ngumisi lamang si Yuan na nanguuyam kay Sierra.
parang bulkan naman na sasabog si Sierra. bigla naman nagring ang phone ni Sierra. natigilan naman sila ni Yuan sa nalalapit nilang bangayan.
nagpaalam naman si Sierra bago sinagot ang tawag. nagtungo ito sa garden habang si Yuan naman ay nakatanaw lamang sa kanya.
hello ani Sierra.
hey! i heard you get a leaved saad ng nasa kabilang linya. si Xavier. isa sa mga pinaka magagaling na snipper ng special force. at malaki ang paghanga ni Sierra dito. kaya impit pang napatili si Sierra ng tumawag ito.
aahh... oo." bakit? saad ni Sierra na niliitan pa ang boses na parang nagpapa cute. napailing naman si Yuan na pinagmamasdan si Sierra na kilig na kilig.
gusto sana kita ayain kumain sa labas kung ok lang sayo?. ani Xavier.
napakagat sa ibabang labi si Sierra na pinipigilan mapatili sa sobrang kilig.
aahh...sige." saan at kelan? pagtatanong ni Sierra.
ill send you a message okay." saad nito.
okay." sige bye. paalam ni Sierra dito.
ang laki ng ngiti ni Sierra na halos mapatalon pa sa tuwa si Sierra.
kung meron mang nagbago kay Sierra sa mga nagdaang panahon yun ay ang maisip na hindi lang si Yuan ang lalaki sa mundo. although gusto nyang makita si Yuan dahil kahit papano ay mahalaga rin naman ito sa kanya but its different from before dahil isang parte na lamang ito sa kanya ng nakaraan.
grabe wala ka parin pinag bago. saad ni Yuan.
napataas naman ng kilay si Sierra.
pwede ba? umalis ka nga sa daraanan ko. iritang saad ni Sierra.
natutuwa naman si Yuan na lalo pang asarin si Sierra. naaaliw syang makita ang pagtataray nito sa kanya bagay na hindi nito ginagawa noon sa kanya.
paano kung ayoko? saad ni Yuan.
napangisi naman si Sierra at mabilis na tinapakan ang paa nito at napayuko si Yuan sabay pinatid pa ito ni Sierra. dahilan para matumba si Yuan.
napangisi naman si Yuan na dumadaing sa sakit ng paa. hindi nya talaga akalain ang ginawa ng dalaga.
nilagpasan naman siya ni Sierra at diretsong umakyat sa kwarto niya.
napapailing naman habang natatawa si Yuan.
nag hahanda si Sierra na mag ikot sa kabayanan sa kabilang brgy.
paalis na siya ng mamataan si Yuan. lalagpasan na lamang sana nya ito na parang walang nakikita. ngunit tumikhim ito kaya natigilan siya.
hindi talaga inaasahan ni Sierra na magiging ganito ang muli nilang pag kikita mistula silang nag balik sa pagkabata na nag aaway silang dalawa.
aalis ka? pagtatanong nito.
oo." mamamasyal ako sa kabilang brgy. saad ni Sierra.
tumango naman si Yuan. pupunta din kami ni mom may fiesta daw kaya gusto nya magpunta duon, ani Yuan.
ok! saad ni Sierra akmang aalis ito ng pigilan siya ni Yuan hinawakan nito ang braso niya, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang nakuryente si Sierra sa paghawak ni Yuan.
ano ba? galit na saad ni Sierra.
easy ka lang, gusto ko lang naman sabihin na sumabay kana sa amin. saad ni Yuan na nakataas pa ang kamay dahil baka saktan siyang muli ni Sierra kagaya ng ginawa nito sa kanya ng nakaraang araw.
kaya ko ang sarili ko. at sanay na akong mag isa na walang inaasahan sa ibang tao dahil ayoko ng naiiwan. madiin nitong saad. di naman naka imik si Yuan.
saka dirediretsong naglakad si Sierra paalis, halos gusto naman ni Sierra na kainin ng lupa dahil sa sinabi nito kay Yuan.
bitter lang Sierra! pagkastigo nito sa sarili. hindi naman malaman ni Sierra ang naramdaman na parang may emosyon sa kalooban nyanna gustong kumawala kaya naman nasabi ni Sierra ang mga bagay na iyon.
masayang naglalakad si Sierra sa kabayanan, tulong tulong naman naglalagay ng mga banderitas ang buong kabayanan at may mga lumapit pa sa kanya ng mapansin siya at inalok siya ng makakain. masaya naman tinanggap ni Sierra ang kakanin na ibinigay sa kanya. napalingon naman siya sa mga nag papalaro. kanya kanyang sigawan ang mga tao sa mga batang nag papaunahan sa pagkuha ng buko.
napangiti naman si Sierra, halos walang nag bago dito. usal ni Sierra sa sarili.
Sierra!." pagtawag sa kanya kaya napalingon si Sierra sa pinangalingan ng boses at nakita si Cherry.
nagtatatalon pa ito at yumakap sa kanya.
masaya naman si Sierra na sinalubong ang kaibigan.
andito ka pala gurl, namiss kita. saad ni Cherry.
oo." mabuti nga at pinayagan ako. saad ni Sierra.
magisa ka lang? pagtatanong nito.
oo." masaya kasi akong naglalakad lakad kaya mag isa lang ako. pero nandito din si mom at Yuan.
napaawang naman ang bibig ni Cherry ng marinig ang pangalan ni Yuan.
really? si Yuan? tanong nito na hindi makapaniwala.
oo." andito siya. ani Sierra.
so?." ano kamusta saad ni Cherry na pinaningkitan pa si Sierra.
ano bang sinasabi mo? maang na tanong ni Sierra.
edi, ano? kamusta yung feelings mo na magkita kayo muli. ani Cherry.
ano pa? edi wala." saad ni Sierra.
wala? as in wala? pangungulit ni Cherry.
ewan ko sa frend pero wala na!, as in waley na talaga. saad ni Sierra.
ok. sabi mo ee.. ani Cherry. na hindi kumbinsido sa sagot ni Sierra.
masayang kumakain ng cotton candy si Sierra habang inienjoy ang panonood sa mga palaro ng may makabungguan siya.
ohh.. s**t. saad ng lalaki
shit kaagad? inis na saad ni Sierra natigilan naman ito ng makitang si Yuan ang nakabungguan at dumikit sa damit nito ang cotton candy na kinakain.
pwede ba tumingin ka sa nilalakaran mo. walang emosyon nitong saad.
hoy! baka dapat ikaw ang tumingin sa nilalakaran mo. inis na saad ni Sierra.
Yuan." saad ng isang lalaki na may dalang bata. kaya kapwa sila napatuon dito.
uyy...ikaw ba talaga yan Yuan? saad nito.
Jake." ani Yuan ng makilala nya ang lalaki.
Yuan." sabay yumakap dito. kamusta kana? akala ko nasa U.S kaparin saad nito. anak ko nga pala si cloe. pakilala nito sa anak niya. sa manila na ako nag sstay kasama ng pamilya ikaw? siguro isa ka nang successful doctor ngayon. saad nito.
ngumiti naman si Yuan. oo." actually nag business din ako. saad niya dito.
mabuti at nakita kita dito. so siya ba ang asawa mo? pagtukoy nito kay Sierra.
no! sabay nilang saad. nagkatinginan naman silang dalawa.
hindi ako papatol sa mathon saad ni Yuan.
napangisi naman si Sierra. well hindi naman ako pumapatol sa lampa.
sino naman ang tinatawag mong lampa? galit na saad ni Yuan.
sino pa ba sa tingin mo? saad ni Sierra.
si Jake naman at Cherry ay nanunood lamang sa away nilang dalawa.
napahinto naman sila ng tumawa si Jake. anong nakakatawa? ani Yuan.
alam nyo. baka magkatuluyan kayo nyan. natatawang saad nito.
hindi naman naka imik ang dalawa. parehas silang ayaw mag react sa sinabi ng kaibigan.
Sierra." duon tayo pagaaya ni Cherry. nakahinga naman ng maluwag si Sierra dahil sakto ang tyempo ng kaibigan.
nakita naman ni Sierra ang palaro ng palakasan naisip nyang sumali kaya nagboluntaryo siyang sumali ng makita ni Yuan na sumali si Sierra ay walang pagdadalawang isip na nagboluntaryo ito. pabilisan sa pag akyat sa kawayan ang labanan. lima ang kalahok at tanging si Sierra lang ang babae.
ng magbigay ng sign na paguumpisa ng karera ay mabilis na tumakbo si Sierra at mabilis na naakyat ang kawayan ngunit hindi nito inakala na naunahan na siya ni Yuan. na ikinabigla ni Sierra. dahil hindi niya inaasahan ang liksi nito. sumunod ay agawang buko. paunahan sila sa pagdadala ng buko sa goal ang mauna ay siyang panalo.
madali naman naagaw ni Sierra ang buko at nilalagpasan ang lahat ng humarang sa kanya pero di nya inakalang mabilis ni Yuan na maagaw sa kanya ang buko. hinabol ito ni Sierra. at hinarangan upang hindi makadiretso si Yuan sa goal ng biglang tumulak kay Sierra masyado itong nakatutok kay Yuan kaya hindi napansin ang ibang kalaban na papalapit at ng matutumba na ay sinalo siya ni Yuan. at nabitawan nito ang buko na naagaw kaagad ng ibang kalaban. napaibabaw naman si Sierra kay Yuan at bahagya pa nitong nahalikan si Yuan. parehas naman silang natigilan at nagkatitigan na wari ba silang dalawa lamang ang naroroon at wala ng ibang mga tao.
ng makabawi ng hininga si Sierra ay ito ang unang nag bawi sa titigan nila ni Yuan. ano kaba? bakit binitawan mo yung buko? ani Sierra na may inis sa tono.
kung hindi ko iyon binitawan edi sana putok yang nguso mo! sarkastikong saad ni Yuan.
napasimangot naman si Sierra na walang pasabing umalis na lamang ng basta.
heyy!." hindi ka ba manlang magpapasalamat? pangungulit ni Yuan dito. sinamaan naman siya ng tingin ni Sierra.
thank you lang." hindi naman mahirap sabihin... patuloy ni Yuan na pangungulit kay Sierra.
anong hindi?! mahirap yun kapag labag sa loob!. inis na saad ni Sierra. na nagpangiti kay Yuan.
naghahanda si Sierra na makipag kita kay Xavier. sandali lamang sila magkikita dahil hindi ito pwedeng mawala ng matagal sa kampo kaya nagmamadaling umalis si Sierra. napansin naman siya ng inang si Yesha.
Sierra anak." may lakad ka? pagtatanong nito. opo mom. sandali lang naman po ako. saad nito ngumiti naman si Yesha. ok hija, basta mag iingat ka. masayang saad nito. parang hinanap naman ng paningin nya si Yuan, kaya hindi na naiwasan na mag tanong.
mom, si Yuan nasaan na po? pagtatanong ni Sierra.
umalis din may kakatagpuin daw na kaibigan.
ganon." may kaibigan din pala ang bwisit na iyon. ani Sierra sa sarili bago tuluyang umalis. pagdating sa mall ay dumiretso na si Sierra sa restaurant kung saan sila magkikita ni Xavier.
pagkapasok palang ay nakita na nya ito. dahil talagang pansinin ito. matangkad ito na may well built na katawan at talagang napakalakas ng karisma nito sa mga babae.
pasensya na kanina ka paba? paghingi ng paumanhin ni Sierra dito.
umiling naman ito. dont worry." kararating ko lang naman din. at ngumiti ng matamis sa dalaga. kilig na kilig naman si Sierra. ipinaghila pa siya ng upuan nito. ang gentleman naman mahinang usal ni Sierra sa sarili.
masayang nakikipag kwentuhan si Sierra kay Xavier at talagang naaliw siya sa mga kwento ni Xavier. pagkatapos nila kumain ay inaya na ni Sierra na umalis si Xavier dahil nagaalala siya na malate ito at mabigyan ng D.A. o diciplinary action. papalabas na sila ng makabungguan si Yuan, natigilan pa si Sierra ng magtama ang tingin nila ni Yuan.
si Yuan naman ay napatingin kay Xavier na nakahawak pa sa braso ni Sierra dahil inalalayan niya ito na hindi matumba ng mabunggo si Yuan.
anong ginagawa mo dito? walang emosyong tanong ni Yuan.
kumain kami ni Xavier. saad ni Sierra. napataas naman ng kilay si Yuan ng banggitin nito ang pangalan ng lalaking kasama.
sino siya? pagtatanong ni Xavier. natigilan naman si Sierra na hindi maisip kung paano ipapakilala si Yuan. sasabihin niya bang ex nya or kapatid.
napangisi naman si Yuan na inaantay kung paano siya papakilala ng dalaga.
aahh...Kuya ko..saad ni Sierra
nagsalubong naman ang kilay ni Yuan dahil kahit kelan ay di Siya pinakilala nitong Kuya sa kahit kanino
aahhh... kuya ka pala ni Sierra. nice to meet you po. pagbati ni Xavier na iniabot pa ang kamay kay Yuan.
ngunit tingnan lamang iyon ni Yuan.
aahh..sige na! nagmamadali ka hindi ba? singit ni Sierra para mabali wala ang ginawa ni Yuan.
napangisi pa ito ng mapang uyam kay Sierra.
paano Sierra I have to go. baka malate na ako. pagpapaalam ni Xavier. ngumiti naman si Sierra at tumango natigilan naman si Sierra ng humalik ito sa pisngi nya. saka tuluyang umalis.
my god." sana sa labi. charrrr...impit na tili ni Sierra.
so." kuya pala! natatawang saad ni Yuan.
paano kaya kung malaman nyang you make out with you're "kuya? panguuyam ni Yuan dito.
natigilan naman si Sierra na nakatuon kay Yuan. pwede ba? matagal na yun at matagal ko na iyong kinalimutan saka kung pwede wag mo nang mabangit banggit ang mga bagay na nakaraan na. siryosong saan ni Sierra.
parang may kumirot naman sa part ni Yuan mula sa sinabi ni Sierra.
bro. pagtawag ni Shaun.
kaya sabay na napabaling si Yuan at Sierra sa kanila.
para naman lumiwanag ang paligid ni Sierra ng makita si Liam kasama ni Shaun. na papalapit sa kanila..
ok na. aalis na kami. saad ni Shaun.
Sige bro." saad Yuan.
napatingin naman si Liam kay Sierra na titig na titig sa kanya.
Hi." pagpapapansin ni Sierra kay Liam.
sino sya? pagtatanong naman ni Shaun.
sya yung adopted sister ko. saad ni Yuan
napa aahh naman si Shaun at Liam.
nginitian na lamang ito ni Liam. saka iniabot ang kamay. I'm Liam friend ako ng kuya mo, pagpapakilala ni Liam.
may gf kanaba? diretsong tanong ni Sierra. napangisi naman si Yuan habang si Shaun ay natatawa sa inakto ng dalaga.
sorry, wala akong gf pero may asawa na ako. saad ni Liam na ipinakita naman ang wedding ring kay Sierra.
napabagsak naman ng balikat si Sierra.
na lalong pinagtawanan nila Shaun. habang napapailing na lamang si Yuan.
nakakahiya ka Sierra," parang kanina lang may kadate ka tapos ngayon nakikipag flirt ka sa kaibigan ko sa may asawa pa. panguuyam ni Yuan.
napasimangot naman si Sierra.