pagkatapos naman maglipat nila Sierra, agad naman tinipon ni Sierra ang grupo niya sa firing facility ng kampo, at nagumpisa ng training, kasalukuyan naman nagrerelay ang team ni Sierra ng dumating ang iba pang team upang magtraining, nagpatuloy naman sa pag ttraining sila Sierra at isa isa silang nagpapaputok ng baril sa target, nakakakuha naman ng 15 out of 20 ang score ng bawat isa sa team niya hindi man kataasan ay di naman din ito masyadong mababa, tinawanan naman sila ng team ni cloud, ang grupo nito ang pangalawa sa pinaka mataas na ranggo talaga naman magagaling ang mga ito kumpara sa team ni Sierra ngunit para sa katulad nila Sierra na baguhan pa lamang ay di na ito masama, sinamaan naman ito ni Sierra ng tingin, 'pasensya na Captain Sierra pero masyado kayong mabagal kaya naman di namin maiwasan na matawa sa ginagawa ninyo." presko nitong saad, inirapan naman ito ni Sierra at binaliwala na lamang, ngunit ng pumihit siya ay hinawakan siya nito sa braso kaya napahinto siya at napatuon sa kamay nito na nakahawak sa braso niya,
'tanggalin mo ang kamay mo." diretsong saad nito ng walang emosyon, teka lang naman captain Sierra bakit di ka muna makipag kwentuhan sa akin, preskong saad nito, lalapit na sana ang ibang ka team ni Sierra pero agad siyang sumenyas sa mga ito na wag kumilos at nanatili na lamang ang mga ito na nanunuod sa kanila,
'binalaan kita captain cloud wag mo sabihing hindi." walang emosyon nitong saad, napataas naman ang kilay ni Cloud kay Sierra, pero bago pa man makapagreact ay mabilis siyang hinawakan ni Sierra sa braso at isinukbit sa balikat sabay binalibag at napabagsak siya sa sahig hindi ito inaasahan ni Cloud kaya hindi siya nakapagreact kaagad, lahat naman ng nakakita ay napa oohhh, sa kabiglaan dahil sa ginawa ni Sierra at dahil sa kahihiyan ay tangkang babawi si Cloud pero agad naiwasan ni Sierra ng hawakan nito ang binti niya, parehas naman sila napahinto ng lumapit ang 1st lieutenant na siyang messenger ng commander,
'itigil niyo na yan lahat ng team captain kailangan pumunta sa assembly hall ngayon na." mawtoridad nitong saad.
agad naman tumugon si Sierra at ni Cloud na bahagya pang tinapunan ng masamang tingin kay Sierra, na nginisihan ni Sierra dahilan para mas mainsulto pa ito, binilinan naman ni Sierra ang team niya na magpatuloy sa training at iniwan niyang in charge si Ivy sa mga ito,
.......
kasalukuyan naman nag titipa si Yuan sa harap ng loptop ng dumating si Ryan na bahagyang ikinabigla niya kaya napakunot siya ng noo dito, 'what are you doing here." walang emosyong tanong niya dito, nagdirediretso naman na umupo si Ryan sa upuan na nasa harap lang ng table nito, 'nalaman ni Laurence na napakari mong tinrabaho dito kaya ipinadala niya ako para tulungan ka, saad nito sabay kagat sa mansanas na nasa table ni Yuan, agad naman nag dial si Yuan sa phone upang tawagan si Laurence,
'yes bro.'' ani Laurence sa kabilang linya.
'bro, pinadala mo ba ang isang ito?." pagtatanong niya, narinig pa niya ang bahagyang pagtawa ni Laurence, 'oo, pinadala ko siya para tulungan ka." anito napahawak naman sa sentido si Yuan 'magiging problema ko pa ang isang ito." frustrated na saad niya kay Laurence natawa naman si Laurence sa kanya, 'alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo pero wag kang magalala sigurado akong matutulungan ka niya." ani Laurence napabuntong hininga naman si Yuan na walang magawa sa didisyon ni Laurence, 'sige bro." paalam niya dito, alam naman ni Laurence na ayaw talaga ni Yuan sa naging disisyon niya, 'Yuan, trust me si Ryan ang makakatulong sayo dyan, saad nito bago tuluyang iniend ang call,
napatuon naman si Yuan kay Ryan na prenteng nakaupo sa harap niya alam naman ni Ryan ang pinaguusapan nila dahil nasa harap lamang siya, 'don't worry bro, hindi ako magpapasaway." saad nito habang nakangiti na parang inosente kay Yuan, napailing na lamang si Yuan dito, 'ano pa nga ba ang magagawa ko." saad niya, bigla naman dumating si Xander na bahagya pang nagtaka ng makita si Ryan, 'sino siya pagtatanong nito habang nakatuon kay Ryan, di naman nagabala pa si Ryan na tumayo upang magbigay galang kay Xander,
'pagpasensyahan mo na, mukha lang siyang tambay pero kasama namin siya, si Ryan nga pala." pagpapakilala ni Yuan dito.
'Ryan, siya ang commander dito si Xander."saad ni Yuan saka sinenyasan si Ryan na magbigay respeto dito.
may katigasan talaga ang ulo ni Ryan tanging si Zack at Laurence lamang ang nakapagpapasunod dito, kaya naman malaking problema ito para kay Yuan pagnagkataon,
binitawan naman ni Ryan ang kinakain na mansanas at nakipag kamay kay Xander, nagdadalawang isip naman si Xander na tanggapin ang kamay nito pero sa huli ay nakipagkamay parin siya dito, nakahinga naman ng maluwag si Yuan dahil sa pagsunod ni Ryan sa utos niya,
'nakahanda na ang lahat ng captain ng bawat team para sa training." saad ni Xander kay Yuan, tumango naman si Yuan bilang tugon dito,
nakahilera naman ang lahat habang inaantay ang commander, bahagya pang napayuko si Sierra sa bahagyang pagkainip, napaalerto naman sila ng biglang dumating si Xander kasama si Yuan
sumaludo naman ang lahat bilang pagbibigay galang kag Xander sumenyas naman si Xander na ibaba na ito saka ibinaba ng mga ito ang kamay, tumayo naman si Yuan sa harap nila, 'ako ang magttraining sa inyo at may kasama ako na magttrain din sainyo." saad nito saka naman ng pagdating ni Ryan,
'siya nga pala, si Ryan." pagpapakilala niya dito, diretso naman nakatuon ang lahat ng captain sa kanila, pero ang nakaagaw ng pansin ni Yuan ay si Xavier na isa sa mga captain at may pinaka mataas na ranggo sa lahat ng captain,
'kung ganun isa pala siya sa mga captain dito.'' usal ni Yuan sa isip bago bumaling kay Sierra na nasa pang limang pila, nakita naman ni Sierra ang masamang titig ni Yuan sa kanya pero binaliwala na lamang niya ito,
'anong problema niya." bulong ni Sierra sa sarili.
'pero bago tayo magumpisa sa training gusto ko muna makita ang mga kakayanan ninyo para malaman ko kung anong training program ang nababagay sa bawat isa." pagpapaliwanag ni Yuan. hindi naman umimik ang mga ito ngunit alam ni Yuan maging ni Ryan na walang tiwala ang mga ito sa kanila at minamaliit sila ng mga ito,
agad naman pinasubok ni Yuan ang bawat isa sa kanila sa pag baril, isa isa naman pinakita ng bawat captain ang kakayanan nila kay Yuan sa pag baril si Sierra naman ay nakakuha ng 100 out of 200, aminado naman siya na hindi siya sharp shooter kagaya ng iba, napapalakpak naman ang lahat ng magumpisa si Xavier na number one Sniper ng Special force, 'mukahang sikat talaga siya." saad ng isip ni Yuan habang nakatayo at nakacross arms na pinapanuod ang gagawin nito.
nagpakitang gilas naman sa pagasinta si Xavier gamit ang 45 caliber, nakakuha siya ng 150 out of 200 sa loob ng 2 minutes, tumango lamang si Yuan dito, pero hindi nagustuhan ng ibang captain ang naging reaksyon ni Yuan,
'wala ka manlang bang sasabihin sir Yuan?." panguuyam na saad ni Cloud dito, para sa kanila si Xavier ang pride ng special force kaya hindi nila matanggap na hindi manlang nagpakita ng paghanga si Yuan dito,
'bakit may dapat ba akong sabihin." walang emosyong saad ni Yuan,
habang si Sierra naman ay nakatuon lamang kay Yuan maging ang iba pang captain na nanduon, napangisi naman si Ryan sa kanila, 'mukhang hinahamon ka nila bro." saad ni Ryan habang natatawa.
diretso naman lumapit si Yuan kay Cloud at kinuha ang 45 caliber habang diretsong nakatuon dito na wari nakikipagsukatan dito,
pagkatapos icheck ang bala saka pumwesto sa shooting range, habang siryosong nakatuon ang lahat sa kanya, 'makinig kayo, wag kayong kukurap at obserbahan ninyo siyang mabuti ng may matutunan naman kayo." mapanguyam na saad ni Ryan, itinaas naman ni Yuan ang kamay habang nasa harap ng baril pag bilang ng 3 ng timer ay mabilis na nagumpisa si Yuan at diredirestong nagpaputok sa sobrang bilis ni hindi na nila makita ang mga naasinta ni Yuan,
napaawang pa ang labi nila ng matapos si Yuan ng ganun lamang ka bilis nakakuha siya ng 200 out of 200 sa loob ng 25 sec, hindi naman nakaimik si Cloud sa ginawa nito, halos hindi naman makapaniwala si Sierra dahil parang hindi na niya kilala ang Yuan na kaharap niya, 'siguro naman sapat na iyon para sa inyo." walang emosyong saad ni Yuan