5

1190 Words
nakatanaw sa malawak na dagat si Sierra at iniisip si Yuan kahit anong gawin ay hindi nito magawang alisin sa isip ang binata. iniisip nya kung tama ba ang ginawa nya na binabaan nya ito ng phone. napabuntong hininga naman si Sierra. mukhang malalim ang iniisip mo hah! saad ni Rico. nabigla naman si Sierra na nasa malapait na pala aa kanya si Rico. ang totoo ay iniiwasan niya ito. dahil hindi siya makomportableng silang dalawa lang ang naroroon. bukod sa mga staff ng resort. ngumiti naman ng pilit si Sierra. lumapit naman si Rico kay Sierra. hindi kaba nilalamig? ani Rico. umiling naman si Sierra. Sierra, alam kong napilitan ka lang sumama saad ni Rico. napabaling naman si Sierra dito. dahil nahimigan niya ng lungkot ang boses nito. pero gusto kong magpasalamat dahil nandito ka. ang totoo, gusto talaga kita. diretsong saad ni Rico sa kanya. natahimik naman si Sierra na hindi malaman kung anong magiging reaksyon. sana ok lang sayo na magustuhan kita. hindi naman ako nagmamadali mag aantay ako, saad ni Rico. naikuyom ni Sierra ang mga kamay, dahil sa isip nya ay walang ibang lalaki kundi si Yuan. mas lumapit pa si Rico at akma siyang hahalikan nito ng biglang maybhumatak kay Rico at binigyan ito ng malakas na suntok napasigaw si Sierra sa sobrang kabiglaan. at nakita si Yuan na galit na galit, hindi pa ito nakuntento at muling inundayan ng suntok si Rico, sinubukan naman awatin ni Sierra pero hindi nagpaawat si Yuan. nakabawi naman si Rico at inibabawan si Yuan. at pinaulanan ng suntok hanggang nagpalitan na sila ng suntok. hinatak naman ni Sierra ng ubod na lakas si Rico at saka pumagitna sa kanila hinawakan nya sa braso si Yuan upang hindi ito makasugod pa kay Rico. hinawakan naman ni Yuan si Sierra. saka sapilitan isinasama. iwinaksi naman ni Sierra ang mga kamay ni Yuan sa pagkakahawak nito sa kanya. ano ba!!? bakit kaba nandito?. diretsong saad ni Sierra. nagigting naman ang panga ni Yuan kay Sierra. ano pa ba? edi sinusundo ka! galit na singhal ni Yuan. at bakit mo naman kailangan gawin yun? ani Sierra. napa sabunot naman si Yuan at tumingala pa na pinapakalma ang sarili sa tindi ng galit na nadarama. natural, sino bang boyfriend ang matutuwa na may kasamang iba ang girlfriend nila?. galit pero mahinahong saad nito. napangisi naman si Sierra. girlfriend? talaga bang itinuring mo akong girlfriend o isa lang sa mga koleksyon mong mga babae? kahit minsan ba pinahalagahan mo talaga ako? saad ni Sierra. natigilan naman si Yuan. na nakakunot ang nuo? bakit mo nasasabi yan? ani Yuan. hindi ko ba pinaramdam sayo kung gaano kita ka mahal, iniwasan ko ang mga kaibigan ko para sayo. binigay ko sayo ang panahon ko. sa sandaling panahon na nawala ako, iniisip mo na kinalimutan na kita? Sierra why? sinserong saad ni Yuan. then bakit di mo sinabing pupunta kang america at sino yung babaeng kasama mo nung gabing lasing ka? bakit magaling ba siya gumawa ng bagay na ginawa natin kesa sa akin? naluluhang saad ni Sierra. natigilan naman si Yuan. hindi ko alam kung anong dahilan at nasasabi mo yan pero kung sasabihin kong hindi ko siya kilala at wala akong ginawang ganong mga bagay, maniniwala kaba? diretsong saad ni Yuan. hindi naman nagsalita si Sierra na nanatiling nakatuon kay Yuan. habang naguguluhan kung paniniwalaan ba nito ang binata. napangisi naman ng mapakla si Yuan na pinipigil ang impit na luha. at umiling. yumuko ito habang naka pamewang na para at tumango tango. I see." wala kang tiwala sa akin. saad ni Yuan. akala ko iba ka Sierra, akala ko may tiwala ka sakin, pero katulad ka lang din ng iba. walang emosyong saad ni Yuan na tila ba sobrang dismayado kay Sierra. sabay sabay naman tumulo ang luha ni Sierra. tumalikod naman si Yuan at diretsong naglakad. hinabol naman siya ni Sierra at hinawakan sa braso nya upang pigilan sa pagalis si Yuan pero buo na ang loob ni Yuan. hinawi nya ang kamay ni Sierra at tuluyan ng umalis. naiwan naman si Sierra na lumuluha at walng nagawa kundi pagmasdan si Yuan na papaalis. simula ng tagpong iyon sa resort ay hindi na muli nagkausap pa si Yuan at Sierra. dahil iniwasan na din ni Yuan si Sierra. kung malamig ang pakikitungo noon ni Yuan kay Sierra ay mas malamig pa ito ngayon. habang nasa cafeteria ay nakatanaw lamang mula sa malayo si Sierra kay Yuan. hindi nito napansin ang pagtitig ni Cherry nsa kanya. obvious ka gurl. saad ni Cherry na nagpabigla sa kanya. napatuon tuloy siya dito. hah? anong sabi mo? maang na tanong ni Sierra. napailing naman si Cherry kay Sierra. sabi ko obvious ka na tinititigan mo sya. malamang kahit sya alam yun." diretsong saad nito. hindi naman naka imik si Sierra dahil talagang hindi niya maialis ang paningin kay Yuan lagi itong hinahanap ng mga mata nya. gurl." wake up. aalis na sya. mabuti pa mag move on ka nalang. saad ni Cherry. hindi ko alam kung kaya ko, malungkot na saad ni Sierra. ano kaba gurl. mahirap pero kailangan mong kayanin, pero? ani Cherry na naging palaisipan kay Sierra. pero ano?." saad ni Sierra. kung talaga desperada kana edi pikutin mo. saad nito. natigilan naman si Sierra sa sinabi ng kaibigan. talaga bang mapipigilan ko syang umalis kapag ginawa ko yun? usal ni Sierra sa sarili. ui. gurl, joke lang yun huh! wag mo sabihing gagawin mo talaga. natatawang saad ni Cherry. hindi naman nagsalita si Sierra. summer break na. at tapos na din ang graduation ng mga senior. in short graduate na si Yuan. sumama itong mag celebrate kasama ang mga ka batch nya. habang si Sierra naman ay mag isang nasa bahay at nagkulong sa kwarto. nalulungkot siya sa pag alis ni Yuan. ilang araw nalang aalis na si Yuan. usal ni Sierra sa sarili habang nakatuon sa kisame ng kwarto. hindi nito mapigilan ang mapaluha dahil sa ginagawang pagiwas sa kanya ni Yuan at malimig pa sa yelo ang pakikitingo nito sa kanya. hanggang nakayulugan na lamang nito ang pag luha. madaling araw na ng magising si Sierra, nakaramdam siya ng uhaw marahil sa tuloy tuloy nyang pag luha. kaya naisipan nyang bumaba at uminom pabalik na siya sa kwarto ng biglang may dumating ng tignan ni Sierra kung sino ay nanlaki ang mata nya. si Yuan na halos gumagapang na sa kalasingan. agad naman nya itong dinaluhan. ayos ka lang? ano kaba! bakit naglasing ka hindi mo naman pala kaya." inos na saad ni Sierra. kaya-hik-ko-hik-ang sa-hik-rili ko. lasing na saad ni Yuan. napasimangot naman si Sierra dito. kita mo nga yan halos di kana makatayo tapos sasabihin mong kaya mo? hay!. wala naman nagawa si Sierra kundi alalayan ito hanggang sa kwarto. bigla naman pumasok sa isip ni Sierra ang sinabi ni Cherry. kaya napailing iling pa si Sierra para iwaksi sa isipan ang bagay na iyon. pabagsak na inihiga ni Sierra si Yuan. habang pinagmamasdan ito ay paulit ulit na tumatakbo sa utak na para bang nag eecho pa sa tenga nya ang sinabi ni Cherry na pikutin si Yuan. ito nalang ba ang paraan para hindi siya umalis.? saad ni Sierra sa sarili. ng makapag disisyon ay unti unti nyang hinubaran si Yuan. inuna nya ang polo nito sunod ay dahan dahan nyang tinangal ang suot nitong sinturon medyo napatigil pa si Sierra ng gumalaw ito. nanginginig ang kamay na pinag patuloy ang ginagawa hanggang boxer nalang ang natira. pati ba ito tatanggalin ko? pagkunsula ni Sierra sa sarili. bago unti unting tinangal ang boxer ni Yuan. hindi naman maiwasan ni Sierra ang mangha dito dahil buhay na buhay ang alaga nito kahit tulog ang amo. sunod naman ay nag hubad ng sarili si Sierra saka humiga sa tabi ni Yuan. bahala na bukas saad ni Sierra. at tuluyan ng nakatulog. isang katok sa pinto ang narinig ni Sierra pero dahil sa sobrang antok ay binaliwala lamang nya ito. maya maya pa ay biglang may sumigaw ng malakas. dahilan para mapabalikwas ng bangon si Sierra. at nakita ang gulat na gulat na mukha ng inang si Yesha at ni Yuan na hindi din makapaniwala. dahil sa pagkabigla ay nakalimutan ni Sierra ang ginawa. ng mapansing wala siyang saplot ay hinatak niya ang kumot at itinakip sa sarili. anong ibig sabihin nito Yuan!!." galit na sigaw ng inang si Yesha. hindi naman makaimik si Yuan na hindi din alam kung anong nangyari at katabi nito si Sierra. maya maya pa ay dumating na din ang amang si Arthuro at nabigla sa nakita. binalingan ng tingin ni Yuan si Sierra na nagtatanong kung anong nangyayari. yumuko naman si Sierra sa matinding kahihiyan at lumuha na lamang ng makita ni Yuan na lumuluha si Sierra bay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. shit! usal ni Yuan. sabay inabot ang boxer at sinuot habang nakatakip ng kumot. salitan naman na nakatitigsi Arthuro sa kanila. what's the meaning of this Yuan? galit na singhal nito kay Yuan. I dont know dad." maang na sagot ni Yuan. napasinghap naman si Sierra ng suntukin nito si Yuan at napabagsak ito sa sahig dahil sa lakas ng suntok nito. what f**k Yuan. matapos mong gawin itatangi mo! mag usap tayo sa baba mag bihis kayong dalawa!. galit na saad nito saka iniwan sina Sierra. sabihin mo meron ba talagang nangyari saatin? ani Yuan. hindi naman nagsalita si Sierra. napangisi naman si Yuan na parang alam nitong wala talagang namagitan sa kanila. sabihin mo bakit mo ito ginagawa Sierra? gusto ko lang pigilan ka na umalis. dahil ayokong iwan mo ko. singhal no Sierra habang lumuluha. get out!! saad ni Yuan kaya napaangat ng tingin si Sierra. at nakita ang matinding galit ni Yuan. ng hindi pa kumikilos ay muling nag salita si Yuan. I said get out!! sigaw nito kay Sierra. nahintakutan naman si Sierra na nag madaling tumayo at patakbong lumabas patungo sa kwarto niya. hindi na nito initindi pulutin pa ang mga damit nya. napaluha naman si Sierra sa nakitang reaksyon ni Yuan. ano paba ang inaasahan mong mangyayari Sierra mag papasalamat siya sayo? pagkastigo nito sa sarili. pagbaba ay kinausap sila ng mga magulang kitang kita ang galit ng mga ito. ano Yuan anong plano mo? diretsong tanong ni Arthuro sa anak. ganun parin dad. magaaral ako sa U.S. saad ni Yuan. habang nakayuko. hindi! pakakasalan mo si Sierra. saad ni Arthuro. napasinghap naman si Sierra sa sinabi ni Arthuro. diretsong tumuon sa ama si Yuan. sorry dad but no!. hindi ko siya pakakasalan kahit anong gawin ninyo saad ni Yuan. sumakit naman ang dibdib ni Sierra sa sinabi ng binata. hindi siya makapaniwalang kahit pinikot na niya ito ay hindi parin ito nagpapigil. kung ganon sige. mag aral ka sa U.S. pero pag balik mo pakakasalan mo Si Sierra o kakalimutan kong anak kita! singhal ni Arthuro. hinawakan naman ito ni Yesha upang pakalmahin. sige dad." kalimutan nyo ng may anak kayo. diretsong saad ni Yuan. at walang pasabing umakyat ng kwarto. sinubukan naman siyang pigilan ni Sierra. kaya napahinto ito. bakit mo ito ginawa Sierra? of all people bakit ikaw pa? naluluhang saad ni Yuan hindi naman nakaimik si Sierra dahil di niya alam kung anong dapat sabihin. alam no ba kung bakit gusto kong umalis? dahil gusto kong ipakita sa lahat na mali sila ng pagkakakilala sa akin! na mali sila at hindi nila ako dapat hinusgahan!.galit nitong saad, unti unti naman naging malamlam ang mag mata nito na nakatuon sa kanya, akala ko iba ka sa kanila Sierra pero parehas ka din nila. saad nito saka tiluyang umalis. End of flashback. matagal na panahon na iyon pero sariwa pa sa isip ni Sierra ang lahat na parang kahapon lang ang lahat. simula ng araw na mangyari iyon ay umalis na si Yuan sa bahay nila at di na nagpakita pa. nalaman na lamang nila na nasa america na ito. at sa wakas matapos ang ilang taon ay muli ko siyang makikita. masayang saad ni Sierra sa sarili. nalaman kasi nya na pumayag itong umuwi ng ilang araw, sabi ng inang si Yesha. agad naman nag ayos si Sierra dahil nais nitong maging maganda sa pag dating ni Yuan. Yuan's POV nag reready na ako sa pag alis ng dumating si Shaun, bro. uuwi ka daw? tanong nito. oo." dahil gusto ko naman kamustahin ang parents ko. magulang ko parin sila after all saad ko. mabuti naman bro. by the way ako ang maghahandle ng mga trabahong iiwan mo. salamat talaga ha! sarkastiko nitong saad. natawa naman habang napapailing si Yuan sa Kaibigan. oo na sige na. babawi ako sayo sa susunod saad ko sa kanya sabay abot ng list ng mga trabaho na dapat na nyang gawin. napalamot pa ito sa ulo ng makita king gaano ito karami. pagak naman akong napatawa sa kanya. ok! bro. babawian din kita. saad nito saka tuluyang umalis. halos 3 oras naman nag byahe si Yuan at sa wakas ay malapit na niyang marating ang bahay nila at kasabay ng mga pamilyar na daan ay mga alaala na muling bumabalik sa kaniya. mga alaalang ayaw na nyang balikan. pagdating sa bahay ay bumusina ito pinagbuksan naman siya ng gate ng pamilyar na mukha sa kanya. matagal na itong nagttrabaho sa kanila si mang ely. na hardinero nila. welcome back hijo. pagbati nito sa kanya. nginitian naman ito ni Yuan. salamat po. magalang nitong saad. hijo. Yuan anak. nagmamadaling salubong sa kanya ng inang si Yesha. mom." usal ni Yuan. mabuti at bumalik ka anak miss na miss na kita. saad ng ina. mabuti naman at naisip mong bumalik? walang emosyong saad ng ama. Arthuro." wag ka naman maging ganyan. saway ni Yesha sa asawa. habang si Sierra naman ay nakatanaw lamang sa kanila dahil para siyang kinain ng kahihiyan ng makita si Yuan. ngunit di rin naman naiwasan na mamangha sa taglay na kakisigan ni Yuan dahil mas naging maganda ang pangangatawan nito ngayon. halika sa loob Yuan. naghanda ako ng pagkain pagaaya ni Yesha. nagpatianod naman si Yuan sa ina ng mapansin si Sierra na walang planong lapitan siya. hindi tuloy maiwasan maisip ni Yuan na iniiwasan sya nito. habang nasa hapag ay tahimik lamang na kumakain ang lahat habang si Yesha ay tuloy lang sa pag asikaso kay Yuan. lihim naman pinagmamasdan ni Yuan si Sierra ng hindi namamalayan ng dalaga. Sierra." kamusta ang training mo? pagtatanong ni Arthuro. napabaling naman ang lahat ng attensyon kay Sierra. bahagya itong nailang ng makitang nakatingin din sa kanya si Yuan. ok." naman dad. kalmadong saad nya. na pilit kinalma ang sarili. training para saan? pagtatanong Yuan. natigilan naman ang lahat sa pagtatanong ni Yuan. ahh." pumasok sa militar si Sierra anak. saad ni Yesha. what? are you out of your mind?. biglang saad ni Yuan. bakit anong problema? diretsong saad ni Sierra sa tingin mo ba kakayanin mo ang buhay militar? diretsong saad ni Yuan na parang insulto naman kay Sierra. napangisi naman si Sierra. you think I can't saad nito at nakitang sinipat ni Yuan ang katawan nya na may pangiinsulto. well sa payat mong yan ewan ko lang. preskong saad nito. napailing naman si Sierra na pinipigilan ang galit na sumabog. bakit? gusto mo ba subukan kung ano ang kaya ko? panghahamon ni Sierra kay Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD