Isang linggo na ang nakaka-lipas simula nang dumating si Isabella sa bahay ng mga Lefters. So far ay kinakaya pa naman niya ang mga kagaguhan ni Clifford at ng kapatid nitong babae na si Gwen. Madalas din siyang napapagalitan ni Lilian pero ang sabi ni Nay Corazon niya’y natural lang daw iyon.
Ngayong araw ay day-off nila kasi Sunday. Maaga si Isabella nagising kasi mag-eenroll sila ni Nay Corazon niya’t mamimili ng kanyang gamit para skwela.
“Oh, handa ka na ba?” tanong ni Nay Corazon sa kanya.
“Opo, Nay. Sa tingin niyo po ba’y may makaka-sundo ako doon? Sabi kasi ni Ma Genna ay mapanganib ang karamihan dito sa Siyudad.”
Hinawakan ni Corazon ang kamay ng kanyang anak-anakan. “Sus! Marami naman dito ang mababait pa din. Basta huwag ka lang doon sa pinapa-sukan ng apo ni ma’am Lilian. Puro kasi mga mata-pobre ang nandoon. Maaarte din ang karamihan.”
Matapos iyon sabihin ni Corazon ay tumawa silang dalawa’t naglakad na palabas ng gate. Pumunta sila sa Fusen Highschool at nagpa-enroll para grade twelve. Agad naman nagustuhan ni Isabella ang bagong paaralang papasukan.
“Oh, sa susunod na linggo na ang pasukan kaya daan na muna tayo sa mall para bumili ng iyong mga kailangan,” ani ni Nay Corazon.
“Sige po, Nay.”
Pumara sila ng tricycle at nag-tungo sa mall. Agad silang pumaroon sa National Bookstore kung saan may marami siyang mapipilian. Namangha siya sa kay raming libro’t iba pa.
Pag-katapos ng kanilang pamimili ay nag-taxi na sila pauwi. Kwento lang ng kwento si Nay Corazon nang bigla itong napaturo sa labas. Nagulat naman si Isabella.
“Iyon! Iyon ang pinapasukang paaralan ni Clifford! Kay lalaking building ano?”
Tumango naman si Isabella. Totoo nga namang kay laki ang mga building nito’t lahat ng room ay aircon. Tapos ay natandaan ni Isabella ang lugar kaya napa-tingin siya sa kabila. Nasa harap lang pala ng school ni Clifford ang school din nila.
“Magka-tapat lang po pala ang aming—“
“Oo, anak! Pwede mo ito lakarin kaso malayo-layo din. Baka pwede ka din sumabay kay—“
“Ay naku nay! Huwag na po’t alam naman natin ang arte ng lalaking iyon. Naka-simangot nalang palagi at para bang pinapasan ang problema ng buong mundo,” ani ni Isabella na tinawanan naman si Corazon.
“Hayaan mo, pagdating ni Mada’am Granny ay tiyak mag-kukwento iyon sa iyo. Mabubunyag ang sekreto niyang Clifford na iyan.”
Nagtaka naman si Isabella. Hindi niya pa kasi ito nakikita kahit sa letrato. Wala ding letrato ang nakasabit kung saan ang pamilya ng boss niya. Bakit kaya ganoon?
Nang makarating sa kwarto ay agad isinaayos ni Isabella ang kanyang mga kagamitan. Excited na siyang makipag-kaibigan at mag-aral. Napangise nalang siya nang napatingin siya sa letrato ng kanyang lola at mga anak nito.
“Alam kong hindi ninyo ako pababayaan. Itutupad ko lahat ng ating pangarap, Inay at Lola,” naka-ngiteng bulong ni Isabella.
Habang nag-hahapunan ang mga Lefter ay nagpasyang pumunta sa bakuran si Isabella. Doon sa damuhan ay nahiga siya. Naaalala niyang ganito ang ginagawa nila ng lola niya noon. Nahihiga lang sa damuhan habang tumititig sa kalangitan. Ang sabi ng kanyang lola pangarap nitong makita si Isabella na magnining-ning kagaya ng bituin sa langit.
Napaluha agad si Isabella nang ma-isip nanaman ang kanyang lolang pumanaw na. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya gaya nalang ng kanyang ina. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa.
Katatapos lang maghapunan ni Clifford nang mag-pasya siyang tumingin sa mga bituin. Lumabas siya’t nasa balcony ng kwarto niya. Bago paman ito makatingin sa itaas ay napatingin na muna ito sa kung sino ang nasa baba.
Hindi niya gusto ang babae at lalo na ang mga ngite nito. Ngayon na nasilayan niya ang malungkot na mukha nito’y napapakunot pa din ang kanyang noo. There was something about this girl that he hates.
Aalis na sana siya nang mapa-tingin sa kanya si Isabella. Gaya niya ay naka-kunot din ang noo nito.
“Nang mamanyak ka ba?” Sigaw ni Isabella habang naupo na ito.
Doon lumaki agad ang mga mata ni Clifford na may galit. Nakakunot pa ang noo nito. “What the heck are you talking about? Bakit naman kita mamanyakin? I’m not even close to you!”
Tumaas ang isang kilay ni Isabella. “Bakit kailangan ba ng mga mata mong mahulog patungo saakin para lang mamanyak mo ako?” Ngayon ay naka-tayo na si Isabella at nakapa-meywang pa.
Napa-tch si Clifford sa bagong katulong nila. No one has ever accused him of such crime before, not until this girl showed up. “You’re not even pretty! Look at that dress you’re wearing! Trash!”
“Abay! You!—“
Hindi malaman ni Isabella ang kanyang sasabihin. Paano ba maging mapangasar? Hindi niya alam ang itatawag dito.
“I what?” Panghahamon ni Clifford. Nang hindi makahanap ng salita si Isabella ay nagpatuloy ito, “Eres una criada estúpida y fea!”
Agad napa-isip si Isabella sa sinabi ni Clifford. Hindi niya iyon naintindihan pero kung akala nito’y magpapatalo si Isabella ay nagkakamali ang lalaki.
“Huh? Iyon lang kaya mo?” Hambog na tanong ni Isabella. “Buang ka! Mahug unta ka’g mag-una imong nawng na murag iring sungkaban!”
“What the heck is that languange?” Galit na tanong ni Clifford.
“Awe, hindi niya alam ang dialect na iyon. Kawawa ang bata, iiyak na ‘yan,” pang-iinis ni Isabella sabay naka-pout ang nag-aaksyon na umiiyak.
Kumukulo na talaga ng sobra ang dugo ni Clifford kay Isabella. Hindi naman niya ito magawang saktan dahil siguradong pagagalitan din lang siya. “You wait you stupid ugly ass maid!”
Hindi padin tumitigil si Isabella sa pang-aasar at nagkasagutan nanaman sila. They sure look like little kids arguing about their leaf houses. Hindi nila alam na kadadating lang ni Granny at ang ingay na nilang dalawa.
Dinig na dinig ng lahat ang pinag-aawayan ng dalawa. Nagulat sa mga ingay si Granny. Dahil sa tuwing siya’y pumaparito sa mansion ay walang nag-iingay ngunit iba ang gabi na ito.
“Who on this house is making the noises?” Tanong niya.
Pinakinggan ng maigi ng mga katulong at lalo na ni Lilian. Aba’y tinig iyon ng kanyang apo at ang bagong katulong. Agad naman silang napapunta sa labas. Lumaki agad ang mga mata ni Lilian nang makitang nag-tturuan ang dalaga at binata sa isa’t-isa. Nasa mukha ni Corazon ang pag-alala sa kung ano ang sasapitin ng kanyang anak-anakan.
Sa hindi nila lahat inaasahan ay pumalak-pak bigla si Granny kaya nahinto ang pagsisigawan ng dalawa. Gulat na gulat si Isabella sa mga matang naka titig ng masama sa kanya, ang mga mata ni Lilian.
“Granny! I didn’t know you were coming tonight,” Clifford yelled from the balcony. Malapit siya sa kanyang great grandmother kaya nasasabik itong makita si Granny.
“I was planning to surprise you, my boy. But it seems like I got surprised instead,” ani ng matanda at tumingin kay Isabella.
Napa-titig si Isabella dito at bigla nalang nag-mano. Sa ginawang iyon ni Isabella ay napatitig si Granny sa kanya. Napa-ngite siya dito ng awkward.
Granny couldn’t help but stare at Isabella lalo na’t may kamukha talaga ang bata na ito. Para bang napatitig na siya sa magagandang mata nito noon. “Ikaw ba ang bagong tutulong saakin?” Naka-ngiteng tanong ni Granny.
“Opo,” tumango si Isabella dito.
Napangite ang matanda. “Kung ganoon, ay mag-hapunan ulit tayong lahat sa iisang lamesa!”
Lilian’s eyes widened in surprised. “Mama! Hindi po para sa mga katulong ang aking mamahaling—“
Tinaasan lang ni Granny ng isang kamay si Lilian at hindi na ito nakapag-salita pa. Bago paman umalis si Isabella ay binelatan na muna niya si Clifford. Hindi nagpahuli ang binata’t inirapan niya din ang katulong nila.