Napahawak si Isabella sa kanyang ulo, pinipigil niyang hindi maiyak. Kasi naman na-excite siya sa ganda ng kanyang kwarto kaya nagpagulong-gulong siya’t sa hindi inaasahan ay nahulog, nauna pa ang kanyang ulo.
“Nahulog ako,” she cried.
“Ang tanga mo kasi!” komento ni Clifford. Lumabas siya sa kwarto ng babae atsaka tumungo sa kusina. Kumuha siya ng ice at inilagay sa panyo saka siya bumalik.
Doon naabutan niyang umiiyak padin ang katulong niya. He moved closer to her putting the cloth with ice on her bump. “Huwag ka malikot. Tatanga-tanga kasi,” he remarked again.
“Eh masaya ako, ngayon lang ako naka-kwarto ng ganito!” she reasoned out.
Clifford just shook his head. Kinuha niya ang kamay ni Isabella at pinahawakan ang panyo. Tinitigan niya ang dalaga atsaka pinunasan ang luha nito. Yeah, he hates her but then he has a soft heart when it comes to a crying lady.
“Next time, don’t fool around like that,” he muttered. “Parang ako na yata nagiging maid mo.” Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo ito’t tumalikod.
“Salamat!” Sambit ni Isabella bago paman maka-alis si Clifford sa kanyang kwarto. Walang sinabi si Clifford at nagpatuloy lang sa pag-alis.
Alam naman ni Isabella na may tinatago din na kabaitan ang binata. Lalo na doon sa night market, it was proof na mabait ito kaso may problema lang yata ito. Kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang? She wasn’t sure but she’s sure about Clifford being a good man.
Kinagabihan ay tinawag siya ni Clifford para mag hapunan. Umorder ito ng pagkain sa Jollibee atsaka drinks na din, may sundae pa. Ang weird para kay Isabella na sila lang dalawa ang kumakain kaso nang matikman niya na ang chicken ay na-focus nalang siya sa pagkain.
Habang kumakain, Clifford can’t help but notice how happy Isabella was eating. Manok lang, masaya na ang babae? Ang babaw naman yata ng kaligayahan nito, isip ni Clifford.
The longer he stares at her, the more he wanted to be as happy as her. Parang walang problema ang babaeng ‘to kahit hindi pa sure ang kinabukasan nito. What does it take for a person to be truly happy?
Habang nag-space out si Clifford ay napatingin si Isabella dito. Nang mapansin niyang wala ito sa earth ay kumuha siya ng fries atsaka ipinasok sa bibig ni Clifford na ikinagulat nito.
“What the—“
“Kumain ka! Bawal mawala sa mundo kapag pag-kain na ang nasa harap mo!” Pag-putol ni Isabella. She took some meat out of her chicken, dip it in the gravy and feed it to Clifford. “Huwag kang maarte, naghugas ako ng kamay.”
Ayaw ito ni Clifford pero kusa nalang bumuka ang kanyang bibig at nginuya ang karne ng manok. He was frowning while chewing it.
“Oh diba? Masarap kapag may kasama kang kumain. Sainyo kasi dinner lang kayo sabay-sabay. Minsan pa’y hindi ka pa kumakain!”
“Bakit? Sainyo ba, kailangan sa lahat ng oras sabay?”
“Kami ng lola ko noon, oo. Noong elementarya ako aba hinahatiran niya ako ng pagkain sa tanghalian. Ang bait-bait ng lola ko atsaka...” napahinto si Isabella nang ma-alala niya ang kanyang lola.
“Atsaka ano?” He asked. Alam niyang may namumuo ng luha sa mga mata ni Isabella pero pinili niya padin itong tanungin.
“Atsaka namimiss ko siya.” Ngumiti si Isabella kay Clifford habang pumatak ang kanyang luha.
Clifford saw the look on her face and felt bad. Kahit din pala ang masayahing kagaya ni Isabella ay nalulungkot din. Para hindi tumuloy ang iyak ng dalaga ay kumuha si Clifford ng fries atsaka ipinasok sa bibig ni Isabella.
“Oh, kumain ka ng marami para hindi ka umiyak. There’s no point crying at this rate,” ani ni Clifford. “Bumalik ka sa lola mo kapag bakasyon,” dagdag pa niya.
“Talaga! Babalik ako sa lola ko!” Isabella told him and sniffed.
Napangite nalang si Clifford na hindi inaasahan ni Isabella. Maski siya ay nagulat din dahil ngumite siya. Agad naman niya itong binawi.
“What you looking at?”
“Ngumite ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Isabella.
“No!”
“Ay! Kala ko ngumite ka, nakakatakot kasi eh!”
Clifford’s face fell deadpan. He was ready to kill his maid and so he dip his finger in the ketchup and put some on Isabella’s face. He smirked, “I think you’re better with whiskers.”
Akala ni Clifford ay gaganti si Isabella but then she didn’t. Instead she stared at his grin and smiled on her own. “Ayan! Ganyan ka dapat. Ngumite ka at nang gumwapo ka naman,” she stated.
“Tch,” Clifford scoffed. “I really don’t like you. I hate your face, your smiles, your—Everything about you,” he honestly stated.
“Talaga?” May panghahamon ang boses ni Isabella. “Baka kasi, naninibago ka lang kasi wala ka pang natagpuan na kagaya ko. Iyong pinapansin ka’t sinasagot ka.”
Clifford thought about what she said and she might be right. He crossed his arms and leaned forward to her. “I think, you’re just really trash and an eyesore.”
Ito namang si Isabella ay inilapit din ang sarili sa table kaya ang mga mukha nila’y malapit-lapit na sa isa’t-isa. They were both narrowing their eyes at each other.
“I think, you—“
Ito nanaman at wala nanamang masabi si Isabella.
“I what?” Panghahamon ni Clifford na naka-smirk.
Tuwing umaangat ang isang sulok ng labi ni Clifford ay mas gumagwapo ito. Hindi batid ni Isabella pero napatitig siya sa mapupulang labi ni Clifford. Nang ma-realize ang ginawa ay napalunok siya’t napatingin sa gilid.
“Wala! Nakalimutan ko na!” Sigaw niya’t umatras. She was intimidated by that smug look on his face. Kung sana ay mabait ang lalaking ‘to edi nagka-crush na ako noon pa, isip ni Isabella.
“Isabella.”
It was as if a reflex thing and she turned to face him. And when she did, her eyes widenened. Ang lapit na kasi ng mukha ni Clifford sa kanya.
“You’re turning red, are you alright?”
Nang hawakan ni Clifford ang kanyang noo ay biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Hindi maari! Sigaw niya sa kanyang utak. Mahigit dalawang linggo pa niyang kilala si Clifford, hindi dapat ganito ang kanyang puso.
“Hindi pwede!” Biglang sigaw ni Isabella kaya nagulat si Clifford.
“What?” naka-kunot noong tanong ng binata.
“Wala! Uhm... naiihi ako. Balik lang ako!”
Before he could do something, she stand up and strode towards the bathroom. Nang nasa loob na siya’y sinampal sampal niya ang kanyang ulo. Bakit ba kasi nag-babaitan sa kanya si Clifford?
“Hindi iyon totoo, Isabella!” Sigaw niya sa sarili. Yes, minsan ay mabait nga si Clifford but most of the time, he’s a demon! “Katulong ka lang! Kumalma ka! Isipin mo si Nay Corazon at ang kanyang mga habilin!”
Nag-breath in and breath out si Isabella saka siya tumingin sa salamin. Oo nga’t namumula siya. “Nagulat ka lang kasi malapit siya! Wala kang dapat maramdaman! Nagulat ka lang,” pagkumbinsi niya sa sarili.
Habang nasa banyo si Isabella ay napakagat sa kanyang labi si Clifford and then he smirked. It is easier for him to get rid of this girl kung gaganonin niya ito. The more she feels confused, the more she’d be restless and sure leave. Kung susungitan niya kasi ito’y lalo lang hindi aalis ang babae.
Nang makabalik si Isabella’y hindi ito tumingin sa kanya. Siya na lamang ang gumawa ng galaw para subukan ang kanyang theorya. Lumapit siya dito.
Si Isabella naman ay na-weirdohan. She looked at him with her brows knitted. “Ano ba ‘yang ginagawa mo? Para kang tanga!”
“I’m just sitting beside you,” he answered keeping a smirk on his face. He was trying his best to intimidate her. Pero nang tumitig din sa kanya si Isabella, he felt like someone touched his cold heart.
Hindi niya nakayanan kaya napatingin siya sa gilid at kumuha na lamang ng fries. Hindi niya pinapahalata but his heart actually raised.
“Excited ka ba bukas?” tanong ni Isabella habang nag-liligpit na siya sa kanilang mga kinain.
“No.”
“Wala ka sigurong kaibigan noh kaya hindi ka excited!”
“What’s exciting about highshool? Full of melodrama, it’s insane!”
“Siguro,” she shrugged. “Siguro ganon kapag sa mayayaman ka na eskwelahan.”
Clifford then glanced at her. “Ikaw ba? Are you really excited? You don’t even know anyone here.”
“Eh maganda nga din ‘yon kasi pwede mong baguhin ang mga nakaraan mo. Dito sa bagong paaralan walang nakaka-alam na natae ako noong grade two ako.”
“Na-tae ka?” He asked, slightly laughing at her.
“Oo kaya! Ikaw hindi?”
Then Clifford shook his head side to side while laughing kaya nadama ni Isabella ang konting hiya. She shrugged it off pero halata padin sa mukha nitong nahiya ito. Hindi ba normal iyon?
“Normal naman iyon kasi bata pa ako!” Depensa niya sa sarili.
“Second grade and you poop your pants,” he mocked, shaking his head.
Napa-tch naman si Isabella at minabuti ng hindi pansinin ang lalaki. Matapos silang mag-hapunan ay wala na silang ginawa kundi ang pumunta sa kani-kanilang kwarto.
Si Isabella ay naghahanda ng kanyang mga gamit habang si Clifford naman ay tumitingin lang sa labas ng kanyang bintana. The stars were twinkling peacefully tonight, he thought.
Ngi-ngite na sana siya nang maalala ang kanyang mga magulang na nag-aaway. Here goes the flash backs again and his breath heaved. It was all his parents fault na nag-kaganito na siya. Hindi niya na napigilan at agad siyang lumbas sa kanyang kwarto at umalis sa kanilang unit ng walang alam si Isabella.