13

1633 Words
pagkatapos niyang makita ang shooting ng bawat isa susubukin naman ni Yuan ang bawat isa sa kanila sa palakasan, 'okay, simple lang ang papagawa ko sa inyo pabagsakin niyo lang kahit isang beses si Ryan, yun lang ang kailangan niyong gawin." saad niya, ngumisi naman ang lahat na minamaliit si Ryan habang si Xander at Yuan ay nanunuod lamang,. pumwesto naman sa gitna si Ryan at inaantay ang gagawing pagatake sa kanya, sabay sabay naman sumugod ang lahat sa kanya pero mabagal ang mga ito para kay Ryan, sinubukan siyang ibalibag ni Sierra pero ni hindi manlang napagalaw sa pwesto nito si Ryan at malakas siyang binuhat ni Ryan at pabatong binitawan at tumama sa ibang kasama dahilan para mapabagsak ang mga ito, di naman maiwasan ni Yuan na makaramdam ng kaba habang pinapanuod ang pagsugod ni Sierra dahil alam niyang wala itong kalaban laban kay Ryan, nagpatuloy naman sa pagsugod ang lahat kay Ryan ngunit madali lamang niyang napapabagsak ang mga ito at ni hindi manlang nila naigalaw sa kinatatayuan si Ryan, hanggang halos hindi na makakilos sa sobrang pagod ang mga ito at sakit ng katawan, 'kainis." inis na usal ni Sierra na hindi matanggap na kahit isa sa kanila ay hindi mapabagsak si Ryan, hindi naman nagdalawang isip si Sierra na muling sumugod kay Ryan napaalerto naman si Ryan na sasalubungin ang pagsugod ni Sierra, malakas na sumipa si Sierra at ng masalag ito ni Ryan ay pinuntirya niya ang binti nito ngunit ni hindi manlang ito ininda ni Ryan mabilis naman siyang hinawakan ni Ryan at muling pabalibag na binitawan napaalerto naman si Yuan at mabilis na sinalo si Sierra, hindi naman inaasahan ni Sierra na sasaluhin siya ni Yuan para hindi siya masaktan, bahagya naman nagtaka si Ryan sa ginawa ni Yuan dahil kahit kelan ay nananatili lamang itong malamig makitungo sa mga babae but it's different when it comes to Sierra, nagtama naman ang tingin ni Sierra at Yuan, ganun na lamang ang bilis ng t***k ng puso ni Sierra, agad naman siyang kumilos para umalis sa bisig ni Yuan dahil ayaw niyang maramdaman nito ang mabilis na t***k ng puso niya, 'this is enough, sa ngayon ito na muna bukas nalang tayo magtraining muli magpahinga kayo at ikondisyon ang sarili." maawtoridad na saad ni Yuan saka walang pasabing nagdirediretso ng lakad na agad naman sinundan ni Ryan, naiwan naman si Xander at pinayuhan ang mga ito na sundin si Yuan, nakita kasi niya ang bahagyang pagtutol ng mga ito na itrain ni Yuan dahil para sa kanila ay masamang tao ang grupo nila Yuan, taliwas sa pinaglalaban ng special force, pagkatapos naman mag shower ni Sierra agad siyang nagpunta ng canteen kasama sina Ivy at Luisa, 'totoo ba? napaka galing daw ni Yuan sa paghawak ng baril sabi ng iba tinalo daw niya si Xavier." exsaheradang tanong ni Luisa, hindi naman na nagtaka si Sierra na mabilis kumalat ang ganoong balita sa kampo dahil si Xavier ay talagang kinikilala ng lahat at ang masaklap totoong tinalo ni Yuan si Xavier o mas dapat sabihin na pinanis ni Yuan si Xavier, 'ano, sabihin mo na?." pangungulit ni Luisa sa kanya, napabuntong hininga nalang si Sierra dito saka marahang tumango, halos impit pang napatili si Ivy at Luisa, 'ano ba nakakahiya ang ingay niyo." saway ni Sierra dito, 'pero may narinig pa ako sabi ng ibang captain na nuong nagttraining kayo ibinalibag ka daw ng isa pang kasama ni Yuan at mabilis kang sinalo ni Yuan." excited nitong saad, 'saan mo naman narinig yan." inis na saad ni Sierra, 'sabihin mo na ano, totoo ba." panguusisa ni Ivy sa kanya, hindi naman nakaimik si Sierra, muling napatili si Ivy at Luisa mabilis naman tinakpan ni Sierra ang bibig ng mga ito, 'hoy, wala naman akong sinabi." saad ni Sierra, 'silence means yes, saka kilala ka namin hindi ka makapagsinungaling kaya mas pinipili mong manahimik." saad ni Luisa sa kanya napairap naman si Sierra saka nagtuloy tuloy sa pagkain, naglalakad naman pabalik si Sierra kasama si Ivy at Luisa ng mamataan nila na magkausap si Jana at Yuan, bahagya siyang napahinto pero ayaw niyang mapansin siya ni Yuan kaya nagdirediretso siya ng lakad at nilagpasan ang mga ito, 'captain Sierra." pagtawag ni Jana, dahilan para mapahinto si Sierra at nakita niyang nasa kanya ang attensyon ng mga ito, 'hindi ka manlang ba babati sa kuya mo." saad nito, peke namang ngumiti si Sierra kay Jana, 'were not close kaya okay lang yun sq kanya diba KUYA." may diing saad ni Sierra, napailing naman si Yuan, tama siya it's okay with me were siblings but were not really close." saad ni Yuan saka hinawakan ang kamay ni Jana, napatuon naman ang attensyon ni Sierra sa kamay ni Yuan na nakahawak sa braso ni Jana, 'diba hindi kapa kumakain sabay nalang tayo." pagaaya ni Yuan dito habang matamis na nakangiti, hindi naman maunawaan ni Sierra ang sarili ng makaramdam ng kirot sa dibdib habang pinagmamasdan si Jana at Yuan kumapit naman si Jana sa braso ni Yuan na abot tenga ang ngiti, 'sige mabuti pa nga." saad ni Jana saka tuluyang umalis ang mga ito, naiwan naman walang imik si Sierra, 'ayos ka lang girl." alalang tanong ni Ivy na bahagya pang siniko ni Luisa, 'ano kaba nakita mo na nga tatanong kapa." ani Luisa dito, isinubsob naman ni Sierra ang sarili sa kama pagdating sa dorm na nilipatan nila, hindi maalis sa isip niya ang imahe ni Yuan kasama si Jana, 'mukhang nagbago na talaga siya." usal ni Sierra sa sarili, habang napapaisip kung ano nga bang nangyari kay Yuan sa loob ng sapung taon na hindi sila nagkita, para umabot siya sa ganung antas, dahil hindi kapani paniwala para kay Sierra ang nakita niyang lakas ni Yuan kumpara sa dating Yuan na kilala niya, yung malambing na Yuan at masayang kasama, bahagya pang may tumulong luha sa mata niya dahil isaisang bumalik ang mga alaala na kasama si Yuan, at may hatid iyong sakit sa dibdib ni Sierra, 'ayoko na, mag mamahal nalang ako ng iba pero ayoko na kay Yuan." saad ni Sierra sa sarili dahil sa sobrang sakit na nadarama sa tuwing maalala niya ang pagiwan sa kanya ni Yuan, kinabukasan maagang bumangon ang lahat ng agents at nagjogging, namataan naman ni Sierra si Yuan at Ryan na nagjojogging din kasama ng iba pa, pagkatapos mag jogging ay agad na nagtipon ang sampung captain para sa training ni Yuan, pagdating ni Yuan ay mabilis na umalerto ang lahat hindi naman nakalagpas sa pangingin ni Sierra ang pagpapacute ni Jana kay Yuan, na nginitian naman ni Yuan, halos sumabog naman ang galit sa dibdib ni Sierra pero pinigilan niya ang sarili na magalit dahil ayaw niyang mahalata ni Yuan na apektado siya dito, 'okay ito ang una niyong gagawin, durugin ang mani gamit ang daliri niyo." saad ni Yuan, halos mapaawang naman ang labi nila sa sinabi nito, nagtaas naman ng kamay si Xavier para magtanong, 'sige, ano yun." saad ni Yuan, 'diba parang pinaglalaruan niyo lang kami sa pinapagawa mo." diretsong saad nito, ngumisi naman si Yuan, 'gawin niyo muna kapag naubos niyo ang isang basket na yan saka niyo sabihin sa akin na niloloko ko lang kayo." saad ni Yuan 'mag umpisa na kayo." siryosong saad nito saka naglakad patungo sa couch na nasa gilid lamang ng gym kung nasaan sila, wala naman nagawa ang lahat kundi magumpisang durigin gamit ang daliri ang mga mani, nakakalimang mani pa lamang ang dinudurog ni Sierra ay naramdaman na ang pananakit ng kamay, pero dahil isang basket bawat isa sa kanila ang binigay ni Yuan napaisip tuloy siya kung kaya ba talagang matapos iyon sa isang araw pa lamang, hindi niya akalain na magiging mahirap ang pagdurog ng mani bilang training nila, habang si Yuan naman ag nagmamasid lamang sa kanila, napansin niya naman na nahihirapan na sila Sierra sa pinagawa niya kaya bahagya siyang natawa at napailing, hindi naman natiis ni Sierra ang sakit ng kamay kaya bahagya itong napadaing, nagaalala naman si Yuan na napatingin dito pero nakita na niya si Xavier habang hawak ang kamay ni Sierra, hindi niya maiwasan makaramdam ng sobrang inis dito, 'ano sa tingin mo ang ginagawa mo." saad ni Yuan kay Xavier, 'sir pasensya na pero sa tingin ko kailangan muna ipahinga ni Sierra ang kamay niya." saad ni Xavier, lalo naman nakaramdam ng inis si Yuan dito, 'ako anv magsasabi kung dapat ba siya magpahinga o hindi kaya kung ako sayo bumalik kana sa pwesto mo." galit niyang saad, pero imbis na sumunod ay nanatili lamang na nakatuon si Xavier kay Yuan, lumapit naman si Yuan at nakipag sukatan ng titig kay Xavier, 'hey, easy, wag mo na patulan yung bata bro." natatawang singit ni Ryan sa kanila, sabay pinagmasdan ni Ryan si Sierra, 'patingin nga." saad ni Ryan saka tinignan ang kamay ni Sierra, 'namulikat lamang ang kamay niya ilang minutong pahinga lang at magiging okay na yan." saad ni Ryan, saka sinenyasan si Xavier na bumalik sa pwesto na tinugon naman nito, wala namang imik si Yuan na bumalik sa kinauupuan, 'sino ba siya bro." pagtatanong ni Ryan na sinamaan naman ng tingin ni Yuan, 'bro, don't deny kilala na natin ang bawat isa kaya kilala kita, alam kong may something kayo ni captain Sierra, kung hindi nga alam ng mga naririto na kapatid mo siya malamang napagchismisan na kayong mag jowa." saad nito hindi naman nakaimik si Yuan, 'kung ano man siya sayo wala na saakin yun pero paano si Lorraine." siryosong saad ni Ryan na ikinabigla ni Yuan dahil sa unang beses ay nag seryoso si Ryan sa pakikipagusap sa kanya, kilala nila itong maloko at hindi marunong magseryoso, kaya ganun na lamang ang reaksyon niya ng makita kung gaano ito ka seryoso sa sinabi nito,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD