nacheck lahat ni Yuan ang trabaho niya at maaga niya natapos ito dahil nais niya makapag focus sa training ng mga agent at magawang bantayan si Sierra dahil di niya maiwasang mag alala para dito, napahugot pa ng hangin si Yuan dahil sa pagkastress niya nitong mga nagdaang araw dahil sa trabaho at the same time ay si Sierra, hindi siya makakapayag na manatili si Sierra sa pagiging agent, napasabunot pa siya sa sarili ng walang maisip kung papaano niya hihikayatin si Sierra na umalis dahil sa tuwing mag uusap sila laging nauuwi sa away, 'uyy, bro, you looked stressed." biglang saad naman ni Ryan sa kanya, 'kamusta ang training." tanong niya dito, ayos naman sinunod naman nila ng maayos ang pinagawa ko and Sierra is growing faster than we thought." saad pa ni Ryan, 'kahit pa, hindi ko hahayaan na manatili dito si Sierra." saad ni Yuan 'anong plano mo bro?, nga pala hindi mo sinabi sa akin na dinedate mo si Jana." natatawang saad ni Ryan nagtataka naman na tumingin si Yuan dito, 'well yun ang usap usapan dito I just heard it somewhere." dagdag pa ni Ryan, 'no, it's not like that, nainis lang ako kaya ko siya sinabayan kumain that's all." pagpapaliwanag ni Yuan na tinawanan naman ni Ryan, 'alam ko bro, alam ko naman kasi na hindi ganun ang tipo mong babae." natatawang saad ni Ryan,
'pero paano si Sierra, ano iisipin niya kapag nalaman niya ito." pangaasar ni Ryan sa kaibigan, napaisip naman bigla si Yuan, 'shut up bro." saway ni Yuan dito pero di rin mapigilan na mapaisip kung ano ang iisipin ni Sierra,
pumuslit naman sila Sierra ng alak sa likod ng canteen duon kasi inilalagay ang mga alak at inilalabas lamang iyon kapag may pahintulot ng commander, 'kinakabahan ako sa gagawin natin." usal ni Sierra, 'oo cap don't worry." saad naman ni Ivy, 'hay naku, tinuturing niyo paba akong captain parang hindi e." eksaheradang saad ni Sierra sa mga ito, 'cap kaya nga tayo friends ee pag hindi tayo gumawa ng kalokohan hindi tayo magkaibigan." pilyang saad ni Luisa 'kelan ko ba kayo nagumpisang maging kaibigan paki paalala gusto ko na kasing pagsisihan e." walang ganang usal ni Sierra na tinawanan ng dalawa, 'ang natatandaan ko kasi broken hearted ka noon." pangaasar ni Luisa kay Sierra, sinamaan naman ng tingin ni Sierra ang mga ito habang nagtatawanan, napabuntong hininga naman si Sierra, 'ang hirap pala kapag may pagkabaliw ang mga kaibigan mo." ani Sierra na tinawanan ng dalawa, pagdating sa likod ng building kung nasaan ang canteen mabilis na binuksan nila Sierra ang bintana at mabilis naman nilang napasok ang storage ng walang nakakapansin habang si Ivy naman ang nagsilbing lookout nila, mabilis naman lumabas sila Sierra ng makakuha ng mga alak, 'grabe hindi ko naiisip na darating ang araw na gagawin natin ito." saad ni Sierra habang napapailing, saka nagmamadaling tumakbo papunta sa building ng assembly hall.
naisipan naman nila inumin iyon sa likod ng building ng assembly hall dahil walang dumadaan duon lalo na kapag gabi hindi din kasi pwede sa dorm dahil mas malaki ang tyansa na mahuli sila, halos nauubos na ni Sierra ang alak kaya naramdaman na niya ang pagka tipsy niya bigla naman silang napaalerto ng may maramdaman na paparating, nagmamadali nilang itinago ang mga ebidensya ng ginawa nilang kalokohan at mabilis na tumakbo, pero dahil sa kalasingan ay nadapa si Ivy na dahilan para malaman ng bantay na may mga tao sa lugar, bago pa man sila makita ay mabilis nilang tinulungan si Ivy at tumakbo sa pinaka malapit na building na nakita nila, pero patuloy parin silang hinabol ng bantay, 'Luisa mauna na kayo sa dorm ako ng bahala sa bantay dalhin mo na si Ivy dahil baka mas mapahamak pa tayo." saad ni Sierra na tinugon naman ni Luisa, sa taranta ay naisip niya na magtago sa kwarto ni Xavier kaya buong pagmamadali siyang nagpunta sa dorm ng team ni Xavier napatingin pa siya sa likod at nakita ang agent na humahabol sa kanila kaya agad niyang kinatok ang pinto ng kwarto ni Xavier, mabuti na lamang at agad nitong binuksan ang pinto, 'hingal na hingal si Sierra habang naisubsob ang mukha sa pinto, 'anong ginagawa mo dito." pagtatanong ng lalaki mabilis naman pumihit paharap si Sierra, 'Xavier." agad naman natigilan si Sierra na imbis si Xavier ang kaharap ay si Yuan, 'anong ginagawa mo." paguulit nito sa kanya, 'hindi ba ito ang kwarto ni Xavier." wala sa sariling saad ni Sierra, 'napangisi naman si Yuan, 'well I'm sorry to disappoint you pero hindi, sarkastikong saad ni Yuan, napangiwi naman si Sierra, 'naku naman kapag siniswerte ka nga naman." usal ni Sierra sa sarili, bigla naman may kumatok dahilan para mataranta ng sobra si Sierra,
'sino yan." pagtatanong ni Yuan habang pinagmamasdan si Sierra, sumenyas naman si Sierra na nagmamakaawa kay Yuan,
'sir may itatanong lang po." saad ng nasa likod ng pinto, binuksan naman ni Yuan ang pinto habang nanatili naman nakatayo si Sierra sa gilid nito,
'sir may nakita po ba kayong tumakbo papasok ng building na ito." tanong nito, habang halos malaglag ang puso ni Sierra dahil sa kaba, of all people si Yuan pa ang nakahuli sa kanya sigurado siyang isusumbong siya nito,
'wala."tipid na sagot ni Yuan, nabigla naman si Sierra pero sobra ang saya niya dahil hindi siya nilaglag nito, pagkaalis naman ng mga bantay ay nakahinga na ng maluwag si Sierra,
'salamat talaga." nakangiting saad ni Sierra napasalubong naman ang kilay ni Yuan ng mapansin na may kakaiba sa inaakto ng dalaga, naamoy niya naman ito 'teka uminom kaba." pagtatanong ni Yuan, nakangiti parin si Sierra sa kanya habang hatak hatak ang maggas ng t-shirts niya, 'oo ee, medyo lang." lasing nitong saad, 'salamat ulit sige bye." paalam nito sa akmang aalis pero agad naman pinigilan ni Yuan, 'so, naglasing ka at muntik mahuli ng bantay na agent sa labas, at pumunta ka dito dahil akala mo ito ang kwarto ni Xavier tama ba?." diretsong saad ni Yuan, tumuon naman si Sierra na nararamdaman na ang pagkalasing dahil wala na ang adrenaline rush niya, 'oo? parang ganun na nga." lasing na saad ni Sierra, ngumisi naman ng nakakaloko si Yuan kay Sierra, at anong gagawin mo kung si Xavier nga ang nandito at hindi ako." siryosong tanong ni Yuan, naguguluhang nagisip si Sierra, ng wala talaga siyang maisip dala ng kalasingan sumimangot na lamang siya at sumalampak sa sahig, napahugot naman ng hangin si Yuan na pilit pinapakalma ang sarili, 'look Sierra ganun mo ba siya ka gusto?." inis na saad ni Yuan, 'hindi." lasing na saad ni Sierra tinitigan naman siya ni Yuan at napagtantong wala na ito sa sarili dahil sa kalasingan, 'kung hindi bakit mo siya hinahanap." saad ni Yuan 'kasi alam kong di niya ako isusumbong." sagot naman ni Sierra, napabuntong hininga naman si Yuan, 'bakit kaba uminom alam mo naman na bawal." 'ee ikaw bakit dinate mo si Jana, hindi naman kagandahan sakang pa, ano bayan hahanap ka namang ng sister in law ko hindi kapa humanap ng mas maganda." wala sa sariling saad ni Sierra, di naman napigilan ni Yuan ang mapangiti dito, 'nagseselos kaba." panguuyam ni Yuan dito, 'ako magseselos." saad ni Sierra habang nakaturo sa sarili, 'hindi noh, ang kapal ng bwisit na Yuan na yon, mas mabuti pa si Xavier." dirediretsong saad ni Sierra saka tuluyang nakatulog, napapailing na lamang na tinignan ni Yuan si Sierra, 'ano kaba bakit dyan ka natulog." saad ni Yuan habang ginigising si Sierra ngunit di na talaga ito nagmulat ng mata, wala naman siyang nagawa kundi ilipat ito sa kama niya,
nagising naman si Sierra na agad napasapo sa ulo dahil sa pagsakit non, mukhang may hang over siya sa paginom nila kagabi, bumangon naman si Sierra saka lamang napagtantong wala siya sa sariling kwarto, 'hala, nasaan ako." nabibiglang saad niya, bigla naman bumukas ang isang pinto at iniluwa si Yuan, naamoy naman ni Sierra ang mabangong amoy ng binata mukhang bagong ligo pa lamang ito at napaka hot nitong tignan sa paningin ni Sierra, naipikit naman ni Sierra ang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili, 'Sierra maghunos dili ka." bulong ni Sierra sa sarili,
'gising kana pala, anong plano mo mananatili ka nalang ba dyan." sita ni Yuan sa kanya, 'hi-hindi noh." usal ni Sierra saka nag mamadaling inayos ang sarili papaalis na sana siya ng matigilan siya ng may maisip, 'bakit." tanong ni Yuan 'wala naman akong ginawang kalokohan diba?." pagtatanong ni Sierra dito, 'well iisipin ko, bukod sa tinawag mo akong lokoloko at bwisit wala naman na." sarkastikong saad nito, 'napangisi naman ng peke si Sierra na tinatago ang kahihiyang nadarama, 'haha, pa-pasenya na sige." utal na saad ng dalaga bago tuluyan umalis,
pagkatapos mag jogging at magbreakfast ni Sierra agad niya namataan si Luisa at Ivy kaya agad niya itong nilapitan, 'mga loka loka." saad niya sabay pingot sa dalawa, napa aray naman ang mga ito, 'nakita niyo na ang nangyari nalagay ako sa alanganin dahil sa kalokohan niyo." panenermon niya dito, 'sorry na talaga cap, pero ano ba nangyari sayo kagabi, di ka naman na huli tama." alalang tanong ni Luisa, 'nagaalala kaba para sa akin o nagaalala ka na ilaglag ko kayo." pangaasar ni Sierra dito, 'syempre ganun din yun." diretsong sagot ni Ivy na akmang babatukan ni Sierra pero biglang dumating si Yuan kaya pareparehas silang natigilan, lumapit naman ito at may inilagay sa kamay ni Sierra, 'inumin mo yan para hindi na sumakit ang ulo mo." saad nito, bahagya naman napaawang ang bibig ni Ivy at Luisa sa inakto nito, 'pwede ba wag niyo ng uulitin ang kalokohang ginawa niyo kagabi." dagdag pa nito, natigilan naman sila sa sinabi nito saka ito tuluyang umalis, 'teka paano nalaman ni sir Yuan ang ginawa natin." takang tanong ni Ivy, 'don't tell me Sierra, magkasama kayo kagabi." nabibiglang saad ni Luisa dito, 'mukha naman nagenjoy ka kagabi cap." pilyang saad pa ni Ivy 'ewan ko sainyo." saad ni Sierra saka tinungga ang binigay ni Yuan na inumin, 'aalis na ako magtraining kayo wag puro kalokohan." bilin ni Sierra sa mga ito saka tuluyang umalis,
pagdating naman ni Sierra sa training room kumpleto na ang lahat na nagaantay kay Yuan, ilang sandali pa at dumating na ito, 'kumuha kayo ng nakapangalan sa inyo at simula ngayon ay susuutin niyo na yan." maawroridad na saad ni Yuan na agad naman sinunod nila Sierra, kagaya ng sinabi ni Yuan ay kumuha sila sa box na dala nito na may nakapangalan sa bawat isa ng tignan nila ito mga weights pala ang laman nito at kinuha ni Sierra ang nakapangalab sa kanya dalawang 5 kilos ang kanya, na agad naman niyang sinuot,
pagkatapos maisuot ng lahat ang weights nila ay pinag buhat naman sila ni Yuan, pagkatapos ay dinala sila sa labas nila Yuan at pinatakbo ng 10 laps,
pagkatapos ay nagrelay ng shooting bawat isa, bahagyang nahirapan si Sierra sa gamit na riffle kaya nilapitan siya ni Xavier, 'you need help."pagtatanong nito, matamis naman na ngumiti si Sierra dito, 'oo e, parang may mali kasi sa baril na nakuha ko." saad niya, tinignan naman ito ni Xavier, 'I see." saad ni Xavier at may kinalikot lang ng konti at okay na, saka muling ibinigay ang baril kay Sierra, 'okay na yan." nakangiting saad nito sa dalaga, 'salamat." nakangiting saad ni Sierra, nakita naman ito ni Yuan, at mapaklang ngumisi, 'easy bro, wag mong sabihin na pati bata papatulan mo." pangaasar ni Ryan dito na sinamaan ng tingin ni Yuan,