Renaissance's Pov Dalawang beses akong kumatok sa nakabukas na pinto ng opisina ni Klau sa unang palapag ng mans'yon. Naabutan ko siyang nakatayo ngunit nakatalikod sa 'king gawi. Ang isa niyang kamay ay nasa bewang at ang isa naman ay nakahawak sa cellphone n'ya. Pumihit s'ya paharap sa 'kin. Mababakas na ang maliliit na tubo ng bigote niya maging ang pagod at inaantok niyang mga mata. He give me his weak smile and gestured me to come near him. Napabuntong hininga ako saka pilit na ngumiti bago ako lumakad palapit sa kaniya. "Hindi ka natulog kagabi." Panimulang sinabi ko. He wrapped me in his arms possessively. Ang isa niyang kamay ay humahaplos sa 'king bewang. He seated himself on the table top and me on the other remained standing. Nagkibit balikat s'ya sa 'kin s

