naalala naman bigla ni Yuan ang naging kasunduan kay Laurence na kapag wala pa siyang asawa pagdating ni Lorraine ng 18 kailangan niya itong pakasalan, napasapo naman si Yuan sa naalala
'hindi bakit ko ba nakalimutan ang bagay na iyon." usal ni Yuan sa sarili.
halos hindi na maigalaw ni Sierra ang kamay dahil sa ipinagawa ni Yuan sa kanila hindi nila akalain na mahihirapan sila sa pagdudurog ng mani, 'hay naku, wag niya sabihin na buko naman ang ipapadurog niya sa kamay namin." wala sa sariling usal ni Sierra, 'hindi dahil bato ang ipapadurog ko." saad naman ni Yuan na ikinabigla ni Sierra hindi manlang niya ito napansin na nasa likod na niya, 'anong ginagawa mo dito." saad ni Sierra lumapit naman si Yuan at walang pasabing kinuha ang kamay ni Sierra at tinignan ito, 'ano ba!." singhal ni Sierra at pilit na hinahatak ang kamay mula sa pagkakahawak ni Yuan pero sadyang mahigpit ang hawak ni Yuan dito, nagtaka naman si Sierra ng may idinikit si Yuan sa kamay niya, 'makakatulong ito para mabawasan ang pananakit niyan." saad ni Yuan at nilagyan din ang isa pang kamay, naramdaman naman ni Sierra ang bahagyang paggaan ng pakiramdam ng kamay niya kung kanina ay naninigas ang muscle nito pero pagkatapos itong lagyan ng patch ni Yuan ay naging maginhawa na ito, 'sa-salamat." utal niyang saad dito,
'bakit ba ayaw mong umalis." seryong saad ni Yuan sa dalaga, napasiryoso naman ang dalaga sa tanong nito 'bakit mo ba tinatanong." diretsong saad ni Sierra, 'dahil gusto ko malaman lahat ng tungkol sayo lahat ng naging buhay mo sa loob ng sampung taon." sinserong saad ni Yuan, halos hindi naman nakaimik si Sierra sa sinabi nito, 'kapag sinabi ko ba sasagutin mo ba ang lahat ng tanong ko." saad ni Sierra, 'sige deal." saad ni Yuan, 'sige, ako ang mauunang magtanong, ilang tao na ang napatay mo? diretsong saad ni Sierra, sumiryoso naman na tumuon si Yuan kay Sierra, 'sige kung yan ang gusto mo, hindi ko na mabilang sa dami dahil noong una ko iyong ginawa nasa dalawampung katao sila." saad ni Yuan na ikinabigla ni Sierra pero nakitaan niya ng lungkot ang mga mata nito ng sinabi iyon ng binata, 'ngayon ako naman bakit ka nandito sa special force at naging isang agent." saad naman ni Yuan, 'da-dahil sayo." halos utal na saad ni Sierra habang diretsong nakatuon sa mga mata ni Yuan, nagsalubong naman ang mga kilay ni Yuan na nagtatanong kung bakit siya ang dahilan ng dalaga, 'simula ng umalis ka nagulo ang mundo ko ni hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin ko maalis lang ang sakit sa damdamin ko nang umalis ka." diretsong saad ni Sierra habang nakatuon sa mga mata ni Yuan, 'ang hirap sa inyong mga lalaki lalapit kayo at magpapakita ng pagmamahal tapos iiwan niyo lang kami ng ganun na lang at kami naman iiyak iyak na parang tanga dahil sa inyo, ni hindi mo naisip kung anong magiging impact nun sa akin dahil walang ibang mahalaga sayo kundi sarili mo lang." lumuluhang saad ni Sierra, halos madurog naman ang puso ni Yuan habang pinagmamasdan kung gaano nasaktan si Sierra na kitang kita sa mga mata nito, 'sabihin mo bakit mo ginawa iyon paano ka napasok sa ganyang buhay." muling tanong ni Sierra, 'dahil kung hindi ako lalaban ako ang mamamatay." natigilan naman si Sierra habang binabasa ang ekspresyon ng mukha ni Yuan, 'kung hindi ako lumaban at pumatay ng mga oras na iyon wala na ako sa harapan mo ngayon." madiing saad ni Yuan, 'masaya kanaba?." saad ni Yuan na mababaghan ng kirot sa mukha, isa pa nga pala, hindi ko ginustong iwan ka ikaw ang nagtulak saakin Sierra, the moment that you tried to hold me back and lose confidence on me, you already push me away." diretsong saad ni Yuan saka walang pasabing pumihit papaalis
agad na pumihit si Sierra papasok ng kwarto niya pero di pa man siya
naiwan naman si Sierra na walang imik at patuloy sa pagluha,
kinabukasan pagkatapos ng breakfast ay agad naman nagtungo si Sierra sa training nila mabuti na lamang at mabisa ang binigay ni Yuan na patch sa kanya, habang ang iba naman ay halos hindi maigalaw ang kamay sa pananakit, bigla naman naalala ni Sierra ang naging paguusap nila ni Yuan at di niya maiwasan na hindi makaramdam ng kirot sa dibdib, sakto naman ang pagdating ni Yuan at binigyan sila ng maliit na bola na malambot nagtaka naman sila kung para saan ang bagay na iyon, 'pisil pisilin niyo yan sa loob ng isang oras saka tayo didiretso sa training niyo basic pa lang ang pinapagawa ko pero wag niyo sana itong maliitin." maawtoridad na saad ni Yuan na tinugon naman nila Sierra, nakita naman ni Sierra na nilapitan nito si Ryan at saka umalis ni hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin,
'mukhang hindi siya ang magttrain sa amin ngayon." bulong ng isip ni Sierra.
.....
kinailangan naman umalis ni Yuan sa training at ihabilin ito kay Ryan dahil kailangan na niya matapos ang mga pinagawa niyang electronic gadget sa mga ekspertong IT ng special force, pero dahil nahihirapan ang mga ito kinaylangan nya pa ipakita kung papaano ito gagawin kagaya ng mas hightech na traking device dahil madali lang matrace ang mga ordinaryo lang at iba pang gadgets, kaylangan din niya tignan lahat ng security program kung gumagana ba ito ng maayos, ginawa din niyang finger print scan ang lahat ng lock sa buong kampo maging sa mga dorm ng mga agent at mas pinahightech niya ang mga gamit dito dahil voice command na lahat ng simulator at iba pa, ganun na lamang ang pasasalamat ng special force kay Yuan at sa buong The Empire, dahil sa malaking tulong ng mga ito sa kanila, di naman maalis sa isip ni Yuan ang naging paguusap nila ni Sierra kung hindi lamang siya busy ay mas pipiliin niya na manatili sa training upang mabantayan si Sierra,
halos mapaiyak naman si Sierra sa sakit ng mga kamay at braso niya dahil pinag buhat sila ni Ryan ng weights at pinatayo pabaliktad gamit ang mga daliri at ang mas ikinabilib niya ay kinaya niya ang ganung training, katatapos lamang ng training nila at hindi na din bumalik pa si Yuan simula ng umalis ito di naman mawari ni Sierra kung bakit parang hinahanap ng paningin niya si Yuan at nakakaramdam ng lungkot ng hindi na ito nagpakita pa sa training nila, napapasigaw pa si Sierra habang nasa shower kasama si Jana at Cloe na kapwa captain tatlo lamang kasi silang babae na captain ng mga team,
'captain Sierra, wag ka naman masyadong maingay nakakabingi ang sigaw mo." sita ni Jana dito.
hindi naman umimik si Sierra, 'tama makinig ka sa future sister in law mo." pagbibiro ni Cloe na tinaasan ng kilay ni Sierra pero hindi naman siya nakikita ng mga ito,
'so ano feeling na makadate si sir Yuan." pagtatanong ni cloe, 'ayun masaya." kinikilig na saad naman ni Jana, napangisi naman ng mapakla si Sierra, saka nagtapis ng tuwalya at dumiretso sa locker kung nasaan ang gamit niya,
'ayun masaya." panggagaya ni Sierra na iritang irita, feeling mo kay ganda ee hindi nga siya pinansin ni Xavier dahil sakang siya." gigil na pangiinsulto ni Sierra dito, 'hay naku kanyang kanya na ang Yuan na yun di hamak naman na mas mabait at maalaga si Xavier hindi din naman sila nagkakalayo sa looks." inis na bulong ni Sierra sa sarili,
minamasahe pa ni Sierra ang braso habang naglalakad patungo sa canteen ng mamataan niya si Ivy at Luisa kaya mabilis niya itong nilapitan at inakbayan ang mga ito, napadaing naman sa sakit si Ivy at Luisa na sobrang ikinabigla ni Sierra, 'bakit." pagtatanong ni Sierra, hinawakan naman ni Ivy at Luisa ang parteng balikat nila na hinawakan ni Sierra, 'grabe ka naman humawak cap, akala ko dudurugin mo ang balikat ko." saad ni Ivy, na sobrang pinagtaka naman ni Sierra napalingon naman sila sa harap dahil sa pagkabasag ng isang bagay at nakita nila si Cloud dahil nabasag ang baso ng hawakan nito, hindi rin maipinta ang pagkagulat nito, naalala niya ang mga training nila at hindi nila napapansin ang mabilis na resulta nuon sa kanila,
'kung ganon cap grabe pala ang naging training ninyo." ani Ivy ikinwento kasi ni Sierra sa mga ito ang naging training nila, 'pero sabi ni Yuan basic lang iyon." saad pa ni Sierra, 'wow cap sana kami din matrain nila sir Yuan." saad naman ni Ivy na agad naman siniko ni Luisa, 'ano kaba pili lang ang natrain dahil di lahat kakayanin ang training." saad naman ni Luisa na ipinagtaka ni Sierra, 'narinig ko kasi ang naging paguusap ni commander at sir Yuan nuong magpunta ako sa opisina para sa list ng essential natin kaya aksidente ko silang narinig, pinili ni sir Yuan na ang mga captain ang itrain dahil iilan lang ang nakapasa sa physical test na isinagawa nila at puro mga captain lang ang pumasa kaya naman sila lang ang isinailalim sa training ni sir Yuan." saad ni Luisa napa wow naman si Ivy sa sinabi nito 'siguradong lalakas kayo niyan captain." ani Ivy, 'sana nga." walang ganang saad ni Sierra
'teka cap, narinig mo naba." ani Ivy napakunot noo naman si Sierra dito, 'ang alin." pagtatanong ni Sierra, nagtinginan naman si Luisa at Ivy na parang nagtataka, 'usap usapan kasi na si sir Yuan at Jana ay nag dadate daw." ani Luisa, napangisi naman ng mapait si Sierra, 'edi mag date sila paki ko ba." inis na singhal ni Sierra,
'hmm, oo nga di ka nga affected kita ko nga." pambabara ni Luisa dito. 'ano ba? kaibigan ko ba talaga kayo." exsaheradang saad ni Sierra.
nakaisip naman ng kapilyahan si Luisa, 'cap gusto mo mag inuman tayo." pagaaya ni Luisa, 'nasisiraan kanaba hindi pwede maaga pa tayo bukas at kapag nahuli tayo siguradong penalty at baka masuspinde pa kayo." saad ni Sierra
pinagbabawal kasi ang pagiinom kapag nasa kampo dahil isa ito sa disiplina sa mga agent dahil any time pwede silang biglang tawagin para sa mission,
'ano kaba cap ngayon lang naman." pangungulit pa ni Ivy, na kumindat pa kay Sierra, 'haayy ang kulit niyo." saad naman ni Sierra