Renaissance's Pov "Hindi naman ako tatakas. P'wede bang wag n'yo na 'kong sundan?" Inis na singhal ko sa dalawang unipormadong lalaking ilang hakbang lang ang layo sa 'kin at walang kapaguran akong sinusundan. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi rin ako gano'n kagaling lumangoy para maisipang languyin ang malawak na dagat na nakapalibot sa islang 'to. Tatlong araw na simula noong umalis si Klau at ito na 'ko. Parang bilanggo sa Isla na 'to, ni hindi man lang s'ya tumawag sa 'kin para iaupdate sana ako kung nakuha na ba n'ya si Beryl o kung alam n'ya na ba kung saan 'to dinala ni Morgan. "Ma'am, hinahanap po kayo ni Mr. Villera." Sambit ng isa sa mga lalaking sumusunod sa 'kin. Pumuhit ako paharap sa kaniya at sinalubong na rin ang ginagawa n'yang paghakbang saka ko kinuh

