Malapit ng mag-ala una nang magising si Isabella sa malakas na tunog. Agad siyang napamulat na akala’y binaril siya sa panaginip niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at bumangon. Papunta na siyang kusina nang mapansin ang naka-handusay na si Clifford.
Nilapitan niya ito at napasinghap nang may ma-apakan siyang matulis. Hindi niya kasi binuksan ang ilaw at ang tanging nagbibigay liwanag nila ay ang ilaw sa hallway papuntang kwarto nila. Dali-dali siyang umatras. She took out the broken glass which was embedded in her skin, not minding the pain. Agad namang din niyang binukasan ang ilaw.
Lumaki ang kanyang mata nang makita ang rami palang basag na salaming nakakalat. Isa na dito ang kanyang naapakan. Hinayaan niya muna si Clifford at niligpit ang kalat lalo na ang matutulis na salamin galing sa vase. Hindi man lang niya ginamot na muna ang paa.
Tinulungan niya si Clifford na makatayo ngunit itinulak lang siya ng lalaki. “Get off!” Clifford yelled. “People like you ruined my damn family! You stupid ass maids! You home-wreckers!”
Alam ni Isabella na lasing si Clifford lalo na’t nangingibabaw ang baho ng alak. “Huminahon ka na muna. Bakit ka ba uminom? May pasok tayo bukas! Atsaka okay ka naman kani—“
“I’m not okay!” sigaw ni Clifford. “I’m never okay because of trash like you!”
The more Isabella stares at Clifford the more she feels concerned about him. Umiiyak na kasi ito at wala man lang siyang magawa. Hindi niya naman alam kung anong problema pero alam niyang kulang nga ito sa pag-mamahal. Kahit tinataboy na siya ni Clifford ay pinili niyang yakapin ito.
“Lahat naman tayo may hindi okay sa buhay eh,” she told him, her eyes filled with waters. “Nasa atin lang naman kung magpapa-apekto tayo sa nakaraan at problema.”
Clifford was sobbing. He could only feel her warm hug and he thought it was his mother embracing him. “I’m sorry mom. I’m sorry dad couldn’t love you because of her. I’m sorry you had to seek someone’s embrace and that f*****g Gwen came!” he stopped and hugged her even tighter. “It’s all dad’s fault and his other woman!”
Hinagod ni Isabella ang likod ni Clifford. “It’s okay, it’s okay.” Hindi niya alam ang sasabihin. Sabi na nga ba’t kaya ito masungit ay may tinatago ngang mga sakit na alaala si Clifford.
Ilang minuto na ang lumipas at huminahon na din si Clifford. Mabigat ang lalaki kaya hindi niya ito dinala sa kwarto kundi sa couch lang niya pinahiga. Kumuha siya ng kahit anong malalim na lalagyan at baka sumuka ang lalaki.
Nang maupo na siya ay saka na lamang siya nakaramdam ulit sa sakit ng kanyang paa. Nataranta kasi siya kanina kaya hindi niya madama ang sakit. Tumayo nanaman siya’t hinugasan ang sugat saka nilagyan ng panyo na iniwrap lang. Nag-dudugo parin kasi kaunti.
Bumalik siya sa upuan na nasa gilid lang kay Clifford at tinitigan ang lalaki. “Ang gulo mo rin. Masungit, mapag-laro, bumabait, at eto naman lasenggero... Ano pa ang hindi mo naipapakita?”
Nang mag-alas tres na ay tinamaan na ng antok si Isabella’t naka-tulog na nga ito sa upuan.
Nauna gumising si Clifford kesa kay Isabella. Sumakit pa ang ulo nito kaya napasinghap siya while leaning against the sofa. He turned to the side and saw Isabella sleeping with her mouth open. Inalala ni Clifford ang nangyari pero ang huling natandaan niya’y bumagsak siya.
Kahit mabigat ang ulo ay tumayo siya’t nag-stretch. Papunta pa siyang kusina nang makita ang sahig na may bahid ng dugo. Chineck niya ang sarili pero wala naman siyang sugat kaya bumalik siya kay Isabella at nakita ang paa ng babae. Naalala niyang may vase pala siyang nahulog.
“I’m sorry,” he whispered atsaka bumalik sa kusina.
Siya ang nag-luto ng agahan nila. Napatingin siya sa oras at nang makitang hindi na talaga sila makaka-abot sa unang araw ng pasukan ay isinawalang-bahala niya nalang ito. May excuse naman si Isabella, isip ni Clifford.
Matapos magluto at maghanda ay bumalik siya kay Isabella. She was peacefully sleeping kaya napatitig si Clifford. It would be such a shame kung gigisingin niya ang magandang katulong. Gaya nga ng sabi niya dati ay mukhang may foreign blood ang kanyang maid kaya maganda nga ito. Hindi naman sa importante kay Clifford ang labas na kagandahan, it’s just he can’t help but notice.
Nang gumalaw ng kaunti si Isabella ay agad inilayo ni Clifford ang mukha. Tinapik niya ang matatabang pisnge ni Isabella. “Hey! Stupid! Breakfast is ready!”
“Hmm?” she groans and stretched. “Ano ba?” dagdag pa nito kahit na hindi pa masyadong nasa mundo ang utak.
“You said the food is more delicious when you eat with someone. So, let’s eat breakfast together.” Hinila ni Clifford patayo si Isabella.
“Aray!” sigaw ni Isabella’t parang napilay. Masakit kasi pag inaapak ang kanyang sugat kaya napa-yakap tuloy siya kay Clifford. “Pasensya na, nakalimutan ko may sugat pala ako.”
“I’m sorry... about last night,” he apologized habang nai-ilang. “For the mess and you got—“
“Iyong totoo? Okay ka lang ba talaga?” Naka-ngiteng tanong ni Isabella kaya napa-kunot ang noo ni Clifford.
“What?”
“Okay lang saakin ‘yon. Responsibilidad ko naman ang kalagayan mo kasi katulong mo ako.”
The cheeky smile on Isabella’s face made Clifford’s heart jump. He never knew the metaphorical description of spring was true until her hair starts blowing and her face lightened up.
“Hoy!” She snapped. “Kain na tayo?”
Nagising naman si Clifford and looked everywhere. “Yeah,” he muttered as he swiftly lift her off the ground. Isabella’s eyes widened while Clifford’s were calm.
“Hoy ibaba mo ako!” she yells.
Hindi siya pinansin ni Clifford at kinarga patungo sa kanilang kusina. Ibinaba niya lang si Isabella nang nasa harap na ng upuan ito.
“I don’t know if these food are fine but... it’s all I know how to cook.”
Ngumite naman si Isabella. Napa-isip tuloy siya na para silang mag-asawa talagang bagong kasal. Hindi man lang niya na-isip na first day pala ito dapat ng pasukan.
“Let’s start over.”
Napa-angat ang ulo ni Isabella at napa-titig kay Clifford.
“Huh?”
“Let’s start over, Isabella.” Nang makita ni Clifford na hindi talaga na kuha ni Isabella ay nag-patuloy siya. “Mag-simula tayo ulit. I was so rude to you.”
“Ayoko,” sambit niya na ikinagulat ng binata. “Nakita ko na ang iba’t-ibang ikaw sa mahigit dalawang linggo palamang. Alam ko mayroon pang iba jaan pero ayaw kong kalimutan ‘yong Clifford’ng ‘yon. Ipagpatuloy nalang natin ang nasimulan.”
“You never fail to surprise me,” Clifford smiled. “But I might have to surprise you now.”
“Ano ibig mong sabihin?” Bahagyang naka kunot ang noo ni Isabella.
“We missed the first day of 12th grade.”
Lumaki bigla ang mga mata ni Isabella. Unti-unting pumasok sa kanya na oo nga pala at ngayong araw ang—
“Paano na ‘to? Hindi ba tayo papasok sa hapon? Kahit mag-half day nalang tayo?”
“Kumalma ka. I’ve contacted your school and they understand why you can’t go,” sagot ni Clifford.
“Eh pano ka?” Worry flashed on Isabella’s face and Clifford just smiled.
“Ba’t ka ngumi-ngite?”
Bakit nga ba siya naka-ngite? Eh kasi he never saw someone worrying for him as worried as Isabella is. It made him smile how he thinks he might have found the one to help him that Granny always told him would come.
“I’m just glad you chose to come along,” he beamed and started eating.
“Ano?” she asked but never got a reply. Hindi niya talaga maintindihan si Clifford, kasi bigla nalang bumait at hindi lang iyon, nagiging ngiti-in nadin ito which was good but then weird.
Pagkatapos nilang kumain ay si Clifford din ang nag-hugas ng kanilang pinag-kainan. Nang matapos siya ay pumunta siyang sala. Nakita niyang nakatulog nanaman si Isabella sa upuan at naka-nganga nanaman ito.
Umupo siya sa upuan na katabi kay Isabella at napatitig nalang dito. He never stared at someone like how he stares at Isabella. Was this some kind of feeling? Or just the surprise that she came all of a sudden?
Nagulat nalamang si Clifford nang biglang imulat ni Isabella ang kanyang mata. Kagaya kay Clifford ay lumaki din ang mata nito at bahagyang naka-bukas ang bibig. Napatingin din saglit pababa sa mapupulang mga labi ni Isabella si Clifford. He’s a guy at natural lang na—
Napapikit nalang si Isabella nang biglang inilapit ni Clifford ang kanyang mukha at ang tanging nadama nalang ni Isabella ay ang malalambot na labi ni Clifford na nakadampi sa kanya. Biglang hindi siya maka-hinga at parang sasabog ang kanyang dibdib.
Ilang segundo lang din ang halik na iyon at napatitig na ulit si Clifford sa mga mata ni Isabella while nibbling his bottom lip. “It must’ve been hangover,” he looked down at saka din umatras.
Nanatili si Isabella sa kanyang pwesto. Hindi siya makapaniwalang hinalikan siya ni Clifford kaya napahawak siya sa kanyang labi. What the heck was that? Bigla yatang nag-new year ang kanyang ulo’t wala siyang narinig.