Kinabukasan ay nag-pasya si Clifford na gumising ng maaga para maglambing sa kanyang great grandmother. Ito lang kasi ang nakaka-intindi sa kanya. Kagabi kasi’y hindi sila nakapag-usap.
Nakasanayan na niyang hindi kumakatok sa kwarto ng kanyang great-grandma at agad pumasok. Kadalasan ay nakabalot talaga ng kumot ang kanyang lola kaya napa ngite siya. Agad siyang tumabi dito sa kama na parang isang bata at niyakap pa ito.
“Buenos días, bisabuela!” Bati ni Clifford at dahan-dahang kinuha ang kumot. He frowned the moment the blanket were off Isabella. “What the heck are you doing in here?”
Agad namang inimulat ni Isabella ang kanyang mata at nang makita na si Clifford ang nasa harap at nakayakap pa sa kanya’y agad niya itong tinadyakan. Napa-upo agad si Isabella. “Sabi na nga ba at minamanyak mo ako! Oh lumapit ka na talaga!”
Clifford breath out sharply, glaring at Isabella. He can’t believe this! Umagang-umaga at nang-gugulo na agad ang babaeng ‘to!
“Hindi nga kita minamanyak! I just thought you were bisabuela!” Clifford defended himself.
“Bisabuela ka jan! Wala namang—“
“Bisabuela means great-grandmother! You’re just stupid!” Sigaw ni Clifford. “Mga wala kasi kayong pinag-aralan!”
Sasabat pa sana si Isabella nang biglang pumasok si Granny.
“Clifford! You don’t speak to her like that!” Granny yelled at her great-grandson. “I’m sorry, Isabella.”
Napayuko si Clifford habang si Isabella naman ay nagulat dahil nag-sorry sakanya ang matanda. Naging maamong tuta tuloy si Clifford.
“Bisabuela, why is she here?” naka-kunot ang noong tanong nito.
“Oh that! We were talking and we’ve fallen asleep,” natatawang ani ni Granny.
“Uhm, lola, punta na po muna ako sa baba ha? Tutulongan ko pa po kasi sina Nay Corazon po,” nahihiyang paalam ni Isabella.
Napaisip naman agad si Clifford, sa bisabuela niya’y maamo ito at gumagalang samantalang sakanya ay para itong inahing manok na sugod ng sugod.
“Sige, hija. Thank you so much for keeping me company.”
“Walang anuman po iyon,” Isabella giggled na muntik ng ikinasuka ni Clifford.
Nang makalabas si Isabella ay nahiga si Clifford sa kama. “Bisabuela, why are you so good to everyone? They might take advantage of you.”
Granny sighed. “Bisneito, ilan ulit ko ba ito sasabihin saiyo? Hindi lahat ng tao ay masasama. Oo, may mga taong ganyan pero karamihan ay hindi. You just have to find the right person or people.”
Clifford made a face. Even his dad isn’t a good person. Kapag umuuwi ang kanyang magulang ay parang aso’t pusa ang mga ito. Then he learned na kaya pala ganon kasi nag-loloko ang kanyang ama. His dad was always away and nowhere while his mom, nandyan nga minsan, tinuturing naman silang wala unless may kailangan ito. It made him hate almost everyone.
“There is no right person, bisabuela.”
Nag-didilig si Isabella nang makita niyang umupo si Gwen malapit sa kanya. May dala itong sketch pad at mga crayola. Dahil sa hindi din mag-kasundo si Gwen at Isabella ay hindi nalang niya ito pinaki-alaman.
“Are you and Granny close?” biglaang tanong ng bata kay Isabella.
Napalingon si Isabella dito at nakitang hindi ito nakatingin sa kanya. “Hindi naman. Ako lang kasi ang inatasan na makinig sa mga kwento niya habang nandidito siya.”
“How about Clifford? Does he open up to you?”
Itinigil ni Isabella ang pag-didilig atsaka tumabi sa bata. Napapansin niya din kasing hindi close si Clifford at Gwen kahit magkapatid sila. “Bakit? Natatakot ka bang aagawin ko sila saiyo?”
Napatingin si Gwen sa kanya. Walang kahit ano mang ekspresyon sa mukha nito kundi ang lungkot. “They’re not close with me,” mapait na sabi ng bata atsaka nagpatuloy sa pag-guhit. “Clifford hates me and I think everyone does.”
“Me don’t hate you,” ani agad ni Isabella at nag stretch ng kamay. “Oo minsan ang sarap mo na sapakin kaso naiintindihan ko naman na bata ka kaya—“
Hindi natapos si Isabella nang bigla nalang siyang niyakap ng bata at umiyak ito sa kanya. Ikinagulat niya ang pag-iyak nito. Naalala niya tuloy ang mga anak ng Ma Genna niyang sakanya sumusumbong pag inaaway ng kapit-bahay.
Hinagod niya ang likod nito. “Tahan ka na ha? Sa tingin ko ay hindi ka naman nila hate, malalayo lang talaga ang inyong mga kalooban sa isa’t-isa.”
Nang hindi mag-salita ang bata ay nagpatuloy siya, “Alam mo saamin sa munting bahay ni Ma Genna ko, hindi isa-isa ang kwarto kaya malalapit kami sa isa’t-isa. Pwede mo naman kausapin sina Nay Corazon at ang iba pa. Mababait naman sila.”
Humikbi si Gwen at napatingin kay Isabella. Pinunasan naman ni Isabella ang mga luha ng batang babae. “Dito na ako makikitira kaya pwede mo akong kausapin, kahit anong oras.” Nginetian niya ang bata.
Napatingin si Clifford sa kanyang kapatid at Isabella, nagsalungat agad ang kanyang kilay. Papunta sana siya sa garahe para sa kanyang kotse nang mapadaan sa dalawang babae kaya napahinto siya. He didn’t like what he was seeing so he strode towards them.
“Gwen,” tawag niya sa kapatid.
Naputol naman ang pagd-drama ng dalawa. Gulat na gulat na tumingin ang dalawang babae sa kanya. Tiningnan niya ng masama si Isabella and then to Gwen.
“Why are you befriending a stupid maid?” Galit na tanong ni Clifford.
Napayuko lang dito si Gwen. Pagdating kasi sa kanyang kapatid at ang pamilya nito ay hindi siya nakakapalag. Mga katulong lang ang alam niyang tarayan.
“Bakit ka ba nakiki-alam kung sino ang gustong kaibiganin ng kapatid mo?” Sabat ni Isabella.
Clifford shifted his gaze at her. “Bakit ka ba nag-mamarunong? Bisabuela might like you but you’re still trash just like Gwen and the others.”
Narinig ni Isabella ang paghikbi ni Gwen kaya’t lalo siyang nagalit kay Clifford. “Sarili mong kapatid ginaganyan mo? You!—“ Heto nanaman at wala nanamang masabi si Isabella. “Buang!” Sigaw niya nalang at inirapan si Clifford sabay hatak kay Gwen palayo.
Nang mawala ang dalawang babae sa paningin ay napa-isip si Clifford. “Buang? What the heck is buang?” Tanong niya sa sarili’t nag-patuloy sa paglalakad.
Gabi na nang makabalik si Clifford sa kanilang mansion. Sa hagdanan ay nakita nanaman niyang nakatulog si Isabella sa gilid ng hagdanan gaya noong unang gabing nakita niya ito. Kung noon ay tinapik niya ito, ngayon naman ay nakabuo siya ng masamang plano.
Kumuha siya ng marker at dahan-dahang isinulat ang ‘buang ako’ sa noo ni Isabella. Isa itong heavy sleeper kaya hindi madaling magising. Napa-angat ang isang sulok ng bibig ni Clifford nang matapos siya.
Mag-dadalawang linngo pa lamang dito ang babaeng ‘to pero kung umasta akala mo’y walang makakapaalis sa kanya. Npatitig dito si Clifford, sa tingin niya ay ibang lahi ang tatay nito lalo’t may kagandahan din ang babae. Ang hindi niya maintindihan ay bakit nandito ito, baka iniwan ng nanay at tatay, he shrugged.
“Then what do you mean by family?” mahinang tanong niya.