Renaissance's Pov "Good morning Ma'am Ressee." Nakangiting bati sa 'kin ng isa sa mga katulong na naabutan kong nagluluto na ng almusal sa kusina. Mula sa isang drawer sa may kitchen counter ay kinuha ko ang isang apron saka 'yon kaagad na sinuot para matulungan na rin sila sa pagluluto. "Ako na, paki-set na lang 'yong table para okay na kapag bumaba 'yong mag-ama." Beryl and Morgan both like toasted bacon and pancake for breakfast, so that's what I usually cook for breakfast except for those days that they asked me too cook something else. "Bakit?" Naiilang na tanong ko sa kasambahay na manghang nakatingin sa 'kin nang inilagay ko na sa gitna ng lamesa 'yong mga bacon. She shook her head and forced a smile. "Wala naman po, h-hindi lang talaga ako sanay na nakakasam

