Chapter 08

1777 Words
Dalawang linggo na din ang lumipas simula noong lumipat silang dalawa sa condo unit. Todo ang kanilang iwasan dahil sa nangyari at hindi din sila naka-bisita sa malaking bahay noong nakaraang weekend kasi ang rami nilang hinahabol noong nag-absent silang dalawa. “Stupid!” tawag ni Clifford kay Isabella. Kung akala niyo ay dahil nagka-halikan sila’y hindi na sila nag-aasaran ay nagkakamali kayo. Ngayon ay halos sa tuwing nagkikita na yata silang nag-sasagutan dalawa. “Bakit?” nakakunot noong tanong ni Isabella kay Clifford. “I told you to toast me bread. Now, where is it?” “Luh! Sabi mo kaya saakin huwag na lang!” “I never said that!” “Edi gagawa nalang ako! Mag-hintay ka!” At ayon nga’t nag-hintay si Clifford sa sala. Hindi na niya kayang makipag-close kay Isabella. Alam niya na kung gaano ka mapanganib ang mga babae. Girls will innocently drive you crazy with just their daring eyes. Nang-hihypnotismo ang mga mata ng kababaihan. “Ito na po, senyor!” He heard her yell atsaka sa mini center table inilagay ang plate full of toasted bread. Before she could turn around, she rolled her eyes at him and then started to walk away. “Marami ka pa bang ginagawa?” biglang tanong ni Clifford kaya napahinto si Isabella. “Konti nalang din. Bakit? Magpapatulong ka?” “Tch!” He scorned. “Why would I even think of putting my homeworks in your hands? You’re stupid.” “Grabeh ‘to nagmamagandang loob lang!” Sigaw ni Isabella. “Bahala ka na nga!” “When you’re done, knock on my door. We’ll visit them!” sigaw ni Clifford. Hindi niya alam kung narinig ba iyon ni Isabella but then he said it. Ayaw naman niyang siya ang kumatok sa kwarto ng babae. Pataasan na ng pride. Nag-alas kwatro na lang at wala pa ding kumakatok sa pintuan ni Clifford. Habang nagc-cellphone siya’y napapa-sulyap din siya sa pinto. Parang wala talagang balak si Isabella na kumatok sa kanyang pinto. Naiinip na siya kaya tumayo siya’t nagtungo sa pinto. Pagbukas niya ay sakto naman na pakatok palamang si Isabella. Sila pa dalawa ang nagulat. Isabella put down her arm and he shifted his gaze at the side and then back to her. Before saying something he cleared his throat, “You done?” he asked. “Oo...” sagot ni Isabella. Isinara ni Clifford ang kanyang pinto. “Okay, let’s go home.” Naunang maglakad si Clifford. Ang awkward nila kung hindi nila sinusungitan ang isa’t-isa. Hindi na ito matiis ni Isabella kaya bago paman makalabas sa unit nila’y napahawak siya sa damit ni Clifford. “What?” He asked, turning his head back. “Pwede bang kalimutan nalang natin iyong nangyari. Para tayong tae sa isa’t-isa eh, nag-iiwasan baka mahalata nila,” sagot ni Isabella. “Ano bang nangyari?” He asked, raising a brow at her. Napa-tingin sa baba si Isabella. “Wala! Oh! Sigeh na, halika na at baka maabutan pa tayo ng umaga.” At ayon nauna siyang lumabas. Clifford only smiled atsaka sumunod kay Isabella. Pagdating sa parking lot ay nagulat sI Clifford nang biglang nagtago si Isabella sa gilid ng sasakyan. “What the heck are you doing in there?” “Nandito ang kaklase kong maldita!” “Huh? So what if she’s here?” “Nang-gagawa iyan ng storya! Baka pagkamalan akong nakiki-pagdate saiyo! Yuck!” After hearing that, he scoffed. He can’t believe na siya pa ang ikinakahiya ni Isabella. “Ikaw pa ang nahiya, ah?” Tiningnan niya ang babaeng tinataguan ni Isabella. The girl seemed fine kaya napa-smirk siya at nagsimulang maglakad sa babaeng may kasamang lalaki. Lumaki agad ang mata ni Isabella. “Clifford!” sigaw ni Isabella kaya napatingin sa kanya ang kaklase at ang lalaking kasama. Lumaki lang ang ngise ni Clifford. “Yes, baby?” he asked na may nakakalokong ngite. Nanginig agad ang tuhod ni Isabella. Narinig iyon ng kanyang kaklase kaya alam niyang chismiss nanaman ito sa buong skwelahan niya. “Isabella?” Ito na nga’t gusto niya ng umiyak nang tawagin siya ni Penelophy— ang gossip queen ng Fusen High. “H-hi!” she stammers atsaka lumapit kay Clifford para pasimpleng kurutin ang lalaki sabay bulong, “Ang sarap mo patayin.” “Boyfriend mo?” Nakikita na ni Isabella ang stars sa mata ni Penelophy. “Hi—“ “Yes. My name’s Clifford.” He cut her off while putting his arm around her waist. Doon naman napatitig si Penelophy at pinipigalang ngumise. Ang gwapo yata ng nabengwit ni Isabella, isip nito. “My name’s Penelophy ang pinakamaganda sa Fusen High. College ka na?” pahabol nito. “No. Same grade but Kougu High.” “Oh! That’s why hindi pa kita nakikita,” and then Penelophy giggled flirtatiously. Na out of place naman si Isabella at ‘yong isang lalaki. “Hoy! Nice meeting you din,” ani ni Isabella sa lalaki. Ngumite naman ang lalaki, “Ikaw din, Isabella.” Iniabot nito ang kanyang kamay. Isabella was about to take it but Clifford shake his hand while glaring at the guy. Natawa naman ng bahagya ang lalaki. “Alright. We’ll see you guys around,” paalam na sana ni Clifford at tatalikod na sila nang hilain ni Penelophy pabalik si Isabella. “We’re on 8th floor. Gusto niyo movie sometimes?” “Uhm...” she glances at Clifford and then back to Penelophy with an awkward smile. “Sige, pero huwag na muna ngayon.” “Okay,” mataray na sabi ni Penelophy with a fake smile. “I’ll see you guys around.” Ayon na nga at tuluyan nang umalis sina Clifford at Isabella. Penelophy was still glaring at those two. Bakit iyong babaeng ‘yon may boyfriend na kasing gwapo ni Clifford? She didn’t like Isabella lalo na ngayon at nilalamangan siya ng babae. “Ano ‘yon?” Nakakunot noong tanong ni Isabella. Gustong-gusto niya nang sakalin ang kanina pa tawang-tawa na boss niya. Baka malimutan niyang boss niya ito’t masuntok niya. “What? Ikinakahiya mo ako? Me? Come on, she even flirted with me!” Nang mapatingin si Clifford sa kanyang kinaka-usap ay agad siyang napahinto sa tawa. Mukhang may balak talaga si Isabella na patayin siya. “Sigurado akong guguluhin ako non sa Lunes,” bulong ni Isabella. Hindi mawala-wala ang galit nito habang nakatitig sa labas ng bintana. “Okay, I’m sorry. If anything happens then tell me and I’ll fix whatever gossip that girl will throw at you,” he told her. “Bahala ka sa buhay mo!” Napa-smirk nalang si Clifford habang nagd-drive. Para padin kasing pwet ng manok ang bibig ni Isabella. Somehow, he feels like he’s so comfortable with Isabella. He can be anything with her and that’s what he likes the most, that she’s staying with him despite his mood swings and all the ugliness he’s showing her. “I’m starting to like you, Isabella,” he uttered. If anything he does, it’s being straightforward and honest. “Huwag ka ngang mag-loko jan!” she yelled and remained grumpy. “Bahala ka,” he mumbled, keeping a grin on his mouth. Nang makarating sila sa mansion ay agad sila sinalubong ng mga naroon. Paglabas palang ni Isabella ay niyakap na siya agad ng Nay Corazon niya. “Namiss kita hija,” sambit ni Nay Corazon atsaka kumawala sa yakap. “Okay ka lang ba doon? Wala bang ginawa si sir saiyo?” Tumawa naman dito si Isabella. “Nay, wala! Maganda sa school ko, Nay atsaka alam mo po ba may naging kaibigan na ako.” Kwento ni Isabella. “Mabuti naman at okay ka lang doon. Nag-alala talaga ako saiyo kasi malayo pa naman tayo sa isa’t-isa. Araw-araw na tuloy akong kinakabahan.” Halata naman sa mukha ni Nay Corazon ang pag-alala. “Nay, huwag mo na akong alalahanin. Nakalimutan mo yata na si Isabella ‘to, lumaking nasa lola, Ma, at Nay.” Pagbibiro ni Isabella para naman gumaan ang pakiramdam ni Corazon. “Ikaw talaga mapagbiro ka gaya ng iyong na—“ “Stupid!” Biglang tawag ni Clifford habang papalapit kina Nay Corazon at Isabella. “Bakit?” Mataray na sambit ni Isabella. “We have to go eat. Wala pa tayong kain,” he said and looked at Nay Corazon. “Nay, kain po tayo.” Nay Corazon, Granny, Gwen at ang driver at mga katulong ay nagulat sa binatawang mga salit ni Clifford. Lumaki ang mga mata nilang lahat maliban kay Isabella. Himala yata na nag ‘po’ at gumalang itong amo nila. “Hali na po tayo at kumain. Tingnan mo Nay, parang pumayat ka!” Biro ni Isabella kay Nay Corazon para maalis ang pagka-gulat nito. Ayon nga at nauna sila sa loob ng bahay kasi sila naman din ang maghahanda. Dahil sa narinig ni Granny ay napa-ngite siya habang papasok sa loob kasama ang mga apo’t katulong. Wala kasi si Lilian kasi busy daw sa companya nila, which was a good thing. Kung sana noon ay naging ganito kasaya si Granny at tinanggap nalamang si Mariella ay masaya siguro ang kanilang pamilya. Sa hapag ay napatitig si Granny kay Isabella. Ang tanging nakikita niya dito ay si Mariella na dati ay sinusungitan niya. Tuwing napapa-isip siya sa dating katulong ay kumikirot ang kanyang dibdib. Ang lupit niya sa dalaga at may nagawa pang kamalian ang kaniyang pamilya dito. Napapikit ang matanda at iniisip na kung nasaan man si Mariella ay sana napatawad na siya nito. Gaya ni Isabella ay binigyan din ni Mariella ng kulay ang buhay ng kanyang mga apo pero nagkamali siya’t naging malupit sila ni Lilian sa dalaga. Kaya ngayon ang apo niya’ng si Jake ay hindi masaya. Dahilan para ang apo niya sa tuhod ay walang alam kundi ang maging galit until Isabella showed up and now history seems to want to repeat itself. “Ate, I saw you at your school. I wanted to say ‘hi’ but then nakasakay ka na ng tricycle,” Gwen blabbered habang masaya silang kumakain. “Awe, sa susunod kapag nakita kita ay tatawid ako sa kalsada niyan kahit naka go,” ani ni Isabella kaya natawa sila. “Hindi ba kayo sabay ni Clifford umuuwi at pumapasok?” Tanong ni Granny sabay titig sa dalawa. “Uhm... kasi po ayaw ko naman na—“ “She doesn’t like showing off,” pag-putol ni Clifford kay Isabella. “Nahihiya siyang kasama ako.” “Hindi kaya!” Tanggi ni Isabella. “Baka po kasi pagkamalan si Clifford na cheap ng kanyang mga kaibigan kaya—“ “I never care what they say!” he cut her off again, while his gaze darted to Isabella. “Sa Lunes, let’s go together.” Biglang natahimik ang lahat. Nadadama nilang may something talaga sa dalawa. While Granny, Gwen and the other maids giggled, Corazon seemed more worried than ever. Iniisip kasi nito na baka sapitin ni Isabella ang nangyari sa nakaraan. “Sabi mo eh,” mahinang ani ni Isabella at nagpatuloy na sila sa pagkain. Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Isabella na hindi tingnan si Clifford. Nang tumingin siya dito’y nakatingin rin pala ito sa kanya kaya pareho silang napatingin sa kahit saan. Gwen saw that and she giggled. Matapos silang mag-hapunan ay nag-kwentuhan na muna sila sandali at pumanhik na para matulog. Alas onse na iyon ng gabi nang lumabas sa maid’s quarter si Isabella. Pumunta siya sa garden at sa damuhan nahiga para manood nanaman ng mga bituin. “I knew you’d be here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD