kaya kapag alam kong siya ang nagpapatawag sa akin, go ako kahit busy, kasi gusto kong nakikita siya sa personal,” sabi naman ng hairstylist. “Pero, guys, naniniwala ba kayong AI lang ‘yung scȁndal na kumalat? Naniniwala ba kayong gawa-gawa o nilagay lang ang mukha ni Stefano sa video na ‘yon?” tanong pa nung stylist nang lumapit sa amin. Nagtitinginan na lang tuloy kami ni Ate Ayah sa mga naririnig namin sa kanila. “Uy, nandito si Miss Naya. Baka sabihin niya e, chismosa tayo,” sabi ng baklang makeup artista. “Go lang, gusto ko ring makasagap ng balita,” sabi ko naman. Naumpisahan naman na nilang maglapag ng chismis kaya tapusin na nila. “Hindi ako naniniwalang fake ‘yun. Nawala ang cellphone niya, ibig sabihin siya ‘yun. Scȁndal niya ‘yon. Kaya naniniwala akong daks itong si Papa Stefano. Saka, ganoong-ganoon kaya ang katawan niya sa personal. Siya talaga ‘yun, siya ang nagjajȁkol sa video. Kaya confirm na hindi lang siya talented, guwapo at hot, pinagpala pa. Kaya masasabi kong suwerte talaga ang gagang maldita na si Livia,” sabi ng baklang makeup artist kaya napatingin ulit ako kay Ate Ayah. Napapangiti na lang tuloy siya. “Eh, itong naman si Livia, truelalu kayang nakikipaglandian sa hot na pornstȁr na si Marcus Devin. Kasi naman, napaka-hot naman din kasi ni Marcus Devin. Suki ako sa panunuod ng mga video niya sa alter world. Naku naman, kung bumȁyo itong si Marcus, mababaliw ka talaga sa sarap. Ang laki-laki at talagang daks. Pero, mas daks ata si Stefano,” sabi naman ng hairstylist. Natutuwa tuloy ako lalo sa mga napapakinggan ko sa kanila. Pero nakakagulat na tila may baho ngang tinatago si Livia. Kung totoo man ‘yun, sana tuloy-tuluyan na niya para maghiwalay na sila ni Stefano. Kapag ganitong abot-kamay ko na si Stefano, hindi talaga malayong malandi ko siya. Hinihintay ko na lang talaga na maging brokenhearted siya. “Maiba tayo, may isang papansin na sumisikat ngayon. Gumawa na ito ng bagong page niya sa social media. At sure akong kilala niyo na kung sino ito?” tanong naman ng stylist. “Ay, si poging hot na international model ayan ‘no?” tanong naman ng makeup artist. “Si papa Thiago Sanchez ‘yan ‘no? Ay, naku, kaka-follow ko lang sa kaniya kahapon. Nagulat nga ako na nandito na pala siya sa Pilipinas. Mukhang nagbabakasyon si pogi. Balita ko ay napaka-yummy daw nito sa personal. Busog na busog ang mga makeup artist at hairstylist sa ibang bansa kapag naaayusan nila si Thiago,” sabi naman ng stylist kaya napatingin na naman ako kay Ate Ayah. Lalo akong kinabahan kasi maging ang mga glam team kong ito ay kilala rin pala si Thiago. Nagugulat na lang talaga ako sa mga pasȁbog ni Thiago. Talaga ngang malayo na ang narating niya. Wala akong kaalam-alam na sikat na pala siya. Tahimik lang siya pero kung mag-ingay, malala. ** Nung mag-start na ang first shooting, tinawag na ako ng mga staff sa villa ko. Si Ate Ayah, todo payong sa akin habang papunta kami sa first scene. Pagdating namin sa swimming pool area, sinabi ng director na tanggalin ko na ‘yung suot kong jacket. Kaya ayon, sa harap ni Stefano, naipakita ko na tuloy ang tinatago kong ka-sexy-ha. Nakakaloka, hindi ako nakakapag-swimsuit sa kung saan kasi hindi ako confident. Pero dahil work ito at malaki ang kikitain ko, bawal mag-inarte. Si Stefano talaga ‘yung una kong tinigna nung mag-swimsuit ako. Nakita ko na napataas ang dalawang kilay niya nang makita akong naka-swimsuit na. Tapos, saka siya ngumiti at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Puwedeng-puwedeng maging artista ang isang ‘yan. Maganda na sexy pa. Kung titignan, bagay silang dalawa.” “Nagulat ako bigla ng babaeng ‘yan.” “May ibubuga pala siya.” “Artistahin din pala. Gets ko na kung bakit kinuha siyang leading lady ni Sir Stefano. Sanay talagang titingin si Sir ng maganda sa hindi.” Tumataba ang puso ko sa mga naririnig ko sa mga taong nasa paligid lang namin. Mabuti na lang at wala akong narinig na negative. Lumapit na sa akin si Stefano kasi mag-start na ang first scene. Nung sumigaw ang director ng action, doon na kami nag-umpisang um-acting. Naglakad ako ng parang mayaman palapit kay Stefano. Inalok ko siya ng juice habang nakangiti. Pinilit kong hindi manginig at magkamali. Ginalingan ko agad sa part na ito para lalo silang matuwa. Hinawakan ni Stefano ang baywang ko kasabay ang pagtanggap niya sa juice na binigay ko. Tinanong niya ang pangalan ko, sumagot naman ako ayon sa nakalagay sa script. Pagkatapos, bumaklas ako sa pagkakayakap niya sa akin kasi akmang hahalikan na niya ako. Parang cinderella ang scene kasi kailangan kong tumakbo at takasan siya. Dito kasi ay pinakita na agad ang title ng music video. Love at first sight. “And cut! Good job, Naya at Stefano. Maganda. Unang take palang, perfect na agad!” masayang bati sa amin ng director kaya palakpakan naman ang lahat. “Ang galing mo, ah,” bati naman sa akin ni Stefano nang lapitan niya ako. Nagulat ako nang bigla niyang itapis sa katawan ko ang towel na bigay sa kaniya ng mga alalay niya. Na-late kasi ang pag-abot ni Ate Ayah ng jacket ko. “Salamat,” sagot ko naman habang nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ng unang scene, bumalik na kami sa kani-kanilang villa kasi need naman naming mag-prepare para sa susunod na scene. Palakpakan sa akin ang glam team ko kasi parang bihasa na raw ako sa ganitong trabaho. Pasabog daw ang awrahan at acting-an ko kanina. Gustong-gusto raw nila ‘yung pag-akit ko kanina kay Stefano habang inaalok ito ng juice. Tawa tuloy ako nang tawa. Nag-e-enjoy lalo ako sa ganitong trabaho. Nakakakaba sa una pero kapag nagiging maganda ang mga eksena, nakaka-enjoy naman pala. Naalala ko tuloy ‘yung pagtitig at muntik nang paghalik sa akin kanina ni Stefano. Ramdam ko na ‘yung mainit niyang hininga e, inaantay ko na nga lang ilapat niya ang mga labi niya sa labi ko, kaya lang hindi kasama sa script ‘yon kaya ginawa ko na lang kung ano ‘yung dapat na gawin. And ayon, success ang first scene. Napuri agad ako ni direk at ni Stefano rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD