Kabanata 16

1109 Words
Naya’s POV Hindi ako umuwi sa bahay namin. Dito ako nagpunta sa clothing shop ni Boss Jel upang tignan kung gaano ba kalaki at gaano ba kaganda ang mga picture ko. Nawala ang inis ko nang makita ko kung gaano ako kaganda sa mga picture. Tinulak ko ang pinto ng shop para pumasok sa loob. “Good day, welcome po sa—” Natigil agad si Aletta sa pagbati sa akin nang makita niyang ako ito. “Oh, Naya, bakit ka nandito?” masaya namang tanong ni Tori nang makita niya ako. Napansin ko na may kapalit na pala ako. May bago ng na-hire na saleslady. “Wala, gusto ko lang gumala. Galing kasi ako doon sa bagong bukas na restaurant, naisip kong dumaan dito para tignan ‘tong mga picture ko rito,” sagot ko sa kaniya. “Hala, kayo po pala ‘yung model dito,” sabi naman nung bagong saleslady. Lumapit ito sa akin para makipagkamay. “Hoy, trabaho, huwag puro daldalan,” saway agad ni Aletta na pinaglihi sa sama ng loob. “Puwede ba, Aletta, tumigil ka na sa kakaganiyan mo. Wala namang customer pa,” saway ko rin sa kaniya. “Hoy, Naya, hindi ka boss dito. Model ka lang ng clothing shop kaya wala ka pa ring karapatang maggaganiyan,” mataray niyang sabi kaya nairita ako lalo. “Hindi ka rin boss dito kaya huwag kang bossy. Feeling ka masyado. Hindi naman ikaw ang tagapagmana nitong clothing shop,” sabi ko kaya parang napahiya siya. “Tama, hindi ka nga naman tagapagmana. Saleslady ka lang din na gaya namin kaya bakit ba feeling boss ka rito?” Nagulat ako sa bagong saleslady na biglang nagsalita kay Aletta. Sa tingin ko, tama si Boss Jelo nang na-hire na bagong saleslady ko. Parang ako lang itong bagong ‘to, palasagot at mukhang matapang. “Hoy, bago ka lang dito, huwag kang gaganiyan-ganiyan agad,” galit pa rin na sabi ni Aletta habang may hawak na hanger. “Hindi mo ako kilala, girl. Nakikipagbasagan ako ng mukha sa amin, huwag mo akong umpisahan, hindi talaga kita uurungan,” warning sa kaniya nitong babaeng ito kaya natatawa tuloy kami ni Aletta. “Makakarating ito kay Boss Jelo,” ayaw pa rin paawat na sabi ni Aletta. “Sabihin mo, ako naman ang magsasabi kung sino ang mali, tandaan mo, model ako nitong shop na ito. At malakas ako ngayon kay Boss Jelo. Kung gugustuhin ko, kaya kitang siraain at patalsikin dito. Sige lang,” pananakot ko na rin para matahimik na siya. Natameme siya at umalis na lang sa harap namin. Pag-alis niya, tawa kami nang tawa. Doon ko na nakilala ang bagong saleslady na si Richelle. Taga kabilang bayan pa pala siya kaya hindi ako pamilyar sa mukha niya. Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na rin. May mga customer na rin kasing dumating. Natuwa pa nga ang mga ito nung makita ako. ** “Oh, saan ka ba nangggaling at ngayon ka lang umuwi? Galing dito si Thiago, hinahanap ka,” salubong sa akin ni mama pag-uwi ko sa bahay. “Ayos na po, nagkita na po kami,” pagsisinungaling ko na lang. Sabi na e, dito siya pupunta nung layasan ko siya sa restuarant niya. Mabuti na lang talaga at hindi ako umuwi agad dito sa bahay. “Ganoon ba, sige, mauna na ako at kailangan kong pumunta sa bayan. Wala na tayong stock sa kusina,” paalam niya. Tumuloy ako sa kuwarto ko. Nagbihis na ako nang pantulog kasi alam kong hindi naman na ako lalabas pa. Pagkatapos, naghilamos at nagpapahid na rin ako ng skincare ko. Nang magawa ko na ang mga dapat kong gawin, nahiga na ako sa kama ko para naman mag-check ng email. Napabangon agad ako nang makatanggap ako ng email galing kay Stefano. Agad-agad ko itong binasa kasi nagulat talaga ako. “Hi Miss Naya, how are you? Are you free on Saturday? I would like to invite you to be in a music video that I am releasing. Our picture went viral, and I want to ride the wave of the fans' excitement. So I thought of making you the leading lady in my music video. Just let me know if you can or cannot make it. I will wait for your response. Thank you very much.” “Ahhhhhhh!!” napasigaw ako nang husto matapos kong mabasa ang message niya. Bigla tuloy pumasok dito sa loob ng kuwarto ko sina Ate Ayah at Papa. “Bakit, anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Ate Ayah. “Oo nga, bakit nagsisigaw ka?” tanong naman ni Papa. “Look, may email sa akin si Stefano. Gusto niya raw akong gawing leading lady sa music video niya na ilalabas, soon,” masaya kong sagot sa kaniya. “Talaga?” masayang tanong ni ate na nanlalaki ang mga mata. “Oo, ate, heto ang email niya oh,” sabi ko pa saka ko pinakita sa kaniya ang email ni Stefano. Matapos din mabasa ni Ate Ayah ang email ni Stefano sa akin, siya naman ang nagsisigaw. Niyakap niya ako at agad binati. “Ang galing! Ito na talaga ang pagsikat mo, Naya. Support kita diyan. Go, patulan mo. Maganda ‘yan. Malay mo tuluyan ka na talagang sumikat,” sabi niya habang nakikitalon na rin sa tuwa si papa. At dahil no idea pa ako sa mga ganito at matalino na rin naman si Ate Ayah, hinayaan kong siya ang sumagot sa email. At ang mangyayari nito, mag-aala manager na rin ata si Ate Ayah sa akin. Oo, ganoon na nga siguro. Pero, putcha, excited na agad ako. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari nang pagsabay ko sa kotse niya at ang pag-viral ng mga picture namin. Ito ang naging resulta, parang nag-click kami sa mata ng mga tao. Ginawa pa tuloy akong leading lady ni Stefano. Ibig sabihin, lalabas ako sa isang music video niya. Mapapanuod ko ang sarili ko sa music video niya. Hindi lang ‘yon, makakasama ko ulit si Stefano kasi tiyak na magsu-shoot kami ng ilang araw. Ngayon, masasabi ko talaga na lucky fan nga ako. “Okay na, wait na lang natin ang mga eksena. Again, congrats, Naya. Dahil diyan, magluluto ako ng masarap na ulam ngayong dinner. Mag-chill ka lang muna diyan sa kuwarto mo, tawagin mo na lang din ako kapag may email na ulit,” masaya niyang sabi at saka ako iniwan sa kuwarto ko. Nung ako na lang ulit ang mag-isa dito, napapatalon pa rin talaga ako sa saya. Sana magsabado na, para makita ko na ulit si Stefano. Excited na talaga ako sa mga mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD