“Ay hindi ako kampante na sa iisang maliit na unit kayo ni sir Clifford magsasama,” nag-aalalang sabi ni Nay Corazon. “Kung alam ko lang na ganito pala ang kahahantungan, edi sana doon nalang kita pinag-aral saatin eh!”
“Nay, relax ka lang!” Hinilot-hilot ni Isabella ang balikat ni Nay Corazon niya. “Okay lang naman doon, Nay! Wala naman kaming gagawin iba doon kundi ang mag-aral ako habang pinagsisilbihan ang apo ng amo natin. Mabait naman ‘yon minsan, Nay.”
Napa-isip si Corazon sa sinabi ni Isabella. Nagulat nga din siya nang makitang maayos ang dalawa na nakabalik sa mansion. Himala yata na hindi nang iwan ang ubod ng sungit na lalaki.
“Oh sige! Pero kapag may problema at hindi mo na kaya saakin ka lumapit ha? Ayokong nahihirapan ka. Lalo na at pasukan na din. May telepono naman doon kaya huwag kang mag-dalawang isip na tawagan ako.”
“Opo, Nay! Sabi naman ni ma’am Lilian ay bibisita parin siya doon. Atsaka alam mo bang sabi ni Granny po na maski siya din ay bibisita? Mabait po si Granny, Nay!” Naka-ngising sambit ni Isabella.
Napayuko si Nay Corazon na para bang may nasabi si Isabella na mali. Isa-isa kasing bumalik kay Corazon ang nakaraan. Kung alam lang siguro ni Isabella ang dating Granny ay siguradong maiiyak ito sa kalupitan ng matanda.
“May problema ba, Nay?” nag-aalalang tanong ni Isabella.
“Wala naman, hija. Basta bibisita din ako doon minsan, ha? Huwag kang mahihiyang mag-sabi ng problema mo.”
Humalik si Isabella sa pisnge ng Nay Corazon niya na may matatamis na ngite. “Huwag ka po mag-alala, pag ako naka-medalya sa school, ikaw ang magsasabit, Nay.”
Gustong maiyak ni Corazon sa narinig. Habang tumitig siya kay Isabella ay naalala niya ang ina ng bata. Dalaga na ang anak mo, Mariella... natatakot ako baka matulad ito sa kapalarang sinapit mo, isip niya’t naluluha.
“Aba’y sige na at baka pagalitan ka nanaman nong batang masungit,” pinipilit ngumite ni Corazon.
Hinug ni Isabella ang nanay-nanayan niya. “Huwag po kayong mag-alala sa akin. Kaya po ito atsaka babalik at babalik po ako sainyo, Nay!”
Pagkatapos magligpit ni Isabella ay agad na silang lumabas ni Nay Corazon. Kinuha din ni manong Berto ang bag ni Isabella at inilagay sa may trunk ng sasakyan ni Clifford. Bago paman maka-alis ay nagpa-alam na muna sila sa mga matatanda.
“Visit here every now and then, okay?” Ani ni Lilian sa kanyang apo.
Tumango lang si Clifford dito. Para namang sa ibang bansa sila pupunta eh nasa malapit na town lang naman ‘yong lilipatan.
“Bisabuela, we’ll visit you, don’t worry,” nakangiteng sabi ni Clifford at humalik sa pisnge ng great-grandmother niya.
Si Isabella naman ay nag-paalam din kay Granny at ang sabi magsusulat nalang daw sila kahit na makakabisita pa naman sila.
“I thought you were going to stay,” mahinang sabi ni Gwen. Kahit nalulugkot ito’y hindi ito nagpahalata kay Isabella.
“Bibisita naman rin kami kapag walang pasok atsaka pwede mo naman akong tawagan. May nakita akong telepono doon,” Isabella smiled.
Nagulat siya nang yakapin siya ni Gwen. “Salamat sa bracelet. It’s cheap but thanks,” bulong ng bata.
“Stupid! Let’s go!” Tawag ni Clifford kaya nag-paalam na si Isabella lalo na kay Nay Corazon niya. Kumaway siya sa mga ate niyang katulong atsaka pumasok. As usual ay may cover padin ang upuan ni Clifford.
Nag-bbyahe na sila nang magtanong si Isabella. “Bakit ba kumuha ka pa ng condo? Malaki naman ang bahay niyo. Hindi naman kayo nagk-kita kita doon eh!” Napa-isip din kasi siya, ang unang task niya lang ay si Granny ngayon itong masungit naman ang pagsisilbihan.
“Can you not be so nosy? Stop sticking your nose on someone else’s business,” he sneered.
Nosy? Ano ba ‘yon? Noisy ba ang ibig niyang sabihin? Isip ni Isabella. Natawa ito bigla nang inakala niyang nagkamali ang kanyang boss.
“What the heck are you laughing about?” he asked, frowning. Himbis na tumahimik ay tumawa pa ang katulong niya kaya ayon kumulo nanaman ang kanyang dugo.
“Wala, kasi sabi mo nosy, hind ba noisy?” proud na tanong ni Isabella na bahagyang tumatawa pa.
“Didn’t you know they’re two different words? Where’s your vocabulary? Stupid!”
Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Isabella. Tingin-tingin lang siya sa labas ng bintana habang nasa palad ang mukha. Nalayo nanaman siya sa pamilya niya at ngayon naman ay titira siya kasama ang masungit na lalaki. Hindi niya nga din alam kung magiging okay ba ang pag-aaral niya dito sa Syudad. Sana talaga ay mababait ang mga tao sa papasukan niyang paaralan.
Mahigit isang oras din ang kanilang biyahe kaya napa-tulog si Isabella. Tinapik nanaman ang kanyang mukha ni Clifford buti nalang nagising siya at baka mag-drawing nanaman ito sa mukha niya.
“Umalis ka na!” ani ni Clifford.
Kumunot naman ang noo sa naalimpungatan pang si Isabella. “Ano? Saan ako pupunta?”
“What the heck? We’re here.”
“Tapos?”
“Umalis ka nga!” sigaw ni Clifford. He was getting frustrated at the half awake Isabella. Para siyang nakikipag-usap sa lasing. “Get out!”
Isabella made a face and then yawned. “Lumabas, hindi umalis!” sumbat ni Isabella atsaka binuksan ang pinto. Papalabas na sana siya nang may seatbelt pa pala siya. Tinangal niya ito at bago paman niya isara ang pinto ay tumingin siya kay Clifford na may mapang-asar na mukha.
“Hindi mo ba alam na mag-kaiba ang mga salitang iyon? Where’s your vocabulary? Bobo!” Atsaka niya isinara ng malakas ang pinto.
Na-stuck yata ang utak ni Clifford sa sinabi ni Isabella. No matter how hard he tries to diss this maid sakanya padin bumabalik ang mga salita niya. Napa-smirk siya, iba pala si Isabella kapag ginigising, masungit din.
Dahil nauna bumaba si Isabella ay naghintay ito malapit sa entrance. Magulo ang buhok at makikita sa mukha na kagigising lang, para tuloy itong pinalayas ng magulang.
Dala ang kanyang maleta nilapitan ni Clifford si Isabella. Naka-simangot ang ito at nakakapatay ang titig. Bago paman sila pumasok ay napa-buntong hininga si Clifford’t inayos ang buhok ni Isabella. He tucked some of her hair against her ear and for that her eyes widened.
“Don’t get it wrong, ayaw ko lang na makitang may kasamang aswang,” he muttered and took her backpack. Ayaw pa ito ni Isabella pero hinablot ito ni Clifford kaya wala siyang nagawa.
Gaya noong una silang pumunta doon ay hinawakan din ni Clifford ang kamay ni Isabella. She didn’t say anything but let him drag her. It feels nice, she thought. Siguro ay minsan talaga, nasasapian ang kanyang masungit na amo.
Pag-pasok nila sa unit nila’y maayos na agad ito. May mga bagong gamit na siyempre ipinalagay ni Lilian bago paman sila lumipat. Bukas ay pasukan na nila kaya hindi naman rin sila gaanong mag-kikita lalo na’t magkaiba sila ng school.
“This is your key,” ani ni Clifford sabay hagis kay Isabella ng card key, buti at nasalo nito. “Don’t bother me or I’ll kick you out. Also, don’t cook for dinner. I’ll get grab food.”
“Okay,” matipid na sagot ni Isabella.
Nang matapos ang usapan ay sabay silang pumasok sa kani-kanilang kwarto. Nawala agad ang antok ni Isabella nang makita ang view sa kwarto niya. Ang ganda nito kaso pag dumungaw siya, kahit may glass ay nanginginig ang kanyang tuhod kaya isinara niya ang kurtina.
“Ang gara naman yata nito para sa isang katulong,” komento ni Isabella at nahiga sa malambot na kama.
On the other hand, Clifford was staring at what’s outside his full length glass window. This is what he wanted and now he has it. A peaceful life and him on his own without any dis—
Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang malakas na tunog galing sa kwarto ni Isabella. He rushed outside and opened her door. Kinabahan siya kung ano ang dahilan ng tunog at nang makita si Isabella na nasa sahig ay kumunot ang noo nito.
“What the heck happened?”