Chapter 1

1421 Words
Renaissance's Pov   A small smile manage to escape from my lips as I've seen our family portrait that was placed on the living room.   Ito ang unang-una mong makikita pagkapasok mo sa loob ng bahay, sa ibaba nun ay isa pang lamesa na gawa sa puno ng narra. Punong-puno rin 'yon ng mga pictures frame naming pamilya.   Natigilan ako nang mapadpad ang mga mata ko sa picture frame kung saan litrato noong kasal namin ni Morgan ang nakalagay.   It was shot from our second wedding. Naaksidente kasi ako at walang maalala, and Morgan being the sweet husband that he is he wanted to make new memories and replaced those that I have forgotten. Ang sabi kasi ng doctor ko maliit daw ang tyansa na bumalik pa ang alaala ko.   Nanghihinayang pa rin ako, pakiramdam ko kasi may mga tao akong nakalimutan...parang may kulang sa 'kin.   I soon shrug the thought away. Ang sabi n'ya patay na ang mga magulang ko. They died years ago because of a car accident while he's an orphan.   Kung ano man ang mga nakalimutan ko o kung sino man sila malamang ay hindi rin sila importante sa buhay ko, besides I have him and our little angel on my life. I wouldn't ask for more. Kuntento na 'ko sa kanilang dalawa.     "Shonea?" Tawag ko sa 'ming kasambahay sa katamtamang tono. Mayamaya pa'y namalayan ko na rin ang presensya n'ya sa 'king gild.   I smiled at her and put the picture frame back on it's usual spot. Sumulyap ako sa wrist watch ko. It's already five o'clock in the afternoon.   They'll be here soon.   "Pakihanda na ng meryenda sa may garden, parating na sina Beryl at ang Sir. Morgan mo." Utos ko sa kanya na kaagad n'ya rin namang sinunod.   I fished my phone from the pocket of my jean to send Beryl a message. Dapat ay kanina pa sila nandito ng Papa n'ya.   Bago ko pa man matapos ang pagtitipa para sa mensahe na itetext ko sa 'king anak ay bumukas na ang front door.   Beryl's giggles and chuckles echoed on the living room.   "She won't be mad." Rinig ko pang dagdag na sinabi ni Morgan bago sila tuluyang lumapit sa 'king dalawa at sabay akong hinalikan sa magkabilang pisnge.   "Hi, Ma." Nakangiting bati n'ya at itinago sa likuran n'ya ang nasa lima o anim na mga paperbag. I furrowed my brow on him as he slide his arm around my waist and kissed me once more.   "How's work?" He gave me a warm smile and put some strands of my hair at the back of my ear.   "The company's doing great, Hun." Kaswal n'yang sinabi, katulad lang rin noong mga nakaraang araw.   Mabilis na kumunot ang noo ko kay Beryl nang makita ang unti-unti at patalikod nitong paghakbang palayo sa 'min ng Papa n'ya.   "What is it the you're hiding from me young lady?" Tanong ko sa medyo seryosong tono.   As if I caught her doing something obscene her face paled. Mabilis s'yang umiling at sumipat ng tingin kay Morgan na animo'y nanghihingi ng tulong mula sa kanyang kunsintidor ding Papa.   Nang hindi ko inalis ang mga titig ko sa kanya'y napabuntong hininga na lamang s'ya at ipinakita sa 'kin ang mga paper bags. It wasn't five or six but 8 in total.   Take note that those came from designer brands such as chanel, prada and gucci.   "What are those?" Pang-uusisa ko saka inalis ang pagkakapulupot na braso ni Morgan sa 'king bewang. I walk towards her. Napanguso lang s'ya at pabalik balik kaming tinitingnan na dalawa.   "Beryl Ametrine!" May pagbabanta sa boses na tawag ko sa kanya.   "This are my things that we bought earlier." Nakangusong sinabi n'ya. She tried to flashed a smile, but that won't work for me, atleast not now when I am aware that this two waste money for Beryl's whims and caprices.   "Hun, hayaan mo na. Beryl deserves it anyway she's on top of her class. That's a reward." Si Morgan. Mabilis ko s'yang sinamaan ng tingin na ikinatahimik naman n'ya.     Mabilis silang dalawa na nag-iwas sa 'kin ng tingin nang manlaki ang mata ko dahil sa resibong nakita ko mula sa isang paper bag na kinuha ko  kay Beryl.   "950 dollars for a pair of shoes?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Morgan na nakahawak lang sa batok n'ya at hindi na makaimik sa 'kin.     "Beryl go to your room first, I'll talk to your Mom." Anas n'ya sa anak namin na mabilis na ring sumunod. Naiiritang ipinatong ko sa couch 'yong paper bag.   "Morgan, I told you to stop spoiling her. Baka mamaya masanay s'ya na nakukuha n'ya lahat ng gusto n'ya." Isang payapang ngiti lang ang isinukli n'ya sa 'kin nang abutin n'ya ang kamay ko at marahan 'yong pinisil.   "Edi masanay s'ya. She's a McAllister anyway, she was born to own things that she need and wants. Para saan pa't nagtatrabaho ako nang mabuti? At Iyong yaman natin kung hindi ko naman maibibigay kay Beryl ang lahat ng gusto n'ya?" Inirapan ko s'ya at iwinaksi ang kamay n'yang nakahawak rin sa kamay ko.   "Wala sa plano ko na tipirin ang prinsesa natin—,"   "Hindi ko rin naman sinabi na titipirin natin 'yong bata, what I am saying is we somehow need to teach her a lesson that she cannot always have things that she wants within a snap, kailangan na paghirapan n'ya pa rin 'yon kahit papaano. I don't want her to grow up with a mindset that she'll be able to get anything just because she wants too, because  life wasn't like that after all. We don't always get what we want." Pagputol ko sa sinasabi n'ya.   I saw him beathe deeply and sighed afterwards. Itinaas n'ya rin ang kamay n'ya sa ere na animo'y sumusuko na s'ya.   "Okay, you won. H'wag ka ng magalit." Malambing n'yang sinabi saka ako hinila para sa isang yakap. Napangiti na lang rin ako niyakap s'ya pabalik.   He was always been this sweet and patient ever since, baka kaya ko s'ya nagustuhan at pinakasalan noon. Sana kahit papaano maalala ko kung paano kami nagkakilala na dalawa.   "Ma, are you still mad at me? I'm sorry partly it was my fault. Kung ano-ano ang pinabili ko kay Papa." Beryl mumbled while staring at the ground and fidgetting.   Her shoulder-length natural brown hair  like mine matched perfectly with her glass-like fair complexion. Natural nang makurba ang mahaba n'yang pilik mata. Her eyes shares the same color with the sea, it's kind of bluish. Her pointed nose and thin lips complimented her heart-shaped face. I must admit that this daughter of mine is way prettier than me.   Maging si Morgan ay 'yon rin ang sinasabi.   Umiling ako at tinapik ang bakanteng upuan na katabi ng sa 'kin. Mabilis s'yang naupo ro'n at nakanguso lang akong tiningnan.   Maagap n'yang isiniklop ang buhok n'ya papunta sa kanyang tenga nang umihip ang malamig na hangin.   "I'm not really mad—," " but disappointed?" Sansala n'ya sa sinasabi ko. Marahan akong tumango saka kinuha ang kamay n'yang nakapatong sa lamesa.   "I only want you to learn how to appreciate and value things that you have." I mutterd and smile weakly at her.   Tumango lang rin s'ya sa 'kin saka tumayo at mahigpit akong hinagkan. "Pero mas malaki pa rin ang kasalanan ni Papa sa 'kin, hindi kasi s'ya humindi sa mga tinuturo ko kaya naparami 'yong pamimili namin." Dagdag hirit n'ya pang ikinatawa na lang namin ni Morgan.   It became our family bonding to spend atleast an hour talking on the garden while eating about things that happened to us the whole day, it's a family secret that keep the three of us close and intact.   "Ma, apat na buwan na lang anniversarry n'yo na ni Papa." She chirped excitedly and exchanging a meaningful look with his father.   Napatingin rin ako kay Morgan na ngayon ay nakahilig na sa 'king balikat. Marahan kong hinaplos ang mukha n'ya. Tinutubuan na rin s'ya ng balbas mukhang kailangan na ulit mag-ahit ng isang 'to.   "Pa p'wedeng sa Paris natin icelebrate 'yong anniversarry n'yo ni Mama? It's the city of love anyway and we haven't been there for quite a long time." Sumulyap sa 'kin si Morgan dahil sa suhestyon ni Beryl.   "We'll talk about that baby." He mumbled.   "Ma, how much do you love my Papa?" She ask innocently with a spark of joy in her pools. Napatingin ako kay Morgan ng dahil ro'n. He kissed the back of my hand and smile once more.   "So much." I uttered.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD