kasabay ni Sierra pauwi si Yuan. habang nasa daan ay wala silang imikan hanggang makarating sa bahay. hindi naman din na sya kinausap pa ni Yuan.
anong problema ng isang yun?." mahinang usal ni Sierra. saka nag dirediretso sa kwarto. bumaba lang siya ng maghahapunan na.
habang nasa hapag ay kapansin pansin ang pagiging tahimik ng amang si Arthuro ganun din ni Yuan,
napatuon naman sila ng tumikhim ang amang si Arthuro.
Yuan, sabihin mo, may karelasyon kaba ngayon?." diretsong saad ni Arthuro sa anak.
natigilan naman silang napatuon kay Yuan at inaantay ang magiging sagot nito.
wala," I'm too busy for relationship and commitment, ani Yuan.
kung ganon, pakasalan mo si Sierra." biglang saad ni Arthuro na sobrang ikinabigla ni Sierra at naibuga ang nginunguyang pagkain ngunit dahil pinigilan nya ay para tuloy syang nabunulunan saka uminom ng tubig napatuon naman sa kanya ang lahat dahil sa naging reaksyon niya.
I'm sorry dad, but still a no." saad ni Yuan.
dad, wag nyo na ipilit pa yan! I don't wanna get married with this man. saad ni Sierra.
basta!." you two, will get married. kaya ayusin nyo ang lahat ng problema ninyo. maawtoridad na saad ng amang si Arthuro sa kanila. sabay ng pagtayo ay padabog na umalis ng hapag.
naiwan naman silang nabibigla sa ipinakitang galit nito.
mom." pagsumamo ni Sierra.
I'm sorry Sierra hija, alam mo naman si dad once na mag disisyon siya walanng makakabali. ani Yesha.
napayuko na lamang si Sierra samantalang si Yuan naman ay dirediretso lang sa pagkain. na parang walang nangyari.
napailing na lang si Sierra dito.
madilim na ng maisipan ni Sierra ang mag swimming. naging exercise nya ito lalo na kapag hindi siya nakakapag training.
sinigurado muna ni Sierra na walang tao bago hinubad ng tshirt nya dahil naka two piece swimsuit naman sya sa ilalim nito at nagsimulang lumangoy,
samantala si Yuan ay nakatuon sa loptop nya habang umiinom ng wine iniisip nya ang pagpilit ng ama na pakasalan si Sierra, ayaw nyang dinidiktahan siya kaya mas lalo lamang niyang aayawan si Sierra pero ang isipin ang dalaga lalo na noong muli nyang makita ito pag uwi nya, hindi niya inasahan na mas lalo pa itong gaganda. she's a full woman now, and even more sexier than before, ipinilig naman ni Yuan ang ulo para maialis ang imahe ni Sierra sa isipan, naisipan naman nito pumunta sa veranda ng kwarto nya para magpahangin pero para siyang napaglalaruan ng pagkakataon dahil nakita niya si Sierra na nag tatampisaw sa swimming pool at di nya maiwasang sipatin ang kabuuan nito.
nakaradam ng pagiinit si Yuan kaya agad na pinigilan ang sarili. napayuko ito saka tumingala na pinapakalma ang sarili dahil sa pagkabuhay ng kanyang alaga.
f**k, impit nitong mura. agad itong pumasok sa kwarto at isinubsob ang sarili sa kama. ngunit hindi maalis ang magandang imahe ng dalaga sa kanya.
madaling araw na ng maisipan ni Sierra na bumaba para uminom nahihirapan kasi siyang matulog. pagdating niya sa kitchen ay nabigla sya ng may humapit sa bewang nya at dala ng reflexes nya ay agad syang kumilos sisikuhin nya ito pero mabilis itong iniwasan ng taong iyon at laking gulat nya ng madali lang siya nitong pinabagsak kaya napahiga siya sa lapag inibabawan siya nito at tinakpan ang kanyang bibig, hindi naman makapaniwala si Sierra ng mapagsino nya ito, si Yuan at mukhang marami na itong nainom pero ang talagang ikinagulat nito ay ang lakas at pag kilos nito na parang sanay makipaglaban,
tinitigan ito ni Sierra, nabigla nalamang si Sierra ng mapusok siyang halikan ni Yuan,
pilit naman kumakawala si Sierra pero mas lalo lang siyang idiniin ni Yuan kaya hindi siya makapumiglas.
hanggang sa parang nahipnotismo si Sierra ng unti unting nagbago ang paghalik sa kanya ni Yuan naging mabini ang paraan ng paghalik nito at duon na lamang napagtanto ni Sierra na gumaganti na siya ng halik dito, pero hindi niya makontrol ang sarili na parang may sariling isip ang katawan nya.
nasa ganoong tagpo sila ng may maramdamang dumating sabay silang nagtago sa bar counter ng kitchen, hawak hawak naman ni Yuan si Sierra habang magkaharap silang nakatago. parang sasabog naman ang dibdib ni Sierra habang nagtatago dahil malaking kahihiyan talaga ang makita sila ni Yuan na nakatago.
ilang sandali pa at umalis na ito, kaya nakahinga ng maaluwag sina Yuan at Sierra halos atakihin sa puso si Sierra. napatawa naman si Yuan,
anong nakakatawa? galit na saad ni Sierra.
kasi nagtatago tayo sa sarili nating bahay na parang magnanakaw. natatawang saad ni Yuan.
sinimangutan naman siya ni Sierra, hindi ako magtatago kung hindi mo ako hinalikan! saad ng dalaga, pilyong ngumisi naman si Yuan, bakit di kaba nasarapan? pang uuyam niya dito.
sa inis ni Sierra ay tinalikuran niya na ito ng walang imik. pero nabigla siya ng hatakin siyang muli nito at pinasandal sa counter paharap, ano bang gusto mo? ani Sierra natigilan naman ito ng muli siyang halikan ni Yuan,
I just wanna kiss you, paos nitong sabi sa kanya. tumayo naman ang mga balahibo ni Sierra sa buong katawan sa ginawa ni Yuan.
hinawakan naman siya nito sa kamay at iginiya papaakyat, gusto man niya na kumontra dito pero hindi nya magawa dahil kahit anong sigaw ng isip gusto ng puso nya ang ginagawa ni Yuan.
inihatid siya nito sa kwarto niya gaya ng dati nitong ginagawa. hindi tuloy maiwasan ni Sierra maalala ang masakit na nakaraan nila.
nakangiti sa harapan nya si Yuan at hinawakan nito gamit ang isang kamay ang pisngi nya marahan itong hinimas ni Yuan, saka muli siyang binigyan ng isang matamis na halik. Sierra, Sweet dreams. saad nito saka siya binitawan at naglakad papunta sa kwarto nito.
si Sierra naman ay tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto at agad na isinubsob ang sarili sa kama. saka nagpagulong gulong hindi nito makalimutan ang naganap na halikan nila ni Yuan.
kinabukasan ay maagang bumangon si Sierra dahil ginising siya ni Yesha kanina gusto daw nitong mag picnic kasama ang sila kaya wala siyang nagawa kundi sumunod dito.
napahikab pa si Sierra sa sobrang antok at bahagyang kinamot ang mga mata.
napahinto lang siya ng mahuli nyang nakatitig sa kanya si Yuan at nginitian pa siya ng nakakaloko ng mag tama ang tingin nila.
inismiran naman ito ni Sierra, dahil sayo kaya antok na antok ako. ani Sierra sa isip, hindi kasi siya nakatulog dahil sa tagpo nila kagabi ni Yuan at hindi na nawala ang imahe ni Yuan sa isip nya.
pilit naman winawaksi ni Sierra sa isip nya si Yuan, dahil ayaw niyang mahulog muli sa mapanlinlang na karisma ng binata.
hindi, hindi pwede, ayoko ng masktan pang muli sapat na ang matinding sakit ng tanggihan niya akong pakasalan at tuliyang iwan, ayoko nang maranasan pang muli ang sakit na dulot ni Yuan sa akin. saad ni Sierra sa sarili.
napabalik naman siya sa huwisyo ng lapitan siya ni Yuan,
anong problema mo? mataray na saad ni Sierra kay Yuan.
tumuon naman ito sa kanya ganun na lamang ang pagkainis nya ng bumilis ang pagtibok ng puso niya ng dahil lang sa titig ni Yuan.
bakit ba ang taray mo, as if naman na may choice ako na kumausap ng ibang tao dito ee tayo lang naman ang nandito. diretsong saad ni Yuan.
sinamaan na lamang ito ng tingin ni Sierra. pwede ka naman manahimik na lang at wag mo na ako intindihin diretsong saad ni Sierra dito pero sa halip na umalis ay nginitian pa nito si Sierra. para namang kandilang nauupos si Sierra na mas lalo nyang ikinagalit sa sarili dahil ang lakas ng epekto ni Yuan sa sistema nya, naglalaban ang isipan at ang puso nya kaya agad na tumayo si Sierra bago pa mapansin ni Yuan ang nararamdam niya.
aalis ako mag jojoging muna ako," pagkuwaring palusot ni Sierra para makaalis at makalayo mula kay Yuan.
tinalikuran niya na ito pero napahinto siya ng mapansing nakasunod ito sa kanya, parang lahat ng dugo ni Sierra ay napunta sa ulo niya dahil pakiramdam niya ay sinasadya siyang asarin ni Yuan kahit na siya na ang umiiwas.
sinusundan mo ba ako? inis niyang saad.
no, magjojoging din ako, bakit bawal ba? saka bakit naman kita susundan? nakangising saad ni Yuan.
pulang pula na sa galit si Sierra, habang tuwang tuwa naman si Yuan na asarin ito.