Kabanata 25

1122 Words
Naya’s POV Today is the day na pinakahinihintay ko. Magsu-shooting na kami ni Stefano. Ang agang dumating ‘yung pa-van ni Stefano na pinadala sa bahay namin na kung saan ay susunduin kami. Nasabi ko sa kasi sa kaniya na wala kaming car. Maaga pa lang ay naka-ready na kami ni Ate Ayah. Kaya pagdating ng van, tinulungan na lang kami ni mama at papa na magsakay ng mga gamit namin sa van. Pagkatapos, niyakap ako nila mama at papa para i-goodluck ako. “Ayah, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Alagaan mong mabuti ang star natin,” sabi pa ni mama nung paalis na kami. “Opo, ako ng bahala sa kaniya,” sagot naman ni ate. “Sisiguraduhin kong kahit lamok, hindi siya makakagat doon,” pabiro pa niyang sabi kaya pati ‘yung driver ng van ay natawa na rin. Nung paalis na kami, nag-selfie ako para makapag-post sa social media ko. Nilagyan ko ‘yon ng caption na goodluck ninyo ako, guys sa work ko, today. “Ang ganda nitong van. Siguro ito ‘yung isa sa madalas gamitin ni Stefano kapag may shooting siya,” pabulong na sabi sa akin ni Ate Ayah. Iniikot niya ang buong tingin sa buong paligid nitong loob ng van. “Artista-van ata ang tawag dito. Kasi doon sa dulo, parang may banyo ata,” sabi ko naman sa kaniya. “Hello po, makikisingit na rin po ako sa usapan ninyo,” biglang sabi ng driver. “Opo, artista-van nga ang tawag dito. At opo, may banyo diyan sa may likod. Isa ito sa madalas gamitin ni Sir Stefano kapag may shooting siya.” “Ang suwerte, nakasakay pa tayo sa sasakyan ni Stefano,” sabi ni Ate Ayah na bakas pa rin ang hiya dahil sa pagsasalita. “Fan niyo po ako, Miss Naya. Nung mag-viral po ang picture ninyo ni sir Stefano, nakikita ko na para pong bagay kayo. Huwag po kayong magulo, ayoko po kasi dun sa malditang si Livia. Para kasing ang dami-dami niyang tinatago sa buhay niya. Hindi sila bagay ni Sir Stefano.” Nagulat ako sa sinabi ng driver na ito. Pati tuloy si ate ay natameme rin. “Ano pong ibig ninyong sabihin, kuya? Masungit at maldita po si Miss Livia?” Tanong ko pa. Tutal ay na-topic naman na niya ‘yon, magtatanong na rin ako. “Para sa akin, totoo ‘yung kumakalat na issue tungkol kay Livia at doon sa pörnstar na si Marcus Devin. Ilang beses ng may lumalabas na issue sa kanila, palagi lang itong pinapalampas ni Sir Stefano. Hindi siya naniniwala sa mga tao, mas pinaniniwalaan niya si Livia.” “Grabe po pala,” sabi na lang ni Ate Ayah. “Hindi na ako magtataka kung isang araw, video naman ang lalabas. Kasi kung sa pörnstar na ‘yung nakikipagrelasyon si Miss Livia, malabong hindi rin sila gumagawa ng video. Sabagay, magandang lalaki rin kasi si Marcus Devin. Malaki ang katawan at oo, nakapanuod na ako minsan ng video nito sa mga alter site, pinagpala rin ang size na mayroon siya.” Ang dami naming nalaman ni Ate Ayah sa driver na ‘to ni Stefano. Ramdam na ramdam ko sa kaniya na ayaw nga niya kay Miss Livia. Lumakas tuloy ang kutob ko na hindi malabong mangyaring magkahiwalay sila. Natuwa pa ako sa mga nalaman ko sa kaniya. Natigil lang si manong driver sa pagmamaneho nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello, Miss Hanna?” bungad niya sa kabilang linya. “Opo, kasama ko na sila. Bakit po?” “Secretary ata ni Stefano ang kausap niya,” sabi ni Ate Ayah kaya tumango lang ako. Pakiramdam ko kasi ay may pinapasabi sa amin si Ate Hanna. “Opo, sige po, sasabihan ko sila para alam nila,” sabi ng driver bago ibaba ang linya niya. “Ah, Miss Naya, pinapasabi po ni Miss Hannah na baka hanggang bukas tayo doon sa resort kasi may mga nadagdag na mga scene sa shooting ninyo. Naisip daw kasi ni Sir Stefano na doon na tayong lahat magpahinga ngayong gabi. Para raw bukas, tuloy pa rin ang shooting. Hindi raw kasi magagawa lahat ‘yung mga scene na hinanda ngayong buong maghapon. Two days daw ang dapat na ilaan kaya kung sakaling may lakad ka po raw bukas, baka puwedeng i-cancel niyo na lang po muna,” sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Ate Ayah. “Ah, sige, ayos lang,” sagot ni Ate Ayah sa driver. “Ako na lang ang tatawag kay Boss Jelo mo para magpaliwanag. Siguro naman ay maiintindihan ka niya,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako. Bahala na si Ate Ayah, siya naman ang manager ko kaya siya na ang bahalang umasikaso sa mga ganiyang problema. ** Alas otso ng umaga nung dumating kami sa location. Akala namin ay late na kami, mabuti na lang at wala pa si Stefano. Sinalubong kami ni Miss Hanna. Siya ang naghatid sa amin sa villa na para raw sa aming dalawa ng Ate Ayah ko. “Ang laki naman po ata nito, Miss Hannah,” natutuwa kong sabi. “Si Sir Stefano ang nagbilin sa akin na villa ang ibigay sa inyo e. Anyway, pasusunurin ko na rin dito ang glam team mo kaya mag-ready na kayo. Ten ng umaga kasi ay start na ang shooting ninyo,” sabi ni Miss Hannah saka na kami iniwan ni ate dito sa villa namin. “Nakakatuwa naman ito. Ang laki nitong villa. Mabuti pa ay ilagay na natin sa loob ng kuwarto ang mga gamit natin,” sabi niya habang ako naman ay sumilip muna sa labas. Nakita kong nagse-set up na ang mga camera man. Abala na ang lahat para sa magaganap na shooting. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na ang simpleng gaya ko ay pipiliin ni Stefano na isama sa shooting ng music video niya. Kung iisipin, para akong isang star ngayon sa shooting na ‘to. Kasi ako ang leading lady ni Stefano. Hindi na rin ako makapaghintay sa kissing scene namin. Naaatat na akong maramdaman ang malambot na labi ni Stefano sa labi ko. Mamaya, kapag sinabi nila na kissing scene na, tatakbo muna talaga ako sa banyo para mag-toothbrush. Aba, Stefano ang makakahalikan ko kaya dapat lang na mabango ang hininga ko. Pero, ta-try kong magkamali ng dalawang beses. Para tatlong beses kong makakahalikan sa lips si Stefano. Kasalanan ‘to ni Ate Ayah. Siya ang nagbigay ng idea sa akin kaya gagawin ko talaga ‘yan mamaya. Hindi naman siguro sila magagalit kung dalawang beses lang akong magkakamali. Susulitin ko na ‘to. Minsan lang mangyayari sa buhay ko ito kaya dapat lang na ilaban ko ang plano ko mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD