pNang magising si Isabella ay akala niya umaga na, iyon pala maga-ala una pa pala. Inaantok pa siyang pumunt sa harap ng pinto ni Clifford at nang naka-lock na’y pumunta na siya sa maid’s quarter at doon mahimbing natulog.
Kinabukasan ay nag-kulang siya sa tulog. Pikit-pikit pa ang kanyang mata nang pumasok siya sa banyo para sana maligo. Nang makita ang mukha sa salamin ay nawala agad ang antok niya. Nabasa niya ang nakasulat kaya napa-sigaw siya sa inis.
Naka-smirk na binati ni Clifford ang kanyang pamilya sa hapag. Nagulat naman dito si Granny at pati na din si Lilian. Minsan lang kung sumabay sa kanila si Gwen kaya himala na sumabay din ito.
“What a wonderful morning, my great grandchildren are here,” masayang sabi ni Granny.
“I had a good night,” Clifford smiled.
Nang ilabas na ang mga pag-kain at isa si Isabella sa nag-serve ay napatawa si Clifford. Naka-bandana kasi ito sa ulo kaya hindi niya maiwasan ang hindi ngumite. Lalo na’t nakakapatay ang titig nito na may halong pang mumura ang bibig nitong parang pwet ng manok.
“Isabella, why are you wearing that?” naka-kunot noong tanong ni Granny.
“Ah, this nothing. My head is bump on the wood by the door.” May kasunduan kasi si Granny at Isabella na kapag tatanongin siya ni Granny ng Ingles at sasagot din siya ng Ingles.
Mas lalong tumawa si Clifford dito na ikinabigla na naman nila. Hindi palatawa at hindi pala ngite si Clifford kaya nakakagulat talaga sila.
“I’m sure it isn’t that big of a bump, yeah?” tanong ni Clifford.
Tinitigan lang ni Isabella si Clifford ng masama. At nang sa lalaki na mags-serve malapit ay nakuha pa niyang bumulong kay Clifford, “Mabilaukan ka sana.” At tumawa lang ang lalaki.
Matapos ang agahan ay nag-pasya si Clifford na kausapin ang dalawang matanda tungkol sa paglipat niya sa isang condo.
“I told you, Clifford. Kung gusto mong tumira sa isang condo then Isabella has to be with you!” Sigaw ni Lilian.
“Are you serious? A boy and a girl in the same room, do you think nothing will happen?”
“Knowing you, Clifford, you’re not interested in poor people especially ang mga katulong! You don’t want your father’s mistake to happen to—“
“Lilian!” Pag-putol ni Granny sa kanyang anak. “There was nothing wrong with what Jake did! The only ones at wro—“
“Bisabuela, let’s not talk about dad’s mistake,” ani ni Clifford at galit na tumitig kay Lilian. “Fine! I’ll live with Isabella, and if something wrong happens then don’t blame me.”
Walang paalam at agad na lumabas si Clifford. Timing naman na palabas siya sa bahay ay papasok si Isabella. Napahinto silang dalawa sa pag-lalakad atsaka napa-glare sa isa’t-isa.
“Go change, stupid! We’re going somewhere,” utos ni Clifford’t atsaka lumabas agad.
“Anong problema non?” tanong ni Isabella habang papunta na sa maid’s quarter nila.
Nag-bihis siya’t nagdadabog nang maabutan siya ni Corazon. “Saan ka pupunta’t naka-bihis kang ganyan?”
“Ewan ko po kay Clifford, Nay. Bigla nalang akong sinigawan sabi magbihis at pupunta kaming somewhere daw,” sagot ni Isabella.
Nag-alala naman agad si Corazon. “Mag-ingat ka ha? May dala kabang pera jaan? Alam mo naman ang address natin diba at papaano makabalik dito?” Ang ibang maid kasi iniiwan lang ni Clifford kapag nag-papasama ito.
“Opo, Nay. Huwag ka po mag-alala. Kabisado ko na po, Nay.”
Nang makita na ni Clifford ang nakaka-inis na mukha ni Isabella ay tumayo na siya. “What took you so long? And what’s that?”
“What’s ano? Ang alin?” kunot noong tanong ni Isabella. Tinuro niya ang bandana, “Ito ba?”
“No, stupid! Iyang damit mo! What the heck is that?”
“Edi damit!”
“Where did you buy that! That looks like trash!”
“Luh! Grabe ka! Hindi mo ba alam ukay-ukay ‘to! Mga branded din naman ang nasa ukay-ukay ah!”
“Go change with something else!” Utos ni Clifford. “I don’t want any trash in my car!”
“Tsk! Wala ka bang tuwalya nalang or kurtina para upuan ko’t hindi ma-dirty ‘yang kotse mong ewan ang porma!”
“Well, why don’t you get a blanket or something!”
Nagdadabog na umalis si Isabella para kumuha ng covers. Ang arte-arte ng lalaking ‘yon, isip ni Isabella. Nilabhan na nga ang damit, madumi pa din? Ang arte talaga!
“Ito na po, sir!” mataray na sigaw ni Isabella nang makabalik na siya.
“Anoh pa hinihintay mo? Cover the seat!”
“Ito na nga oh!” Isabella mocked.
Tapos ay na-upo na ito. Napa-isip siyang para yatang tanga si Clifford.
“Seatbelt,” ani ng lalaki.
Dahil mataas din ang pride ni Isabella ay hindi siya nagpatulong. Para tuloy siyang tae, hindi niya alam kung paano ba ang seatbelt. Hinila niya ang strap at sa pagitan ng strap ipinasok ang kanyang ulo at katawan. Hindi man lang ipinasok ang buckle sa latch kaya napa-face palm sakanya si Clifford.
“Why are you so dumb?” he asked frustratingly at her.
“Hind ba ‘to ganito?”
Halata sa mukha ng katulong niya na hindi ito nagbibiro kaya napa-buntong hininga siya. Lumapit siya dito’t inalis ang maling pag-kalagay ni Isabella.
“Ganito mo gawin,” ani ni Clifford at idinemonstrate kay Isabella kung papaano. “That’s how you should do it.” Napa-titig pa sila sa isa’t-isa but knowing Clifford, dinedma nalang niya ang sandaling iyon.
Tahimik na nag-drive si Clifford nang ma-curious si Isabella. “Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Look for a space to live in.”
“Magtatanan tayo?”
Agad napahinto doon si Clifford. Buti nalang talaga at naka-seatbelt si Isabella kundi ay lumipad na talaga siya.
Tiningnan agad siya ni Clifford na nandidiri. “Are you out of your mind? I don’t even like you!”
“O.A. nito! Joke lang eh! Ayaw din naman kita! Huwag kang feeling!”
“Don’t joke like that again.” He threw her a dirty look and then continues to drive.
Napa-isip nalang si Isabella, napaka moody pala ng lalaking ‘to. Kung kanina sa hapagkainan ay tumatawa ngayon naman parang ikakamatay niya ang hindi maging masungit.
Nag-park si Clifford sa parking lot ng isang mataas na building. Namangha agad si Isabella, ang laking hotel naman yata non. Before they get out of the car ay kumuha muna si Clifford ng alcohol.
“Aanhin mo ‘yan? Papahiran mo sasakyan mo?” tanong ni Isabella.
Clifford’s eyes were darted on her. “Lumapit ka at huwag kang malikot.”
Lumapit naman dito si Isabella’t kinuha ni Clifford ang bandanang nasa ulo ng babae at linagyan ng alcohol. Pinunasan nito ang ink sa noo ni Isabella. Oh diba? Kung sinong naglagay siya din ang tatanggal.
Habang pinupunasan ng lalaki ang kanyang noo ay hindi maiwasang mapa-tingin ni Isabella sa mukha ng kanyang amo. Kahit na naka-kunot ang noo nito’y gwapo pa din ito. Iyon nga lang, matapobre, walang galang at masungit ito. Paano kaya pinalaki ‘to? Isip ni Isabella.
Nang matapos ay agad na bumaba si Clifford sabay tapon ng bandana sa mukha ni Isabella. Napa-mura naman si Isabella sa ginawa ng kanyang amo.
“Gago talaga,” bulong ni Isabella nang makalabas.
“Ano ‘yon?”
“Wala! Sabi ko salamat!”
“Ight, halika na.”
Ewan ni Isabella pero feeling niya nang sabihan niyang salamat si Clifford’y hindi na yata ito mapakali. Nauna pa ito sa kanya’t hindi siya sinumbatan.
Dumiretso sila agad sa elevator at first time sumakay ni Isabella kaya nang makita ang mukha sa salamin ay parang tangang nag-wave sa sarili. At noong umandar na’y muntik siyang matumba. Buti nalang at agad nahawakan ni Clifford ang kamay nito.
“Just stay still and quit fooling around. Nakakahiya ka, may closed-circuit television silang ikinabit,” ani ni Clifford at binitawan na si Isabella.
“Ano ‘yon?”
“Video Surveillance.”
“Ano?”
Clifford glanced at her with annoyance in his face. “CCTV Camera!”
Doon na na-gets ni Isabella at napatawa siya ng bahagya. “May mas easy pala eh, ba’t ‘yon sinabi mo? Pinapahirapan mo pa sarili mo.”
“Tch! You’re just stupid!” he yelled, shaking his head.
“Napapa-isip ako, bakit parang ang laki-laki ng iyong problema? Ang sungit-sungit mo.”
Hindi siya pinansin ni Clifford at agad lang itong lumabas nang bumukas ang elevator. Nang hindi lumabas si Isabella ay napalingon ang lalaki. Naghihintay yata ng sagot ang katulong niya, ngunit hindi niya padin ito sinagot at hinila na lang palabas.
“Dito ang floor natin, huwag kang tanga sasara ‘yan kapag hindi ka lumabas,” he uttered.
Habang nag-lalakad ay naka-hawak padin ang kamay ni Clifford kay Isabella dahilan para hindi siya makasagot. Akala niya din kasi ay hindi pa doon ang floor na lalabas sila kaya natulala siya. Ngayon naman na nakahawak siya sa kamay ng boss niya’y hindi niya alam pero napa-ngite siya.
May nakasalubong silang isang sexy na babae at nagulat dito si Isabella nang biglang itinaas ng babae ang kanyang kamay para makipag-handshake. Nang mapatingin na walang balak bitawan ni Clifford ang kamay ni Isabella’y ibinaba nalang ito ng babae.
“Sir, Lefter! Here’s the first option for the condo unit that you described on the phone last time,” ani ng babae.
“I want to take a look first.”
At ayon nga at inalalayan sila ng babae. Ipinakita nito ang unit. May saktong sala siya tapos may kusina din na maliit and then may isang pintuan para sa hall ng dalawang kwarto kaso iisa lang ang banyo na nasa gitna ng mga kwarto.
Hindi na sana ito kukunin ni Clifford kaso ito lang din ang unit na makikita niya ang pagsikat ng araw kasi may full glass window ito. Madali naman ang paalisin si Isabella kaya kinuha niya na ito.
“Doon ka na titira?” tanong ni Isabella nang pasakay na sila sa elevator.
“Us,” munting sagot ni Clifford kaya nagulat siya.
“Tayo?”
“Yes, tayo,” and then he drag her inside the elevator.
“Ano pala ang papel ko’t ba’t mo ako dinala dito? Wala naman akong naitulong,” ani ni Isabella.
Tiningnan siya ng masama ni Clifford. “Para alam mong dito na tayo titira sa pasukan.”
Natulala doon si Isabella. Kung ganon ay para silang mag asawang mga bata pa? Ano ba iyon? Pwede ba iyong ganon? Sila lang talaga dalawa?
“Ofcourse you’re just a maid. Pagsisilbihan mo ako at wala ng iba.”
Doon na hinto ang pantasya ni Isabella. “Alam ko po!” sigaw niya.
When they reached the ground floor at paalis na sa lugar na iyon ay napahinto si Isabella kaya napa-hinto din si Clifford. “What?” he asked.
Nakakita kasi siya ng isang ginang na maraming dala at mukhang mahuhulog na. “Tulungan natin,” she told him.
“Kailangan na nating umuwi, gumagabi na.” Ang tagal kasi natapos ng pinag-usapan nila ng babae about sa condo.
Hinila ni Clifford si Isabella pero nagmatigas ito. “Stupid, if you’re going to help that woman, I’m going to leave you,” he warned her.
Isabella stared at his eyes for moments and then shoved his hand. Agad na tumakbo si Isabella patungo sa ginang at tinullungan nga ito.
Clifford couldn’t believe it and he sighed frustratingly. Nagawa pang ngumite ng katulong niya sa ginang na iyon. “Damn you, Isabella,” he grunted and left the building. There was no way he’d wait for a damn girl!